Bunga

198 1 0
                                    

Tanda ko pa yung araw na yun.

Martes. Naglalakad na ako noon pauwi galing sa aming eskwelahan. Nakita ko siya.

Isang tingin ko pa lamang sa kanya para bang may isang malakas na pwersang humihila sa akin papunta sa kanya. Amoy ko mula dito ang mabango niyang amoy na ang sarap singhut-singhutin.

Di ko na kaya. Naakit ako. Oo nagpadala ako sa akit.

Paglabas ko doon ko lamang napagtanto ang kaligayahang dala niya. Dapat pala noon ko pa 'to ginawa. Di na sana ako nag pigil.

Hanggang sa inaraw-araw ko na ang pagpunta.

Lumipas ang mga araw, linggo, mapapansin na ang paglaki ng aking katawan at kapansin-pansin din ang umbok sa aking tiyan.

Kinabahan ako. Pinagpawisan. Di ko alam paano ko 'to sasabihin sa kanya, sa pamilya ko, sa mama ko.

Ayoko! Ayoko munang sabihin.

Kaya naman ng araw ding iyon ay dumeretso ako sa bahay ng matalik kong kaibigan,

"Bes makinig ka. Sayo ko lang 'to sasabihin. Wag mong sasabihin kay na mama 'to please." panimula ko kasabay ng paghagulgol.

Tila isa namang palaisipan sa kanya ang nangyayari.

"Teka teka ano ba yang sasabihin? Bat ka umiiyak?" kabado niyang tanong sa akin habang pinapatahan niya ako.

"Bes, buntis ako." sagot ko sa kanya sa mahinang boses. Ayokong may makarinig na iba. Pinakita ko sa kanya ang umbok sa tiyan ko.

"Hay naku sinasabi ko naman sayo tigilan mo na pagpunta dun eh! Ilaglag mo na yan! Ikaw lang mahihirapan. Eto gamot inumin mo." sabay abot niya ng isang tabletang di ko mabasa sa sobrang labo ng mata ko mula sa pag-iyak. D- d ang umpisa. Di ko alam.

Inisip ko ang kalagayan ko. Tama. Alam kong mali pero gagawin ko para sa ikabubuti ko.

Kinuha ko ang tableta at dali-daling ininom ito. Ilang saglit lamang ang lumipas nakaramdam na ko ng sakit sa aking tiyan na tila ba gustong kumawala.

Dumeretso ako sa banyo.


Inilabas ko na.


Ang bunga ng maling desisyon ko.


At di ako nagsisisi sa ginawa ko ngayon.




Sa wakas,




Nailabas ko na ang bunga ng pagbuntis sakin ni...





Jollibee....

"Bes salamat ha kakaloka ang sarap kasi ng foods dun eh nahiya naman ako sabihin kay na mama baka sabihin dun lang napupunta pera ko."

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon