"Ilista mo dyan lahat ng paborito mong kainin bibilhin ko lahat para sayo."
Tila naman isang himala ang tinig na rinig kong iyon mula sa labas ng kwartong kinaroroonan ko.
Aba himala! Dati kapag ayaw ko ng pagkain pinipilit pa nilang ipakain sakin pero ngayon tila isa akong haring pinagsisilbihan nila.
Agad-agad ko namang nilista lahat ng pagkaing gustong gusto ko kainin sa isang papel na binigay niya. Aba minsan lang 'to kaya dapat sulitin!
Fried chicken
Spaghetti
Lechon
Fries
Burger
PorkchopMatapos makasigurong wala akong nalilimutan ay agad-agad kong binalik ang papel.
"Salamat!", wika ko bago siya makaalis.
Malipas ng kalahating minuto'y nakabalik agad siya dala-dala ang mga pagkaing inilista ko.
Walang sabi-sabi'y agad kong nilantakan ang mga pagkaing nakahain dahil akin naman iyon lahat. Napakaespesyal naman ng araw na 'to para sakin!
Maya-maya'y bigla na lamang akong nabulunan. Kinakapusan na ko ng hininga ng bigla na lang parang anghel na dumating siya at agad na tinulungan akong mailabas ang nagbabara sa aking lalamunan.
"Salamat ha. Whoo! Muntik na ko mamatay dun ha hahahaha."
Matapos akong tulungan ay inilalayan naman niya ako palabas ng kwarto katabi ang iba pa niyang mga kasamahan."Wow! Para na talaga akong hari neto, may mga bodyguard pa lalabas lang hahaha" wika ko sa isip ko.
Ginabayan nila ako papunta sa lugar na sabi nila'y magdadala sa akin sa aking pinanggalingan.
Napakaaliwalas ng paligid at napakaganda ng panahon ngayon. Kitang kita ko ang napakaliwanag na araw, mga tao sa paligid, at kapansin-pansin sa lahat ang isang upuan sa gitna.
Maganda. Maganda ang upuan, iba siya sa lahat.
Inalalayan nila akong maka-upo roon at ilang saglit lamang...
...nadama ko na ang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko kasabay ng pagkabawi ng buhay ko.
Nakalimutan ko, ngayon nga pala ang araw na itinakdang maging araw ng kamatayan ko.
Kamatayang hinatol sakin dulot ng isang krimen na kung saan ay napagbintangan lamang ako.