WEAKNESS.

6 0 0
                                    

*flashback*

Nandito ako sa kwarto ko habang nag babasa ng libro nang biglang may kumatok. Nung una diko pinansin kasi istorbo naman sa pagbabasa ehh.

*tok*tok*tok*

"Sige, pasok." Sabi ko habang nakatingin parin sa libro. Pano ba naman kasi nakabukas naman eh. Baka si kuya lang or si manang.

"Goodmorning, Margaux." Sabi ng isang familiar na boses habang nakatingin parin ako sa libro.Teka baka si mommy? Boses ni mom yun ah? Eh nasa Canada pa si mommy. Wala naman siyang sinabing uuwi siya ah? matingnan nga.  Lumingon ako.

"Ikaw lang pala, mom-"

O_______O si mommy nga!

"Mom?! Nakauwi kana pala? Bat dika tumawag? Imissyouuu!" Sabi ko. Nagmadali naman akong tumayo sa kama ko para yakapin siya. Di kami close ni mommy pero namiss ko lang talaga siya.

"Imissyoumore baby.. Di ako magtatagal dito.."malungkot niyang sabi habang yakap yakap parin ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya ng diretso sa mata. Bakit hindi siya magtatagal dito? Eh kakauwi niya lang. 8years na siya doon sa Canada ah? Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.. Dala narin siguro ng lungkot.

"Bakit hindi? After 8years, saka kalang magpapakita sakin dito tas aalis kana kaagad? siyempre kailangan korin ng magulang na mapagsasabihan ng mga problema ko.. Bata palang ako ganyan na kayo ni dad! Anong klaseng magulang kayo ha?!" Napaupo na ako sa sahig at humagulgol. Hindi kona kaya ang lungkot na nararamdaman ko.

"Margaux, Listen..para sayo naman tong ginagawa namin ng daddy mo..para sainyo ng kuya mo. Hindi namin pwedeng pabayaan tong business nato. Kailangan lang talaga naming ayusin tong problema nato sa ngayon.. Sana maintindihan mo.. Alam ko naman na maiintindihan mo ito. Margaux, alam kong matalino ka and 15years old kanarin naman.." niyakap niya ko at hinalikan sa noo. Napakahigpit ng  yakap ni mommy na naging dahilan ng lalong paghagulgol ko.

"Iloveyousomuch.. Margaux Reema.." Napakalungkot ng pagkakasabi niya nun at kumalas na siya sa pagkakayakap saakin. Napatingin naman ako sa mga mata niyang punong-puno ng pag aalala at lungkot. Tumayo na siya at akmang aalis na. Pero hinawakan ko ang kamay niya. Napalingon naman siya.

"Mm-mom.. P-please don't leave me.." Nauutal nako.. Dahil narin siguro sa walang tigil na pagpatak ng mga luha ko.

"I'm sorry.. Siguro ito na ang tamang oras para sabihin ko sayo ang totoo.. Matagal ng may ibang pamilya ang daddy mo. At may asawa narin ako.. May anak na kami and he's 7years old now. Nagsinungaling kami sainyo ng kuya mo and I'm really sorry. Alam kong di niyo agad kami mapapatawad dahil sa ginawa namin. Ikaw nalang ang magsabi sa kuya mo nitong nalaman mo. I'm really really sorry. Margaux Reema."

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa nalaman ko. Patuloy sa pag bagsak ang mga luha ko. Pinanood kolang siyang lumabas at sinara ang pinto ng kwarto ko. Nang maisip kona ang lahat-lahat. Humiga nalang ako sa kama ko at nag takip ng unan sa mukha ko. Sobrang sakit eh.. Di nag tagal nakatulog agad ako. Dala narin siguro ng sakit at lungkot na nararamdaman ko.. Bakit ngayon lang niya sinabi? Dapat bata palang ako sinabi niya na. Hindi yung kailan may isip nako saka niya sasabihin.

*End of  flashback*

"Reemaaaa!!" Natauhan naman ako dahil sa pagsigaw ni kuya.

"Oh? Anyare sa mukha mo?" Nagtataka naman kasi ako at bakit galit na naiinis na ewan yung mukha ni kuya franz eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WeaknessWhere stories live. Discover now