Hi.. I'm Akisha Kendra Ramirez. "Kendra" for short. 17 years of age. first year college. nag'aaral ako sa
SMITH UNIVERSITY.
Scholar ako dito sa school na ito. kaya nakakapasok o nakakapag'aral ako ng libre dito sa private school na kagaya nito.
Kay tita mildred, ako nakatira with my dearest cousin na ubod ng sungit. actually pareho silang mag- ina. MASUSuNGIT...
At mapunta naman tayo sa itsura ko. well.. kung itsura naman ang pag'uusapan natin. maganda naman ako echoss. pero seryoso.. matangos naman ang ilong ko, may mga mata akong bilugan na bumagay sa manipis at mapula pula kong labi. mahaba ang buhok ko na medyo buhaghag dahil sa medyo kulot. may kanipisan din akong bangs. maputi at wala din namang kapeklat - peklat ang balat ko. yun nga lang dry skin ako. hahaha.. sa kasuotan naman ay manang akong manamit at may suot pa akong medyo kakapalan ding salamin sa mga mata. for short NERD ako. yun ang tawag nila sakin sa school ko o kahit saan ako mapunta, dahil lang sa itsura at pananamit ko.
hindi naman talaga ako nerd eh. nerd looking lang ako. dahil sa sinabi ko na sanyo kanina.. sa pananamit at sa itsura ko. eh.. paano ba naman kaseng hindi bubuhaghag ang aking buhok at magdadry skin, ni hindi naman na'shashampoo ang buhok ko at hindi nasasabon ng sabon mabango o sabong panligo man lang ang balat ko. dahil nga sa sobrang bait sa kabaligtaran ng mahal kong tiyahin at pinsan. ayun.. tinataguan ako ng shampoo at sabong panligo. mabuti na nga lang may awa pa sila at hindi nila tinatago ang sabon panlaba saken. dahil dyan.. maraming salamat sa sabon panlaba. hahaha..
about naman sa damit ko. mga pinaglumaang saya o paldang mahaba na hanggang talampakan ko at lumang damit ni tita mildred ang mga suot ko. kaya nagmukha na talaga akong nerd. kaya ayan tinernuhan ko nalang din sya ng makapal na salamin, para kumpleto na diba..
wala naman kase akong pambili ng sarili kong damit kaya no choice. pasalamat nalang din ako sa lumang damit ni tita mildred. ayaw naman kaseng ibigay sakin ng pinsan ko ang pinaglumaan nyang damit. mas gusto nya pa daw gawing basahan ang luma nyang damit kaysa ibigay sa kagaya ko. haist.. ewan ko ba kung bakit ganyan sya kabait saakin.
"that's all, please wait for your next teacher." grabe first day of school. di nakinig eh..
after 1234567899.....hours. natapos din ang buong klase.
hay... mabuti natapos na ang classes ko. makakauwe na din ako. kailangan ko kaseng makauwe ng maaga..
anong oras na ba? mag'tatao pa ako sa karendirya ni tita mildred. paniguradong patay ako dun, kapag malate lang ako ng kahit isang minuto.
****
naglalakad na ako pauwe sa bahay.. nilalakad ko lang ang pag'pasok at pag'uwe sa school mula sa bahay namen. dahil malapit lang naman sa bahay ang pinapasukan kong university.. habang naglalakad ako at medyo malapit na ako sa bahay ng may natanaw akong kotseng itim na nakaparada sa tapat ng bakuran nila tita mildred.
Mukhang bigatin ang bisita nina tita mildred ah. mukhang yayamanin. sino kaya ang bisita nila? siguro ito na yung boyfriend na sinasabi ng pinsan ko. lagi nya kaseng pinag'mamayabang na mayaman daw ang boyfriend nya. eh ni anino nga nung so- called- boyfriend nya ay hindi ko pa nakikita.. siguro ngayon ay makikita ko na.. hehehe.. ano kayang itsura ng boyfriend ng pinsan ko?
nang makalapit na ako sa may bakuran namen ay pumasok na ako at dumiretso na sa loob ng bahay. nang makapasok ako, bumungad kagad sa paningin ko ang isang matandang lalaki na prenteng nakaupo sa upuan ng sala at may kalapit naman itong lalaking nakatayo sa may gilid nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/85595272-288-k826341.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband is a Campus King (On Going..)
Teen Fiction-paano kung isang natanyagang Campus King at heartrob sa inyong school ang nakatakdang ipakasal sayo o sabihin nateng nakatakda mong maging asawa? -paano naman kung isang araw malaman mong nakatakda kana pa lang ikasal. sa isang taong hindi mo kilal...