chapter 3

5.8K 220 1
                                    

AKISHA

"kendra!!"

may naririnig akong boses.. may tumatawag saken. may tumatawag sa pangalan ko. pero hindi ko makita kung sino ang tumatawag sa pangalan ko. miske ang lalaking nakatayo sa harapan ko kanina ay diko na rin makita. hanggang  sa papawala na din ng papawala ang tinig na tumatawag  sa aking pangalan. asan na ba ako?  bakit puro puti nalang ang aking nakikita. wala na din akong madinig.. tulong... asan na ako.. parang awa nyo na, may nakakarinig ba saken dito? ayoko dito... tulong mama papa....  ku---. 

hanggang sa may maramdaman akong masakit saaking mukha, sa aking kaliwang pisnge. nakita ko ulit yung lalaking naka'all black. nasa harapan ko muli sya..  nakikita kong bumubuka ang kanyang bibig.. may sinasabi sya pero bakit wala akong naririnig.. hindi ko sya maintindihan. bakit? bakit nakikita ko ang galit at pag'aalala sa mga mata nya. sino ka ba? mas lalo pa syang lumalapit saken.. may nararamdaman akong may mainit na nakapalibot sa katawan ko.

"tahan na kendra.. wag ka mag'alala, aalagaan kita."


*

"ken..!!" sigaw ng isang batang lalaki.. lumingon naman ang batang babae sa tumawag sakanya. nang makita niya ang tumawag sakanyang pangalan ay ngumiti ito ng sobrang tamis..


"bakit kent?" tanong ng batang babae  ng makalapit na sakanya ang batang lalaki.

"laro tayo ng habol - habulan ken." yaya dito ng batang lalaki.

"sige ba.. laro tayo.. ikaw ang taya. habulin mo ako. hahaha.." wika ng batang babae at masayang nanakbo papalayo.

takbo lang ng takbo ang dalawang bata sa kanilang malawak na harden, ng may tumawag sakanila. kaya natigilan sila sa paglalaro ng habol - habulan.

"ken.. kent.. tara na. aalis na tayo!!" sigaw ng magandang babae sa dalawang bata. ngumiti naman ang dalawang bata at nag'unahan makarating sa magandang babae..

habang nananakbo ang batang babae papunta sa magandang babae ay nag'iba bigla ang kapaligiran.. nasa loob na sila ng isang sasakyan at may kasama na silang tatlo na isang napakagwapong lalaki na kamukhang kamukha ng dalawang bata.

masayang kumakanta ang dalawang bata habang nasa back seat sila ng sasakyan. ang magandang babae naman ay kalapit ng gwapong lalaki habang nag'dadrive ito ng sasakyan. kanta lang ng kanta ang dalawang bata, habang masaya silang tinitignan ng magandang babae.

"rain rain.. go away, rain rain.. go away, come again another day.

little chu-chu wants to play, rain rain.. go away."

"oh.. hon. may tumatawag sa phone mo." sabi ng babae.

"baka si aling lusyana yan hon. nagtataka na siguro at gabi na ay wala pa din tayo sa bahay." sagot ng lalaki. kinuha nya sa may dash board ang kanyang cp, habang nakatuon pa din ang paningin sa kalsada. dahan dahan lang ito sa pag dadrive dahil madulas ang kalsada, gawa ng malakas na ulan. bigla namang nadulas sa kamay nito ang hawak na cellphone. kaya pilit nitong abutin sa ibaba. dahil hindi pa rin tumitigil ang phone nito sa kakatunog. saglit syang yumuko upang maabot ang cp nya ng sumigaw ang asawa nito.

"hon.. watch out..!"

may isang ten wheeler ang rumaragasa palapit sa kanila. Na parang nawalan ng brake ang truck. dahil dire diretso lang ang takbo nito sa direksyon nila. mabilis niyang kinabig ang manibela pakanan, ngunit mabilis rin ang pangyayari.

hindi na nito alam kung dahil ba sa pagpapanic or what. dahil hindi nito makabig kabig ang manibela. wala na itong naisip na gawin kundi tawirin ang pagitan ng kanyang mag-iina para yakapin upang maprotektahan.

isang nakakasilaw na ilaw ang kanilang nakita at ingay ang narinig sa buong katahimikan ng  malamig na kalsada.

lord, help us.. yun nalang ang huling nabanggit ng kanilang ama.

beeeeeepppppp!!!!!!!!


baaaaannnngggg....

.............................................................

KAMSAHAMNIDA....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband is a Campus King (On Going..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon