Chapter 1

160 7 4
                                    

Unknown's POV

Nakita ko silang magkakasama, anim sila. At ako? heto nag-iisa. Walang kasama, walang masabihan ng nararamdaman.

Masakit pag ang taong mahal mo noon, may minamahal ng iba ngayon.

Hindi nya ako mahal, hindi naman talaga nya ako minahal. Alam ko yon, kasi yon mismo ang pinaramdam nya sakin.

Simula palang alam ko na. Simula palang ramdam ko na.., Na hindi pala ako ang taong gusto nya. Siguro tama nga sila, kailangan ko na nga talagang mag move on. Pero sino ba kasi ang nag sabi na madali ang mag move on?

Alam kong alam nya na hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Alam kong alam nya na hindi ko pa kayang kalimutan ang lahat, siguro yong iba medyo unti-unti ko nang nakakalimutan. Pero hindi pa lahat,

Kung pwede lang sana ibalik ang oras na nagkakilala kami, gagawin ko. Gagawin ko lahat para makalimot, pero sa paraang satingin kong tama.

Gusto kong maka move on ng hindi hummihingi ng kahit ano mang tulong mula sa iba, ayaw ko silang idamay sa problemang pinagdadaanan ko. Problema ko'to at ako mismo ang lulutas dito.

Alam kong makaka-move on din ako, pero hindi pa ngayon, siguro sa tamang oras at panahon.

Pag mahal mo ang isang tao, handa kang magpakatanga kahit ikaw na ang nasasaktan.

Mahal mo eh...,
              minahal mo.

Kahit nasasaktan kana, kaya mo paring magpaubaya para sa kaligayahan ng iba.

Gusto mo eh...,
                ginusto mo.

Minsan naiisip ko, bakit ang hirap kong makalimot?

Siguro dahil sa insecurities.

Na-iinsecure ako dahil mabuti pa sya, may mahal ng iba. Mabuti pa sya naka move on na. Habang ako, heto nakatunganga sa mga alaalang tapos na.

Na-iinsecure ako kasi bakit nung naging kami, hindi nya ako magawang lapitan. Kahit ngiti hindi nya kayang ipakita mismo sa harap ko.

Anong silbi ng salitang "Oo" kung sa kinikilos palang hindi na kayang patunayan ang dahilan kong bakit ka nagtiwala sa taong puro pangako lang ang ginagawa.

May kasabihan nga  na "Actions speak louder than words" pero paano kung ang taong inaakala mong mahal ka, ay puro lang salita? walang ibang ginawa, kundi atupagin ang sariling kaligayahan sa iba.

Bakit nga ba may mga taong walang pakialam sa paligid nila? Kahit alam nilang may nasasaktan na, patuloy padin sila sa ginagawa nila.

Kung sana may subject na love sa high school at college, lahat sana ng tungkol dito alam ko na. Edi wala sanang masasaktan, edi wala sanang taong nakakasakit sa kapwa nila.

Kung pwede lang na hindi ko sya makita, kung pwede lang ilipat ang nararamdaman ko sa iba, kung pwede sana..,

Hindi naman masama ang maging broken, lalo na kung alam mo sa sarili mo na hindi ka nag iisa.

Ang love parang pagkain lang yan, sa oras na iniwan mo, wag kang magtaka kung sa pagbalik mo ay may kumuha ng iba.

Lahat naman siguro tayo, may pakiramdam hindi ba?

Pero bakit ganun? nakikita nya nang nasasaktan ako, hindi parin nya maramdaman. Ganun ba sya kamanhid? ganun ba sya kawalang pakialam sakin?

Ang sakit lang isipin na ang salitang Ex, ay pang nakaraan nalang. Hindi ba pwedeng ang nakaraan ay ipagpatuloy nalang?

Sabi nga nila, ang nakaraan ay hindi na pwedeng balikan. Pero paano kung ang nakaraan, ay muling mangyari sa kasalukuyan? Paano kung ang taong inakala mong parte nalang nang iyong nakaraan, ay muling magbalik para ipagpatuloy ang inyong nasimulan?

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang Ex?

Ang Ex ba ay nakalipas na?
Ang Ex ba ay dapat na kinakalimutan?

Para sayo ano ba?

Lahat ng taong may kanya kanyang meaning ng Ex. Nasa sayo nalang yon kung maniniwala ka o hindi.

Dahil para sakin ang Ex, ay hindi dapat kalimutan. Ang Ex, hindi dapat kamuhian.

Bakit?

Kasi kahit sa kaunting panahon na nagkasama kayo, ay may ginampanan syang papel sa buhay mo. Sa madaling salita, napasaya ka nya kahit sa kunting effort na binigay nya.

Pero ang tanong nag effort nga ba?

Ang effort, pag sinearch mo sa dictionary, ito ang lalabas.

Effort (noun)
: serious attempt to do something
: something produced by work

Pero para sakin, hindi na naman kailangan ng sandamakmak na dictionary para malaman mo ang tunay na kahulugan nito.

Makita mulang na pursigido ang isang tao, effort na yon para sayo.

Ang love hindi dapat yan minamadali. Ang sabi pa nga;

"Ang taong nagmamadali, nagkakamali."

Ang taong nagmamadali, nagiging nanay at tatay.
-Unknown

Matoto kang maghintay sa mga bagay na gusto mong magtagal sayo.

Waiting is a sign of true love and patience, anyone can say I love you, but not everyone can wait and prove its true.
-Unknown

End of Chapter 1.

Broken ka ba?Where stories live. Discover now