Unknown's POV
Bakit ba ang Ex ay palaging kuntra sa kasalukuyan? Bakit hindi magawa ng panahon na bigyan ako ng mulling pagkakataon?
Mahirap harapin ang biyahe patungo sa kasalukuyan, lalo na kung hindi mo naman alam ang patutunguhan. Lalo na kung hindi mo naman alam kung anong naghihintay sayo sa kahulihuli-hulihan.
Isang araw, na realize ko nalang na inlove ako sa best friend ko. Dahil palagi kaming magkasama, dahil palagi nya akong dinadamayan sa oras na kailangan ko ng masasandalan.
Pero paano kung ang pagmamahal na yon, ay hindi pa pala sapat para kalimutan ang lahat? Paano kung ang nararamdaman ko ay panandalian lamang?
Sa araw na yon sana, balak ko syang sagutin, pero naalala ko, hindi pa pala ako ready na magkaroon ng relasyon sa iba.
Pag broken ang isang tao, closure lang ang kailangan para maka move on. Pero bakit ako, closure na nga lang ang hinihingi ko hindi pa maibigay.
Mabuti pa yong iba nagkaroon na nang closure, mabuti pa sila, lahat maligaya na.
Bakit ba kasi ang hirap magkaroon ng closure? Bakit ba sa tuwing nagtatangka akong magmahal ng iba, hindi ko magawa?
Bakit nga ba?
Utak: eh kasi nga wala ka pang closure.
Puso: pero bakit sila, kahit walang closure nagagawang magmahal ng iba?
Minsan pag broken ka, paulit-ulit mong itinatanong sa sarili mo na;
Bakit ba kami nag-break?
Bakit nya ba ako iniwan?
Ano ba ang nagawa kong mali para ipagpalit sa iba?
Ano ba ang meron sila na wala ako?Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa utak ng mga taong hindi makamove on. At isa na ako doon.
Normal lang sa iba ang magmahal, oo.
Normal lang sa iba ang magkaroon ng break up. Pero bakit pag sinabi mong hindi ka pa nakakamove on, big deal agad yon sa kanila?Hindi ba naipaabot sa mga utak nila ang balita na pag nagmahal ka, kasama dito ang hirap ng pag momove on?
Bakit ba kasi naimbento ang salitang move on? Bakit ba kasi naimbento ang feelings na yan? Kung pwede lang hindi magmahal, kung pwede lang na hindi masaktan, kaso hindi pwede. Kasi ang salitang "Masaktan" ay 4ever ng naka tanim sa puso't isip ng tao.
Sa buhay, hindi mo malalaman kung ang mga desisyon na ginagawa mo ay may mabuting maidudulot sa buhay mo.
Minsan ang salitang "oo" at "hindi" ay walang kasiguraduhan. Minsan hindi mo alam kong ang ginagawa mo ay tama sa paningin ng iba.
Pag nasaktan ka, magpasalamat ka.
Bakit?
Kasi hindi ka manhid tulad ng iba.
Alam ko naman na pag nagmahal, natural ang masaktan. Ang hirap lang kasing tanggapin na ang pinanggagalingan ng sakit ay mas malala pa sa inaakala ko.
Wala nang mas sasakit sa nakikita ko ngayon. Lalo na't harap-harapan ito ginagawa.
Pero para sa kanila, kakayanin ko ang lahat.
Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao, handa kang mag-sacrifice para sa kaligayahan nya.
Hindi ba pwedeng maging selfish nalang? Palagi ba dapat mag paubaya?
Ang pangit naman kong ako nalang palagi ang nasasaktan diba? Ang pangit naman kong sa paningin ng ibang tao, ako nalang palagi ang kawawa. Na totoo naman.
Ayoko sanang isipin, pero ito ang gusto ko.
Kahit kailan ang nakaraan ay hindi na talagang dapat balikan. Lalo na kung wala kanang nakikitang dahilan para ito ay ipaglaban.
Kasi sya mismo, ay matagal ng huminto at sumuko nalang ng walang kalaban-laban.
Sa love, kung alam mong wala na talagang pag-asa, tigilan mo na.., sukuan muna. Dahil kahit anong gawin mo kung ayaw na talaga sayo wala kanang magagawa kundi sumuko nalang.
Pero paano kung ang puso mo ay ayaw pang bumitaw? paano kung wala parin itong balak na sumuko? ano ang gagawin mo?
Sa tagal kong naghintay, ngayon ko lang narealize ang pagiging tanga ko.
Talaga bang ganito ako ka-selfless? na kahit ako na ang agrabyado, willing parin akong magbigay para sa ikabubuti ng lahat.Ang hirap aminin na ang taong minahal mo ay hindi na pwedeng bumalik sayo.
End of chapter 2.
