2. Ice Cream

0 0 0
                                    

Keira Pov
Kinabukasan nag-aya si Luna na magpunta sa mall.

Nang nasa mall na kami dumiretso kami sa Mcdo at doon ko kwinento ang mga nangyari kahapon.

"E ba't di mo agad binaba?" Tanong niya.

"Wala lang. Para magmukhang matapang" bored kong wika.

"Simula ngayon hindi ka na tatanggap ng kahit anong tawag sa unknown number okay?" Wika niya na ikinatango ko.

Matapos namin kumain napagpasyahan namin na gumala muna.

Nang mapagod, nag-aya na rin siyang umuwi.

-1 week before magpasukan-
Naisipan kong mag ice cream.

Agad akong umorder ng dalawang cookies n' cream.

"Yay! Salamat sa pagkain" wika ko saka inumpisahang kainin ay mali, sinimulan ko ng LANTAKAN ang ice cream.

Napatigil ako ng bigla na lang bumakas ang pinto at may pumasok na tatlong hot na lalaki.

'Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah para silang mga artista. Ang gwapo shems'

Pasimple akong sumusulyap sa tatlo.

Naupo na sa Sofa yung dalawa at yung isa pa-papalapit sa'kin.

"Hi" nakangiting bati niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Ikaw si CK diba?" Wika niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ko.

"Boss nandito yung chick" wika niya habang nakatingin sa isa pang lalaki.

Patuloy lang ako sa pagkain.

Naririnig ko ang papalapit na footsteps. Oh My! Kinakabahan ako.

"Tumingin ka sa'kin" utos niya.

Patuloy lang ako sa pagkain...

Nanlaki ang mata ko ng hilain niya ang buhok ko mula sa likod kaya napatingala ako.

"Bitch remember me?" Cold na wika niya.

Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa kanya.

"Let's talk" may authority sa boses niya na ikinatakot ko.

"Hindi pa ako tapos kumain, wag kang bastos" fierce kong wika kahit alam ko sa sarili kong natatakot at kinakabahan na ako.

Binitawan niya na ang buhok ko.

"Dalian mo, maghihintay ako sa labas. Wag mo na subukan tumakas kasi sisiguraduhin kong mahahanap kita" wika niya at umalis na

"Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng sumagot sa kanya ng ganyan" bulong ng katabi ko na ikinalaki ng mata ko. 'Oh no!'

Nang matapos ako, agad akong lumabas. Wala sila. Dali-dali akong nagtatatakbo pauwi.

Nang gabi ding yun nagkaroon ako ng isang masamang panaginip.

Hinahabol ako ng lalaking may hawak na kutsilyo sa isang madilim na lugar~

Ito na ba ang katapusan ko?

Completely DifferentWhere stories live. Discover now