Chapter 5

3.3K 123 1
                                    

"Bat mo nga pala kasama yung g*gong xyro na yun?"-naglalakad kami ni hendrix papuntang cafeteria ngayon.
Si xyro kasi ay may lakad ngayon.

"Ahmmm......kaibigan ko nga kasi siya diba"-kanina pa kasi yan tanong ng tanong kung bakit kami magkasama ni xyro siyempre sinsagot ko din naman siya ng paulit-ulit.

Ganun na ba ka-big deal sa kanila na magkasama kami ni xyro?

"Hayst.tara kain na lang tayo"-tumango na lang ako at nag-umpisa ng kumain.

Tahimik lang kaming kumakain ng.....

"Hello everybody!"-napalingon naman ako sa nagsalita.

Apat na lalaki ang nakatayo sa pintuan.

Yung isa ay red yung buhok at may hikaw sa kaliwang tenga at ang angas ng dating.

Yung isa naman ay orange yung buhok at may hikaw din sa kaliwang tenga at ang angas din ng dating.

Yung isa naman ay blonde at may hikaw sa kanang tenga at ang angas ng dating.

Yung isa naman ay black ang buhok at naka-civilian pa ito,malakas din ang dating niya at mukhang siya ang nag-salita kanina.
And parang siya ang leader sa kanilang apat.

Kinalabit ko si hendrix.

"Drix sino yang mga yan?"-tanong ko sa kanya.

"Sila ang D4(Devil 4)mga bully yang mga yan at mga pasaway dito sa school,yung naka-red na buhok siya si Fredrick Ramos,yung naka-orange na buhok naman ay si Thomas Lim,yung blonde naman ay si Blade Shing,at yung black na buhok naman ay si James Empire,si james ay apo ng may ari nitong university kaya ganun na lang siya mang bully ng mga estyudante dito lalong-lalo na ang mga nerd"-napangiwi naman ako sa sinabi ni drix.
Bully?tsk!halata palang naman sa mga porma nila e.

"Ahh...tara drix balik na tayo sa classroom baka nandun na si maam"-tumango naman siya kaya nag umpisa na kaming maglakad.

Hindi pa kami nakaka-sampung hakbang ng may tumawag kay drix kaya agad kaming napa-lingon.
Yung D4 pala ang tumawag sa kanya.

"Bakit?"-halata mong naiinis si drix dahil sa tono ng pananalita nito.

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa magandang binibining kasama mo?"-nakangisi siya habang sinasabi niya yun.

Nag simula namang mag bulong-bulungan ang mga estyudante dito sa cafeteria.

"Aagawin na naman siguro ni james yang gf ni hendrix"-b1

"Tsk!ganda sana ng babae kaso baka mamatay pa ako ng wala sa oras"-b2

"Hayst.kawawang hendrix"-b3

At marami pang iba.

"Hindi na kailangan"-sabi ni drix at akmang lalabas na kami ng may humawak sa wrist ko.

Nang tingnan ko ito ay nagulat ako ng makita ko si xyro.

Lalo namang nag chismisan ang mga estyudante.

Bale ganto ang puwesto namin.

-blade- -fredrick- -thomas-

               -james-

        *space*

*pinto*  -hendrix-  -ako- -xyro-

"Wow ang ganda naman ng eksenang to"-nainis naman ako sa sinabi ni james.
Anong maganda sa sitwasyon namin aber?

"Ano bang kailangan niyo james?"-kalmado pero may halong inis na sabi ni xyro.

"Simple lang naman........yang babaeng kasama niyo"-naningkit naman ang singkit kong mata sa sinabi ni james.

"Hahahaha tingin niyo ba ibibigay namin siya sa inyo ha?!"-nagulat naman ako sa pagsigaw ni hendrix.
Katakot talaga magalit itong lalaki na to.

"Tama na yan"-awat ko sa kanila pero putspa!hangin lang ata ako dito e.

"Ang damot mo naman hendrix patikim muna yan sa amin"-abat!!ano ako ulam para tikman!

"Walanghiya ka rin ano!"-sabi ni xyro sa kanila.

Lumapit naman lalo sa amim sila james kaya lalong humigpit ang hawak sa akin ni xyro.

"Xyro halika na baka hinahanap na tayo ng mommy mo"-kalmadong sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago nag salita.

"Ok"-sabi niya at hinila ako palabas ng cafeteria.

..........

A/n:bitin ba?
Hahahaha bawi na lang sa susunod:)

.........

LEE MIN HO AS XYRO PARK

PARK SHIN HYE AS JULIA SONG

KRYSTAL JUNG AS CRYSTAL VERGARA

KANG MIN HYUK AS HENDRIX CHUA

My Beautiful Personal Maid(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon