Chapter 8 ( #YeYan )

39 2 1
                                    

Chapter 8 :

Kaye's P.O.V

Pag gising ko, napapikit ako sa silaw ng sinag ng araw. Hindi ko namalayang dito na pala ako nakatulog sa bintana. Hindi ko agad napigilang ngumiti. >_<

Shemaaaaaay!! wala pang nagpakilig sakin ng ganon >•<

Waaaaaaaah!!! Bakit naman ganito?? Hanggang ngayon, ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaalala ko ulit ang mga nangyari kagabi.

-----------------
( Kagabi )

Hays!! Ang hirap makatulog T.T

Kanina pa kong paikot ikot dito sa kama ko, naghahanap ng puwestong makakatulugan ko, pero wala eh, hindi pa talaga ako inaantok kahit mag a-alas dose na ng gabi T.T

Kaya nilibang ko muna ang sarili kong baka sakaling makatulog na rin ako. Kaya bumaba ako't para kumain ng midnight snack XD at nanood ng ilang horror movies sa kwarto ko.

2:35 am

O.O

What the heck?? Ang bilis ng oras, madaling araw na pala... PERO HINDI PARIN AKO MAKATULOOOG!! -.-

Uminom ako ng gatas, para kahit papaanong may maitulong sa pagtulog ko. Sinubukan ko na lang ulit matulog, at humiga na muli sa kama . I closed my eyes, thinking that maybe i could just drift of to sleep. Pero katulad ng kanina, hindi pa rin ako makatulog.

I hate having Insomnia -.-

I sighed and stared at the ceiling. Nang makarecieve ako ng text.

Message From Ryan

From Ryan:
Kayeeeee!!! Gising ka pa???

To Ryan:
Yeah :(

From Ryan:
Insomnia again?? hays. :(

To Ryan:
Oo eh.... Ikaw? Bakit gising ka pa?

From Ryan:
Umm.... wala naman hehehe. Ill help you fall asleep?

To Ryan:
At papaanno naman aber?

From Ryan:
Look outside your window! :)

Nagmamadaling tumayo ako sa kama ko't pumunta na sa bintana. Tumingin na ako sa labas at nakita ko ang mga kumukutitap na bituin.

From Ryan:
Tumingin ka sa baba.

Tumingin naman ako at nakita ko siya O.O nginitian niya ako sabay kumaway siya sakin.

" Hoy! Baliw ka na ba?! Anong ginagawa mo dito ng gantong oras?? Late na late na, nandito ka pa. " Sigaw ko sakanya.

" Sshh!! Wag ka ngang maingay, magising mo pa si tita eh XD . " Ika niya sakin sabay tumawa pa ang loko.

" Saka... katulad nga ng sabi ko diba? Nandito ako para patulugin ka . " At nilabas na niya ang kaniyang gitara na hindi ko napansing kanina pa pala niya yon dala.



Ryan's P.O.V

Kumaripas agad ako ng takbo papunta sa bahay nila Kaye. Alam ko naman kasi na minsa'y hirap na siyang makatulog. At ako naman, Hindi ako mapakali sa pagaalala ko sa kanya kayat hindi na rin ako makatulog.

Ayoko pa namang nakikitang pagod at puyat ang aking bebeloves... Hays.
:(

Kayat heto ako ngayon, sa harap ng bahay nila, na kahit sinigawan pa niya ako dahil sa kalokohan ko, kahit madaling araw na at wala pa akong tulog. Wala akong pakelam, dahil ang hangarin ko lang naman ay yung alam ko na mahimbing na muli siyang makakatulog at kahit man hindi... kahit mapasaya ko man lang siya.

Nilabas ko na ang gitara ko na kahit kabadong kabado ay sinimulan ko ng tumugtog.

( A/N : Guys!! Play niyo po itong cover na toh ^_^ Imaginine niyo na lang po na ganyan boses ni Ry XD )

Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumadaan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman

Di ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

habang kumakanta ako tinitignan tignan ko siya. Sa kantang to... gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.

Kung may darating man na umaga
Gusto kita sana muling marinig
Ngiti mo lang ang nakikita ko
Tauhin man ang silid

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Ikaw ang araw sa tag-ulan
At sa maulap kong umaga

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila...

At sa huling mga salitang yon... Tinignan ko siya muli. At parang nawala ang bigat na damdaming pag aalalang dala dala ko ng sa wakas.

Nakita ko na rin siyang mahimbing na natutulog. ^_^ kaso nakatulog nga lang siya sa bintana niya.

Nakahiga yung ulo niya sa kanya braso, at medyo naririnig ko pa ngang kanyang pag hilik hahaha.

" Goodnight Kaye... sweetdreams " bulong kong sabi na para bang marrinig niya ako.

3:15 am

Naglakad na ulit ako papauwi with a big smile on my face ^_^ . Onting oras na lang ang tulog ko, pero hindi na yon mahalaga ...

...Dahil mas mahalaga pa siya. :)

----------------
A/N HALLOOO!! Hope you enjoyed this chap ^_^ kahit wala po dito sina Tj at Aliya XD

Plano ko po talaga na pagtuunangpansin na po natin ang loveteam nila Kaye and Ry hahahahaha

#YeYan ( Credits kay Tj sa pagisip ng ship name XD hahahaha )

Dedicated this chapter to Kaye!!! Since malapit na yung Birthday mo ^_^ hahahaha

HAPPY HAPPY BIRTHDAY KAYE!!

And Thank you sa mga patuloy pong nagbabasa ng Summer Love ^_^

Dont forget to VOTE/COMMENT ^_^

Lovelots,
- Peanut

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon