Magandang Gabi *Warning Graphic Depictions*

143 2 0
                                    

... Nagising nalamang ako na nakahiga sa malamig at maputik na lupa sa loob ng isang kwarto, madilim sa kwartong iyon na parang isang gardening shed pero mas malaki ng kaunti.

Ang sumunod kong napansin bukod sa nakakabulag na kadiliman ay ang nakasusulasok na amoy, na para bang nabubulok na karne at nangangalawang na bakal.

*uhook ahaak* naduduwal kong reaksyon.

Hindi ko narin matiis kayat tumayo ako sa aking pagkakahiga.

"Hmmm a-aray.... *hooo*" pilit kong inangat ang sarili ko.

Doon mismo ay naramdaman ko na parang tinutusok ng maliliit na karayom ang kabuuan ng kamay ko na marahil ay nadaganan ko at ngayo'y kumikitib sa labis na pamamanhid.

Pinalipas ko ang ilang minuto at bumalik na sa dati ang aking kanang kamay na bagamat ngalay ay naigagalaw nang muli. At sinubukan ko muling bumangon sa kinalalagyan ko.

*sclirkk* *schhhlirk* tunog ng sapatos kong tila may lamang tubig at nag-iingay sa bawat mabagal kong galaw.

Naramdaman ko nalamang ang maladkit na likido na bumabalot sa bawat sulok ng balat ko at tila humalo na sa damit ko at natitiyak ko na doon din mismo nagmumula ang masang-sang na amoy mula pa kanina.

Sa mga sandaling ito halo-halong emosyon ang tila nanghihimasok sa isipan ko....

Pag-tataka

Pag-iisip kung paano ako napunta dito kung saang lupalop man ito

Ngunit bukod sa lahat ang nangingibabaw sa isip ko ay takot, tama ang kinatatakutan ko ngayon ay ang hindi ko nalalaman o nakikita, natatakat ako sa kung ano ang nagtatago sa dilim na pilit binubuo ng imahinasyon ko.

At sa natataranta kong estado ay pinilit kong tumakbo, kahit saan basta makalayo lamang ako sa dati kong puwesto, hangang sa .....

BLAAAGH!!

*kliiing* kliiiing*

*kling* * kli i i ing*

**k l i i i i i i n g**

Nararamdaman ko sa harapan ko ang isang kahoy na mesa. Malaki, mabigat at matibay alam ko dahil dito mismo ako bumangga ng buong pwersa at nagpahinto sa pagtakbo ko.

Marahan muli akong tumayo sa pagkakaupo sa lupa. Hindi ko na napansin ang sakit ng sikmura ko na sumalo ng lahat ng pwersa sa pagbangga dahil sa narinig...

...mga kalansing ng bakal!? O kadena!? Ito ang narinig ko bukod sa ingay ng mga langgaw sa lugar na iyon at mga patak ng tubig.

Sinubukan kong kapain ang mesa kung saan nagmumula ang pagkalansing, dahil hindi ko parin magamit ang mga mata kong nawalan ng silbi dahil sa labis na kadiliman...

" Ahh!.." Tanging reaksyon ko sa mahapdi na naramdaman sa daliri. Nahiwa ako sa isang matalas na bagay... Kutsilyo!!

Bumalik muli ang panganib na nararamdaman ko kani-kanina lamang na para bang may biglang tatalon mula sa kadiliman...

*Tok!*

nauntog muli ako, subalit hindi ko na ito naalintala dahil sa hindi maipaliwanag na takot na bumabalot sa katawan ko, hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko, katulad ng isang batang naliligaw at pilit hinahanap ang magulang.

Ilang sandali ay biglang nabalot ng madilaw at malabong liwanag ang silid. Bagamat kaunting bahagi lamang ang kayang maaninagan ng maliit na bumbilya ay sapat na ito para makita ang nilalaman ng kwarto....

At pinagsisihan ko na imulat ang mata ko, dahil ang sumunod kong nakita ay sukdulan sa makakayang tiisin ng isang normal na tao.

*gluurghh* glluuuuuuuurgh!!* hindi ko napigilan ilabas ang nilalaman ng tiyan ko. Pinilit kong lumingon ngunit tila nakatutok na ang mga mata ko sa bawat detalyeng nasasagap nito

Nagkalat na mga katawan ng tao kung anu-ano ang porma ngunit nasisigurado kong wala nang buhay ang bawat isa sa mga iyon.

Mga laman loob at dugo na pinupuno ang kalahatan ng lupa sa loob ng silid, na kanina lamang ay nagsilbing higaan ko.

At isang bakal na pinto na mas pinaigting ang pagkakakulong sa kwarto.

At sa kahoy na mesa..

Isang babae ang naka-gapos sa dal'wa nyang kamay at paa sa bawat kanto, at sa bibig nya ay nakabalunbon at pilit na sinuksok hanggan lalamunan ang basahan. At sa lugar na kung saan dapat naka-kabit ang mata nya ay napalitan ng isang walang laman na butas!

At sa gilid ng mesa ay nakasabit ang samu't-saring kagamitan na makikita lamang sa loob ng katayan...

"BLAAAGGKK!!"

Bago ko paman mabawi ang natitirang kaliwanagan ng isip ay biglang bumalagbag pabukas ang bakal na pinto... At may dali-daling pumasok-

Santo Cristobal National Highschool

Student no. Girl#20

Age: 15

Name: Emilia M. Folgencio

Section: class 4-c

Status: unknown. . .

--------------------------------ITUTULOY-----------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magandang Gabi *Warning Graphic Depictions*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon