CR - 1

556 13 5
                                    

Ilida: This is my first submission here in wattpad. sana po ay magustuhan ninyo!

                 Hindi ko alam kung kailan ako namulat. Kung kailan ako nagsimulang magtanong:

                                                           May nagmamahal ba sa akin?

“Ganda, di ba?’

Nakangiting nilingon ko ang kuya kong si Locket na katulad ko ay nakahiga rin sa damuhan. Isa lamang itong  ordinaryong araw sa bayan ng Arbol, isa sa mga pangunahing siyudad sa Mindanao. Elevated ang maunlad na bayan, nasa gilid ng mga kabundukan ng Payapat. Malamig ang klima rito na  katulad sa Baguio at madalas ay mapayapa ang langit.

“Lagi naman.” Nakangiting sagot ko. Ang tinutukoy ni kuya na maganda ay ang langit. Huminga ako ng malalim at nilanghap ang mabangong simoy ng hangin.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Kuya Locket sa kaliwang kamay ko.

“Bakit?”

“Sensya ka na kay Mama, ha, Blaze?”

Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong nalungkot. “Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ang aga-aga, sinisigawan na niya ako. Pakiramdam ko na naman tuloy, hindi niya ako anak.”

“Huwag mong sabihin iyan. Anak ka niya. Kapatid kita. Ikaw ang bunso sa pamilya, remember?”

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabing iyon ni Kuya Locket. Sa halip, tumingala ako sa langit at pumikit. Ilang beses ko na iyong narinig. Noong una, pinapaniwalaan ko iyon. Pero ngayon…di ko na alam kong maniniwala ako. Seven years pa lang ako ay ganoon pa rin ang sagot ni Kuya sa akin. Seventeen na ako ngayon. Wala pa ring nagbabago. Ganoon pa rin ang reklamo ko, ganoon pa rin ang sagot ni kuya. Hindi pa rin nagbabago si Mama.

“Kuya, napansin mo ba, ikaw ang paborito ni Mama?”

“Hindi kaya. Madalas nga akong habulin nun ng dustpan kapag galit, eh.”

“Sus! Ako nga, kahit wala akong ginawang masama, pinapalo ng walis paypay!” Nakangusong sabi ko. “Natatandaan mo pa nung nawala tayo sa gubat pareho? Nung matagpuan tayo, ikaw lang ang niyakap ni Mama? Tapos ako, si Papa lang ang yumakap sa akin. Pinalo pa niya ako kahit sinabi mong ikaw ang nagyaya na maglaro tayo doon. Ako pa rin ang sinisi niya.” Nakangusong sabi ko pero ang totoo, parang ilog na rumagasa sa puso ko ang sakit na dulot ng ala-alang iyon.

Pumikit ako. Ayokong umiyak. Please lang.

Hindi ko napansin na napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay ni Kuya. At kahit ayaw kong umiyak, tumutulo na pala ang mga luha ko. Naramdaman ko  na lang na lumapit si Kuya sa akin at niyakap ako.

“Shhh…”

Tuluyan na akong  napaiyak. Tahimik lang. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa kamay niya. Natatakot kasi ako na kapag niluwagan ko iyon, luluwag din ang dibdib ko tapos hahagulgol na ako. Ayoko niyon. Ni iyak ayaw kong gawin. Kaso, iba na to… Parang naipon na lahat. Si Kuya kasi eh! Bakit sa dami ng pag-uusapan, iyong bagay na pinaka-sensitive pa ako ang binuksan?

“Kailangan ka niya. Ako hindi. Sampid lang ako, di ba? Magkapatid ba talaga tayo, ha, Kuya Locket? Kuya ba talaga kita? Mama ko ba si Mama? Papa ko ba si Papa? Parang hindi, eh!”

“Shhh… Di ba bawal umiyak? Ayaw na ayaw mong umiyak kasi ayaw mong pumangit.” Patuloy lang si Kuya Locket sa paghagod sa likod ko. Sinisigok na kasi ako sa sobrang pagpipigil umiyak.

Hindi na ako nagpapigil. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Wala akong pakialam kong hindi na siya makahinga.

“Mahal mo ba ako, Kuya?”

Natawa lang siya sa akin. Kinurot niya ako sa pisngi. “Oo naman. Kapatid kita, eh.”

“Eh di, ibig sabihin… kailangan mo ako?” Tanong ko pa rin habang nakayakap sa kanya.

Narinig kong bumuntung-hininga siya. “Hmmm…”

“Ang sarap siguro ng pakiramdam kapag nararamdam mo na kailangan ka ng isang tao, ano? Kapag sinabi ko bang kailangan kita, anong nararamdaman mo, Kuya Locket?”

“Ano bang tanong iyan?”

“Ano?! Sagutin mo na lang.” Pagpipilit ko. “Alam mo, kapag umiiyak ako, kailangan kita para tumahan ako. Kapag malungkot ako o kaya galit, ikaw pa rin ang kailangan ko. Kapag andiyan ka na, gumagaan ang pakiramdam ko.   Si Mama, kailangan ka niya, mahal ka niya, eh. Kaya masaya siya kapag andyan ka. Samanatalang ako…” Napaiyak naman ako. Si kuya naman ay hindi na nagsasalita. Nakikinig lang.

“Kailan kaya niya ako mamahalin? Ano kaya ang pakiramdam kapag may isang tao na ako ang kailangan niya? Na makita lang niya ako, masaya na siya? Kuya? Kuya?”

Narinig ko na huminga siya ng malalim. Tapos bumitiw siya sa akin at umupo. Umupo rin ako.

“Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong mo. Pero tandaan mo, ha, mahal kita. Okay? Mahal kita kaya wala kang dapat na ipag-alala. Lagi ako sa tabi mo.” Sabi niya habang nakahawak ang dalawang palad niya sa mga pisngi ko.

Kahit paano nawala ang bigat sa dibdib ko. Tumango lang ako.

Pero parang kulang pa rin. Kung anu-ano na ang nasabi ko kay Kuya pero alam ko sa sarili ko na may kulang pa rin. Hindi ko nasabi sa kanya ang totoong nasa loob ko. Ang hirap ipaliwanag. Hindi kayang ipaliwanag ng salita.

Ang pagkauhaw ko.

Ang paghahanap ko.

Ang pangungulila ko.

Ng ano?

Ng isang bagay na hindi mahahawakan o makikita kundi mararamdaman lang.

Hindi sapat ang mga sinabi ni kuya na mahal niya ako. Bobo ba ako? Selfish? Gusto ko pa ng higit pa roon. Kulang iyon. Hindi pa rin natatabunan ang butas sa puso ko. Sino kaya ang makakapuno nito?

Tumayo na si kuya at nag-aya na umuwi na kami. Di ako sumunod. Tumingala lang ako sa langit.

“Kailan? Paano? Bakit ganito ang nararamdaman ko?”

Habang nakatingala ako sa lagit ay isang uwak ang nakita kong lumilipad. Sandali iyong huminto sa ere, habang nanatiling pumapagaspas ang ang mga pakpak nito. Napangiti ako. Hanggang sa mga oras ba naman kung kailan gusto ko ng katahimikan, may makikita akong hindi maganda? Ayaw ko sa mga uwak. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil kulay itim sila at nakakatakot. Siguro dahil senyales sila ng kamalasan at kamatayan. Hindi ko maintindihan kung kailan iyon nagsimula. Basta, ayaw ko sa kanila.

Kailan kaya bago ko makuha ang mga bagay na pinapangarap ko?

Siguro, iyon ay kapag ang dumating ang araw na pumuti na ang uwak.

                                                                     End of Chapter 1.

______________________________________________________________________

P.S.

Napansin kong karamihan sa mga stories na Filipino at naka-post rit, eh, written in 1st person POV. Kaya, sinubukan ko  na rin na iyon ang isulat. I heard, na mas madaling maka-relate ang readers sa ganito. Paalala lang po, teen fiction po ito, at siyempre romance. I'm sure na naninibago kayo kasi hindi siya gaanong comedy, pero in the coming chapters, susubukan kong lagyan ng humor (wish me luck!).

Clandestine RomanceWhere stories live. Discover now