Minsan dumadating tayo sa punto na kailangan nating iwan ang isang tao kahit alam natin sa sarili natin na hindi natin kayang gawin un..Siguro hindi lang naman ako ang nakaranas na nito diba..Lahat naman tayo dadaan at dadaan sa sitwasyon na ito. Oo, mahirap at masakit pero kailangan..Kailangan kasi dapat..Mahirap gawin kasi nga naman espesyal yung tao na un..at asakit kasi itinuring mo na siyang parte mo pero bakit minsan dumadating sa punto na kailangan mong gawin un? Siguro, hindi talaga pwede. Baka wala sa tamang lugar, oras at panahon ito..Kaya wala ka ng magagawa kundi bitiwan ang taong ito kahit gaano pa man kahigpit ang hawak mo..Sa totoo lang, ang hirap para sa akin na gawin ito minsan..Ilang beses ko na ngang ginawa ito. Ginawa ko un para maging patas naman ako sa sarili mo..Para maging patas sa nararamdaman ko..Na para bang Tama na maawa ka naman sa sarili mo. Sobrang sakit na diba?'.. At sa pagbitaw kong un, sa una, oo talagang masakit pero habang tumatagal alam mo yung mas natututo ka sa buhay..Para bang may napatunayan na naman ako sa sarili ko..un bang, 'Kung kaya ko naman noon na wala ka, bakit hindi ko kakayanin ngayon diba...Paikot-ikot lang naman yan..May darating, may aalis. Minsan may sandali lang, minsan naman magtatagal o di kaya panghabang-buhay..Depende na un sayo kung pano mo pakikisamahan ang taong yun. Ang pagbitaw sa isang tao na naging mahalagang parte ng buhay mo ay talaga namang mahirap at masakit pero kahit ganun, may mabuti namang naidudulot ito sau, sa sarili mo.. Natututo kang buksan ang kamay mo sa panibagong taong pwedeng dumating at magdulot ng bagong kulay sa buhay mo..Taong darating na pwedeng magparamdam sayo na tao ka lang naman din, may pakiramdam, buhay at humihinga..
By: Admin Chix from Masisi Mo Ba Ako Na Minahal Kita Kahit Na May Mahal Kanang Iba
https://www.facebook.com/hernanramirezofficialfanpage