Chapter Three

155K 3.2K 322
                                    

~•oOo•~

"Ano, red days?" Natatawa kong sabi kay Ezekiel.

"Damn, Coleen! Wag mo akong insultuhin! Babawian ko talaga 'yung gagong 'yon!" Galit na galit niyang sabi.

Kakatapos lang naming magdota. At syempre, talo ang gago. Sunod sunod na pula. Lakas mamburaot e.

"Palpak 'yong hero mo e! Weak! Gusto mo bigyan kitang item para makabawi ka. Bigyan mo muna ako ng limang libo."

"Tangina, Coleen! Napakamahal ng item! Ano bang item 'yan at daig pa ang baon ko?!" Asar niyang tugon.

"Genuine Golden Empyreane." Sagot ko.

Nagulat ako ng sumigaw siya.

"TANGINA, MERON KA NON?! SAN MO KINUHA?!" Sabi niya.

"Ahhh yon ba? Diba may nanligaw saken dati, si Matthew? Galing non sa dota ah? Binigay niya saken." Sagot.

Nakita kong napaisip siya sandali.

"Oo! Bibilhin ko na!" Nakasimangot niyang sabi.

"Gago ka, mas mahal pa nga yon sa limang libo e. Kung di lang kita pinsan e. Hayop." Naiiling kong tugon.

Oo. Marunong ako sa dota. Gamer ako. Pero not to the point na wala akong inatupag kundi 'yon. Ngayon na lang ulit ako naglalaro dahil una, studies. Pangalawa, nagagalit si Kuya Hexel. At ang isa pa, hindi ako binibigyan ni Papa ng baon kapag naglalaro ako non. So 'yon. Bawal lang magpahuli.

Tumambay muna kami ni Ezekiel sa may bench dahil hinihintay pa namin sila Jiro. May klase pa kasi 'yong tropa naming iba kaya hintayan kami.

Nagulat ako nang may babaeng lumapit kay Ezekiel. Tumingin sa akin si Ezekiel. Problema niya?

"Hey, Zeke. Hindi ka ba talaga pwede?" Tanong nung babae.

"Hindi ako pwede. Umalis ka na." Malamig na sabi ni Ezekiel.
Tangina talaga neto. Lakas maka-Dawmingsu.

"Ang pogi mo don sa itsura mo kanina. Hahahaha!" Tumawa ako pagkaalis nung babae.

"Stop it, Coleen."

"Nangangamoy lovelife! Nuxx, gagong 'to! Sasabihin ko kay Tito may babae ka na!" Natutuwa kong sabi.

Nakasimangot siyang tumabi sa akin.

"Stop teasing me. Ikaw? Kumusta kayo ni Xeus?" He asked.

"Bakit mo tinatanong? Gago, syempre nakakabwisit ang walangya. Dinala niya ako sa office niya last time! Punyemas talaga!" Naiirita na naman ako kapag naaalala ko 'yon.

"Mahal ba talaga niya girlfriend niya?" He suddenly asked.

"Ha? Bakit mo naman pinagdududahan? Syempre mahal 'yon! Tangina neto, liligawan ba 'yon kundi niya mahal?" Singhal ko.

"May gusto 'yon sa'yo e kaya laging nakabantay sa'yo." He said seriously.

"Sus. Malisyoso ka masyado. Hinabilin lang ako ni Kuya Hexel kaya ganon 'yon. At paano magkakagusto 'yon sa akin e halos ipamukha niya saken na kabaliktaran ako ng girlfriend niya? See? Malabong mangyari ang sinasabi mo. Tss." I said.

"Pag talaga naiganti kita sa Xeus na 'yon. Napupurnada tuloy ang lakad ko pag nandun 'yong gagong 'yon! Ang hirap pag wala ka! Ang daming babaeng lumalapit!"

Habulin ng babae si Ezekiel. Sabay kaming lumaki ni Zeke kaya ganyan kami ka-close. Ngayong college na kami, halos magkapalitan na kami ng mukha dahil magkasama rin kami sa iisang tropa. Nagkagirlfriend na 'yan dati kaya medyo hindi kami magkasama but after siyang lokohin ng girlfriend niyang 'yon, ayon palaging sumasama saken. Tapos hindi makalapit ang babae sa kanya kapag nandoon ako. Ewan ko kung bakit ganoon sila kailag sa akin.

The Engineer's Obsession (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon