Hinatid ko sya sa labas ng gate nila. Nanliit ako sa nakikita ko ngayon.
"Are you okay?" Tanong nya sa akin.
"Ha? Oo naman. Okay ako." Napa punas ako ng pawis sa noo.
"Do you want to come inside?" Alok nya.
"Hindi na Glai." Napatingin ako sa suot ko.
"Ayos ka lang ba talaga?"
"Oo. Ang laki pala ng ano-- ng bahay nyo."
Napakunot sya ng noo.
"Ardi, its just a house. Sa totoo lang.. Ayoko tumira dyan."
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Never mind." Dugtong nya.
"Sure ka? Ayaw mo pumasok sa loob? Uminom manlang ng water or juice?"
"Hindi na Glai. Gabi na rin eh."
"Oh sige ikaw bahala."
Pinara nya ang taxi na dumaan sa harap namin. May binulong sya sa driver bago ako sumakay.
Pagbaba ko, dun ko lang nalaman na sa kanila pala yung mga taxi na GALURA ang nakalagay.
Pinilit kong iabot sa driver ang bayad ko kahit ayaw nya. Iniwan ko sa upuan ko.
Napatingala ako sa langit. Ang ganda ng mga bituin.
Kung kaya ko lang sana abutin ang mga yan, maaari ko sanang ibigay kay Glaiza. Malamang lahat ng bagay mayroon sya, yun na lang ang wala.
Nalulungkot ako sa mga naiisip ko, kaya bumuntong hininga ako. Pinilit kong ngumiti at pumasok na sa bahay.
"Oh anak, akala ko maya maya ka pa darating. Atsaka hindi mo manlang dinala dito yung iniibig mo."
"Oo nga ate ng makilatis na namin yan!" Biro ni Paulina. Natawa sila pareho ni Tatay.
Napaupo ako at sumandal sa upuan.
Napansin kong nagtinginan silang dalawa.
"Hindi kami bagay.." Bulong ko.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ng kapatid ko.
"Ang liit ko. Ang baba ko. Samantalang sya, nakatingala ako sa kanya."
"Anak--"
"Pero Tay, hindi ako nagrereklamo sa buhay natin. Kasi masaya tayo.. Kuntento tayo. Natakot ako bigla sa mga bago kong nalaman sa kanya, baka hindi nya ako matanggap. O baka makulangan sya sa akin."
Tumabi sa akin si Paulina sa upuan.
"Ate.. Alam mo, kung talagang mahal ka nya. O kung mamahalin ka man nya, kahit mas mahirap ka pa sa daga tatanggapin ka nya. Kasi Ate ang pinaka importante sa lahat, yung makasama mo yung taong mahal mo. Mayroong iba dyan, ang yaman sobra. Pero hindi masaya, pero hindi marunong umibig. O walang umiibig sa kanila."
"Tama ang kapatid mo anak. Wala yan sa kung ano ang estado ng buhay mo. Mayaman man o mahirap sa pagmamahal, lahat pantay pantay. At kung totoo nga talaga yung mga kwento mo tungkol sa kanya, na mabuti syang tao.. Tatanggapin ka nya."
"Atsaka Ate, ikaw ang pinaka mabait at pinaka matalinong kapatid na nakilala ko. Kaya kahit sino pa yan, mapapa ibig mo. Tulad na lang ni--"
"Oo na! Okay na." Ginulogulo ko ang buhok nya. At tumawa kaming tatlo.
Bigla na naman nagkaroon ng lakas ang loob ko.
Sana nga. Sabi ko sa isip ko.
..
VOCÊ ESTÁ LENDO
Tales about RaStro/JaThea
Diversos"Fairy tales are meant to be told. To inspire everyone that True Love does exist, if you just believe."