Chapter 8

0 0 0
                                    


*****Lianne*****

"How come na naging nerd ka hindi ka naman nakasalamin hindi baduy ang suot mo tapos inaway mo pa ang dalawang babae na nasa bench"tanong ko

Kanina pa ako hilong hilo dito sa bar na ito maayos sya manamit tapos nerd pala sya

"Kasi gusto ko ng kaibigan kaso ayaw nila sa akin tapos nakita kita sa cafeteria na naninigaw ng babae sa counter ayun nung nakita kita gustong gusto ko makipagkaibigan sau kaya pinaganda ko ang sarili ko para lng maging kaibigan mo"paliwanag nya

Akala ko lahat sila galit sa akin wala din naman akong pake kung magalit sila sa akin pero etong babaeng to naglakas ng loob para lng maging kaibigan ko

"Hula ko ngayon ka lng nakapunta dito no"hula ko

Umiwas sya ng tingin sa akin at ngumiti ng pilit

"Oo eh kaya nga nasa likod mo lng ako kasi natatakot ako sa mga lalaki"sagot nya

"Galit ka din ba sa lalaki"tanong ko sa kanya

Nag order muna sya ng alak bago sya sumagot

" hindi bakit naman ako magagalit sa mga lalaking hindi ko pa masyadong kilala"

Natigilan ako dahil sa sinabi nya tiningnan ko sya na parang maling mali at kinunutan ng noo

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo bakit nagtitiwala ka sa mga lalaking hindi mo pa kilala hindi mo ba alam na madaming maling akala yung iba pa nga dyan sinasabi na s*x daw ang nakakapagpatibay ng relasyon"sabi ko sa kanya para matauhan sya sa mga pinagsasabi nya

"Pero hindi lahat ng lalaki s*x ang habol sa atin bago natin sila husgahan dapat kilalanin muna natin sila hindi naman dapat lalaki lng ang nage effort kapag pinatunayan nila na sa atin lng sila dapat patunayan din natin na sa kanila lng tayo ganoon naman dapat diba hindi lng dapat isa ang gumagawa upang tumibay ang relasyon dapat dalawa walang maiiwan dapat magkahawak kau"paliwanag nya

"This conversation is nonsense let's go home i'm tired"sabi ko sabay tayo at naglakad palabas sumunod naman sya at binuksan nya ang sasakyan nya

Walang nagkikibuan sa amin buong byahe ayoko din magsalita dahil bad trip ako at ayoko ng kausap kapag bad trip ako

"Sorry"sabi nya hindi ko na lng sya pinansin hindi dahil galit ako sa kanya kung hindi dahil galit ako sa mga sinabi nya

Pagkadating namin sa mansion ko bumaba na ako at papasok na dapat ng habulin nya ako

"Wait may nakalimutan ako ano nga pala ang pangalan mo"tanong nya sa akin

"Don't expect me to answer your question"sabi ko sabay talikod at papasok na ng harangin nya ako

"Ako nga pala si Honey Monterial"pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay nya

"Tinanong ko"sabi ko at pumasok sa gate ko pero bago ko isara tinignan ko sya ng nakangisi

"Lianne"sabi ko at pumasok na sa loob

Umakyat ako sa taas at nag shower na pagkalabas ko sa banyo nagbihis ako ng pantulog at nahiga na sa kama at natulog

*Morning*

*ring* *ring* *ring*

Pinatay ko ang orasan ko at bumangon na sa kama pinindot ko ang buzzer para pumunta ang maid ko kasi tinatamad akong bumaba para lng makakain

May kumatok naman sa pintuan pinapasok ko sila at agad naman nilang inayos ang kwarto ko

May dalawa naman maid na nakatayo lng sa gilid ko

"Nasaan ang breakfast ko"tanong ko sa kanila agad naman silang nag tinginan at nagkibit balikat

"Boba ba kau kaya nga ako nag buzzer para madala ang breakfast ko diba sabi ko ayoko ng pinaghihintay"sabi ko sa kanila

Agad naman silang bumaba para ihanda ang breakfast ko natural wala naman silang gagawin kung hindi sumunod lng sa akin

Pagkatapos ihanda ang breakfast ko kumain na ako ng ilang minuto at tumayo na ako sa kama ko para mag shower at umalis

After 20 minutes

Buti nakalabas pa ako ng buhay sa banyo namuti pa yata ako lalo. Nagbihis ako at bumaba pero sa hindi inaasahang pagkakataon lahat sila nasa sofa at nakatingin lng sa akin

Bumaba ako para malaman kung anong masamang hangin na nalanghap nila at naisip nila na may anak pa silang babae na maganda

Nagpunta ako sa harapan nila at kinunutan ng noo at tinanong sila

"Nabisita kau wala naman akong sakit"tanong ko sa kanila pero tiningnan lng nila ako ng seryoso

"Hindi kami nagpunta rito upang makipagbiruan sa iyo nagpunta kami dahil ngayon mo na makikilala ang fiance mo"sagot ni dad

"Ah kaya pala nagpunta kayo rito dahil may kailangan kau pero sorry na lng kayo dahil hindi ko kayo kailangan"sabi ko at tatalikod na dapat ng hawakan ako ni kuya at pinaharap ako sa kanya

"At sino may sabing aalis ka nag uusap pa tayo at sino din nagbigay ng pahintulot sa iyo na sagutin mo kami"galit na sabi nya sa akin

"May narinig ka bang nagsalita sa tabi tabi wala diba kaya sa akin nanggaling ang salitang iyon at wala kang karapatan na kwestunin ang desisyon ko unang una wala ka naman kwenta pangalawa hindi mo ginampanan ang responsibilidad mo bilang kuya at last but not the list ikaw ang unang nagtaboy sa akin tapos ang kapal ng mukha mong magsalita ng ganyan"paliwanag ko sa kanya

*PAK*

Sinampal nya ako sa ginawa nyang yun bigla ko syang sinuntok at kinalmot ang buong braso nya kaya ayun tumba

"Wala kang karapatan na sampalin ako kasi ang dumi ng pagkatao mo at ang kapal ng mukha mo na pagbuhatan ako ng kamay sa mismong pamamahay ko"sabi ko at sinipa ko pa sya

Tumalikod ako sa kanila at nagpunta sa hagdan at sumigaw

"LUMAYAS KAYO NGAYON DIN AT HUWAG NA HUWAG KAYONG MAGPAPAKITA SA AKIN KUNG GANYAN LNG ANG GAGAWIN NYO"Sigaw ko sa kanilang lahat

*ding* *dong*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COLD HEARTED BITCHWhere stories live. Discover now