Chapter 6

0 0 0
                                    


*****Lianne*****

Linggo ngayon kaya last day na ni kuya sa pagiging P.A nya kaya tuwang tuwa sya kasi magiging official na sila ni Evil

"Ngiti ngiti ka dyan mukha kang baliw ay hindi pala baliw na talaga dahil dyan papahirapan ulit kita"sabi ko kay kuya

Tinignan nya ako nga masama "hoy last day na ngayon kaya hindi na pwede"sabi nya sabay tingin sa akin ng nakangisi

"Oo nga LAST day kaya bukas pa kayo magiging official bobo ka ba sabi ko one week hindi pa tapos ang one week bukas pa lng okay ka lng nasaan ang brain cell mo"sabi ko sabay ngisi din

Aalis na dapat sya kasi napahiya pero hinila ko ang damit nya at pinalapit sa akin at kinurot ang tenga

"Aray! Tama na oo na tama ka na ano happy"sigaw nya at inalis ang kamay ko na nakahawak sa tenga nya

"O tama pala ako eh simple na lng ang iuutos ko sa iyo dito lng sa loob ng bahay"sabi ko

Lumiwanag naman ang mukha nya at hinawakan ang kamay ko
"Talaga thank you ha"sagot nya

"Oo tawagan mo si evil este evilyn at papuntahin mo dito bilis"utos ko na agad nya naman sinunod ang saya nya kasi pinapapunta ko ang girlfriend nya na hindi man lng umimik ng ipakilala nya sa akin

Nag antay lng ako sa couch habang sya kanina pa nakatayo sa gate at hinihintay ung girlfriend nya excited masyado may balak naman akong masama sa kanilang dalawa

Narinig ko ang tunog ng sasakyan at nakita ko silang holding hands papunta sa kinauupuan ko

"Lil sis nandito na si evilyn"nakangiting sabi nya

"Hi ate Lianne"bati nya

Hala bakit nagmukha yata akong matanda nakita ko naman si kuya na nagpipigil sa tawa nya

"Maka ate ka ano tau close at tsaka wag ka ngang mag bait baitan dyan hindi naman kayo magkakatuluyan"mataray kong sabi agad naman lumapit si kuya at ang sama ng tingin sa akin at hinawakan ang kamay ni evil

"Lil sis ang OA mo naman nasabihan ka lng ng ate kung mag react ka akala mo katapusan na ng mundo"inis na sabi ni kuya

"May sinabi akong lumapit ka sa kanya utos ko sa iyo kahit anong gawin ko hindi ka lalapit sa kanya maliwanag"sagot ko

"Hindi ako aso para sumunod sayo at ano bang ginawa nya sayo"sabi ni kuya

"Isa"bilang ko hindi pa rin sya gumagalaw at ang higpit ng hawak nya sa evil na iyon

"Dalawa"ang tigas ng ulo nakikipagtitigan pa rin sa akin

"Huwag mo akong hayaan na makabilang ng tatlo kung hindi hindi na yan makakapunta sa mansion ko at bahala ka na sa buhay mo"sabi ko at bibilang na dapat ng tatlo ng bigla syang lumayo sa girlfriend nya at ung girlfriend nya naiwan na nanginginig ang kamay at ang sama ng tingin sa kuya ko at konti na lng iiyak na

"See ano evilyn hindi ka kayang ipagtanggol ng boyfriend mo iniwan ka lng nya dyan na nakatanga hahayaan ka lng nya na saktan kita kung ako sayo iiwan ko na yan"sabi ko ng nakangisi bigla naman lumapit si kuya sa kanya pero agad nyang tinulak

"I hate you break na tau"sabi nya at tumakbo paalis

Tinignan ako ni kuya ng masama at pumatak ang luha nya ng kusa tumakbo sya palabas upang habulin si evil

At ako eto tanga tanga hindi ko alam kung magso sorry ako o hahayaan ko silang dalawa

Guilty ayan unang pumasok sa isip ko at sa pakiramdam ko hindi ko alam na sobra nya palang mahal yung babaeng yun na umiyak pa sya nagbibiro lng naman ako hindi ko alam na wala palang sense of humor ung babae yun

Dumiretso ako sa kwarto ko at hinintay si kuya na dumating alam nyo na hihingi ng sorry

After 1 hour

After ilang oras eto nabulok ako sa inuupuan ko dahil ang tagal nyang dumating baka hindi na dumating dahil may condo sya

Kaya bumaba muna ako at kumain ng breakfast at uminom ng gatas pagkatapos kong kumain umakyat ulit ako at naligo para puntahan si kuya sa condo nya at mag sorry

Bumaba ako at naglakad papunta sa kotse ko pinabuksan ako ng guard namin at nagdrive na ako sa condo ni kuya

*chu chu five star hotel*

Pagkadating ko sa hotel tinanong ko ung receptionist kung nandito si kuya kilala nya kami kasi pinsan ko ang may ari nito

Pagkasabi nya na nandito daw si kuya agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang 15th floor

*ting*

Lumabas ako ng elevator at pumunta sa room number ni kuya

*ding* *ding* *ding* *ding*

Ilang beses ko nang pinindot ang doorbell para lng buksan nya pero ayaw talaga kaya bumaba ulit ako at hiningi ang duplicate key pagkatapos kong kunin ang duplicate agad kong binuksan ang pinto ng room nya

At bumungad ay ang wasted hindi mapakinabangan sabog at lahat ng pwedeng i describe sa taong broken hearted

Ide describe ko ang room nya magulo ang mga gamit ang daming kalat kalat na beer in a can at ang dilim ng paligid kaya binuksan ko ang ilaw

"Wow wasted na wasted ang drama mo ha"sabi ko kay kuya

Tumingin sya sa akin na puro luha ang mukha

"Ano masaya ka na napaghiwalay mo na kami ano pang gusto mo"sabi ni kuya

"Hindi ako masaya kasi hindi mo man lng pinakain at pinapasok ang bisita mo at hindi kaba marunong maglinis ang dumi dumi ng kwarto mo hula ko hindi ka naligo no"sagot ko

"Wala kang pakialam at ang kapal ng mukha mong sabihin na bisita ka umalis ka na nga"sabi nya sabay balabag ng pinto

OKAY!!!

COLD HEARTED BITCHWhere stories live. Discover now