Guwapo.
‘Yun ang unang katagang naisip niya nang makita ang mukha ng waiter na kasalukuyang kumukuha ng order niya. Ni hindi man lamang niya ito naramdamang lumapit dahil nagbabasa siya ng novel. Narinig na lamang niya itong nagsalita, asking her if there was anything she wanted.
The guy is very handsome, Faith noted absently. And going by the way he made her heart stutter, he is her absolute type. No doubt about it.
Parte lang talaga ng mukha nito ang nakikita niya, ang matangos nitong ilong saka ang mga mata nito na may mahahabang pilik-mata na parang sa isang babae. Nakayuko kasi ang lalaki at sa papel at ballpen na tangan nito ito nakatingin, hindi sa kanya.
Talaga bang napaka-unattractive niya at ni hindi man lamang siya nito magawang tapunan ng tingin? Hindi niya alam kung maiinsulto o hindi. But at the same time, she felt relieved. She really didn’t want to get caught gawking. It was clear though, that she feels bad about the guy’s inattention.
She sighed.
Nagse-self-pity na naman sya. At talaga bang sobrang kulang siya sa pansin at nagiging desperada na siya? Dalawang buwan na siyang ganito—mula nang makipag-break sa kanya ang boyfriend niya of one year.
Ang first boyfriend niya. The asshole!
Napangiwi ang dalaga. Hindi naman siya masyadong bitter. Medyo lang. Ha ha!
Mga ilang segundo pa bago nakabawi si Faith at saka niya ibinigay sa waiter ang order. She said thank you after rattling it off. Mas mukhang pang-dalawang tao ang dami ng pagkain kesa sa isa.
Wala siyang pakialam kung marami nga. Eh sa gusto niyang kumain nang marami ngayon. Pagbibigyan na lamang niya ang sarili. Dahil for the first time in two months ay naisipan niyang mag-dine in. Sa hindi malamang dahilan ay gusto niyang kumain hindi lang sa labas kundi sa mamahaling restaurant. Okay lang kasi walking distance lang naman ‘yun sa apartment niya. Dalawang buwan na rin siyang nagkukulong at nagmumukmok sa inuupahan dahil sa breakup. Lumalabas lamang siya kapag kailangan niyang pumasok sa mga klase niya.
Nagtuturo sa isang sikat na unibersidad si Faith habang kumukuha ng master’s degree niya sa unibersidad din na iyon.
Pagkatapos ng mga klase niya ay deretso siya agad sa apartment. Kumakain naman siya pero madalas ay takeout sa canteen ng campus at hindi rin niya nauubos dahil nga wala siyang gana. Minsan ay pinupuntahan siya ng best friend niya para aliwin siya, pero ganun pa rin. Wa epek, ‘ika nga.
Nang matapos siyang magpasalamat ay saka lamang tumingin ang waiter sa kanya. Ngumiti ito. Marahil ay na-amuse sa dami ng pagkain na inorder niya.
“Thank you,” Faith repeated her words of thanks in a dismissive manner. Tiningnan niya ang lalaki ng deretso sa mga mata nito. As if to say to him, “I’m not ashamed to eat a lot.” Payat naman siya. Lalo nga yata siyang namayat dahil sa pagka-unsiyami sa pag-ibig.
Biglang natigilan si Faith ng magtama ang kanilang mga mata ng binata.
At sa hindi malamang dahilan ay biglang bumuhos ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
To Love Again
Novela JuvenilPusong sawi. Bigo sa pag-ibig. ‘Yan si Faith. Nakipag-break sa kanya si James - ang lalaking naging nobyo niya sa loob ng isang taon. Kasi… hindi siya mayaman. Social status… Ito ba talaga ang pamantayan sa pag-ibig? Material possessions? Hindi b...