chapter 26

1.5K 52 15
                                    

ANGELO POV

"Nagpunta kaba sa bahay nila Jea?" Seryosong tanong niya saakin.

"Yeah---"

"So, totoong inaway mo si Jea? Angelo naman, sinabi ko na sayong wag mo nang patulan si Jea. Bakit kailangan mo pa siyang sugurin sa bahay nila? Alam mo bang natakot si Jea sa ginawa mo? Pinagbantaan mo daw siya!"

Sigaw niya kaya nag init ang ulo ko.

"At naniwala ka naman?" Inis na tanong ko sa kanya.

She didnt talk. So naniniwala talaga siya sa baliw na yun?

"From now on ayoko ng makikita kang kasama sila. Hindi sila magandang impluwensya sayo."

Umiling iling siya.

"Hindi ko maintindihan. Wag mo naman sana akong papiliin Angelo. Alam mong matagal ko na silang kaibigan. Mahal kita, pero hindi ako sigurado sa magiging desisyon ko."

Then umalis na siya sa harapan ko. Napapadyak nalang ako sa sobrang inis.

Nasaktan ako dun sa sinabi niya. Hindi pa pala sapat na mahal niya ako, para ako ang piliin niya.

Bakit ba pakiramdam ko unti unti nang mawawala saakin si Yna? At ngayon palang naninikip na ang dibdib ko.

***

"Oh? Anong mukha yan?" Tanong saakin ni Mommy.

Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagtugtog ng gitara.

"Umayos ka nga. Ang panget mo kapag nakasimangot." Sabi pa ni mommy. Alam kong gusto niya lang akong patawanin pero hindi ngayon.

Lalo pa't hindi ko makontak si Yna, nakapatay ang cellphone niya.

Ang nakakainis pa ay nang tawagan ko si Tita, ang sabi umalis daw at pupuntahan ako.

Hindi ako naniniwala, dahil alam kong hindi dito ang punta ni Yna.

Nakakapanghina lang na unang pumasok sa isip ko si James.

"Hay naku , binata kana nga Anak bakas na sayo na nasasaktan ka. Tsk pareho kayo ni Dylan, kung masaktan, halatang halata. Napaka expressive ng mga mukha niyo. At naiinis ako na nakikita kitang ganyan. Parang nasasaktan din ako."

Napatingin ako kay Mommy, nilapag ko muna yong gitara ko.

"Mom, okey lang ako. Konting tampuhan lang to. Mamaya okey nadin kami." Pagkumbinsi ko kay Mommy.

"Siguraduhin mo Uno. Si Kezeah, gusto ko siya para sayo, mabait na bata at maganda kaya ayokong nagkakaganyan kayo. Normal lang na mag away kayo pero sana wag niyo nang paabutin pa sa puntong aayawan niyo na ang isa't isa."

Hindi ko hahayaang mangyari yun Mom. Kahit hilingin niya saakin, puso ko parin ang susundin ko. Ganun ko siya kamahal.

***

"Wala rin, sinama nga natin tong isa hindi naman natin makausap ng matino. Sana nga naging cellphone nalang ako."

"Hayayay, heart problems, kaya ayokong magseryoso e."

"As if naman may seseryoso sayo."

Inaya nila akong lumabas, pero wala naman sa kanila ang focus ko. Hanggang ngayon diko parin makontsk ang cellphone ni Yna.

I sighed.

Nagpaalam na ako sa kanila at minabuting dumerecho sa bahay nila Yna.

Hindi ko talaga kayang magalit kay Yna, nakita ko nalang sarili ko sa kusina nila at nagbbake ng paboritong cheese cake niya.

BADBOY'S FALL INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon