Chapter Six:Second (ZeaTae)

22 3 0
                                    

Zea's POV

"Yiiiieee!!Kaw na talaga,bes!!"pinaghahampas ko ngayon si Sayuri.Pagkauwi ko kasi,tinanong ko siya kung anong nangyari sa kanila ni Jin-hyung.

Lam nyo na.May past kasi sila.Hihi!

Ayun,kwinento niya na hinalikan siya ni Jin pagkababa niya.Shet lang!!Bigla na lang tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag.Si Jin-hyung.

"Bakit,Jin-hyung?"

[Kailangan mong pumunta dito.Birthday ni Jungkook.Kailangan natin ng surprise.Sama mo na din si S-sayuri.]

Tamo!!Nautal pa.Naks,telege..

[Ah sige.Papunta na kami]

Ngayon pala yung b-day ni Jungkook.Binaba ko na ang phone at dumiretso sa kwarto ni Sayuri.Naiwan ko kasi siya pagkatapos ko siyang paghahampasin.

"Oh?Hahampasin mo na naman ako?"tanong niya nang makita niya ako na pumasok sa kwarto.

"Hindi.Pupunta ako sa bangtan.I mean,tayong dalawa."pumunta na ako sa cabinet para maghalughog ng damit.

"Na naman?Ikaw Zea,napapansin ko lang na napapadalas ang pagpunta mo sa bangtan.Bakit ayaw mong maging personal assistant nila?Ni Suga?"napatigil ako sa paghalughog at napaharap sa kanya.

"Si Suga?Eh may personal assistant na yun eh.Tsaka Sayuri naman,malamang lagi akong napunta dun kasi bangtan is like my family na din."

"Sus.Deny ka pa.Magpersonal assistant ka nung yung matangos yung ilong tapos matangkad?Sino ba yun......Aha!!Si Taehyung!"napalaki ang mata ko sa sinabi niya.

"S-si T-taehyung?M-may personal assistant na yun."shet!Nautal pa ako.

"Nako!!!Nautal pa si ateng!!"sinamaan ko na lang siya ng tingin.Paka ano eh!

"Maligo ka na lang,Sayuri.Para naman sabay na tayo pumunta dun."

"Ayoko.May pupuntahan ako ngayon.Susunod na lang ako."

"Ah.Sige."

Hindi ko na tinanong kung saan siya pupunta.If I know,sa dating bahay lang nila yun.She's bringing her past again.

Hindi ko na din siya pinilit at umalis na to grab a taxi.

"Bangtan's dorm po."hindi ko na pala kailangang mag-grab ng taxi.Nagpadala kasi si Jin-hyung ng driver eh.

Pagdating ko sa dorm nila ay naabutan ko si Jhope at V na nagkukulitan.

"Zea!!"lapit sa akin ni Jungkook with a wide smile.

"Anong meron ngayon,Jungkook at masaya ka?"out of the blue na tanong ko.Haha!Kasama to sa script ano ba kayo!*^▁^*

"Ayy..Wala lang.Masama ba maging masaya?"bagsak balikat niyang tanong.Nagsenyas naman sa akin si Jhope at Jin na kailangan nila akong makausap.

"Wait lang,Jungkook ah.Pupuntahan ko lang si Jin-hyung."tumango lang siya at ngumiti pero alam kong pilit yun.

Si Rapmonster at Jhope ang bahala kay Jungkook.Ewan ko kung san nila dadalhin si Jungkook eh.Kami nila Jimin at V ang bahala sa decorations sa dorm nila.Habang si Jin at Suga naman sa mga pagkain,cake etc.

Walang pinipili si Jungkook na theme.Kaya wala din kaming ilalagay.

Buti na lang at meron na agad na decorations.Kung hindi,mahihirapan pa kami kasi bibili pa.

"Ako na lang dito ah..."kuha ko nung parang feathers na nilalagay sa dingding.Ewan ko kung anong tawag dun eh.

Kumuha ako ng isang upuan para suporta sa akin kung sakaling malaglag ako.Lam nyo na,in case of emergency.

How To Be A Queen AlienWhere stories live. Discover now