Chapter 3 : TAE NG ASO

109 3 0
                                    

Classroom
MJ's POV

Naglakad ako papasok ng room. Still wala sa kamunduhan ang pag-iisip ng isang dyosa na katulad ko.

Bakit kaya sa noo ko yung hinalikan niya ? Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung reflection ng lips ko dun. Maayos naman ah. Wala namang bakas ng pagkain. May lipstick naman.

Bakit sa noo ? Bakit hindi sa lips ? Naks ! Demanding pa e noh !

Makaupo na nga lang , ang sakit narin kasi ng paa ko. Para akong naging punching bag. Hila dito , hila doon.

" AHEEEEEM ! " Tinignan ko kung sino yun. At nakita ko si Anica na nakaupo sa upuan ko.

" Anica , Please lang. Pagod ako " Lantang-gulay kong sabi sa kanya.

Nanlaki naman yung mata niya sa sinabi ko. At napatayo pa siya. Bakit ano bang mali sa sinabi ko ?

" Isara mo yang mata mo at baka tumakas yang dalawa mong eyeballs na parang pusa , kung maka-blue daig pa damit ni Cinderella " Nakuha ko pang biruin siya. Nakakatawa kasi yung mukha niya.

" Bakit ka napagod bes ? Omeyged ! Anong ginawa niyo ni TroyeMyloves ? "  Ang chaka. Eskandalosa talaga 'tong babaeng 'to.

" Anong ginawa ? " Taka kong sabi sa kanya. Para akong tanga na nagiisip habang nakaupo.

Iisa-isahin ko ba yung ginawa namin ni Mr. Unknown ? Ay andami kaya nun. Naglakad , tumakbo , tumakbo , naglakad , kumain , Hay ewan ko.

" Bes ! Yung PAK PAK GANERN GANERN " malakas niyang sigaw sa akin.

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Nag-sink in na sa utak ko kung ano gusto niyang sabihin. Buti nalang at hindi niya sinabi ng literal kundi paktay ako.

" Anica ! Bastos ka talaga " Sabay hila sa kanya paupo dahil gumawa ba naman ng eksena.

" So tell me , bakit kasama mo si Troye ? " excited niyang tanong.

" Bes ! Wag masyadong malapad ang ngiti baka malaglag yang braces mo " sabi ko sa kanya w/ matching irap pa.

" GAGA KANG BOBITA KA ! Hahahaha ! Anak ka ni De Lima , isama kita sa drug lists ni Duterte e. Kingina mo " sabi niya habang tumawa.

" Hala Bes ? Yun lang sinabi ko na-mura mo pa ako. Baka matuklaw mo ako niya. HAHAHAHA ! " nakitawa narin ako. Ang hard namin maglambingan noh !

Tapos may sapak din 'tong si Anica noh ! Tatawa ng super hard tapos biglang seryoso. Muntanga ! Naka-program lang ang peg ?

" So , bakit nga kayo magkasama ? " seryoso niyang tanong.

" Ahhhhhhhhhhh----- kase ano " Hindi ko alam sasabihin ko.

Nakataas na kilay ni Anica sa paghihintay ng sagot ko. Kaya mo yan MJ , dapat proud ka.

" BOYFRIEND KO SIYA ! " At sa wakas ! Nakahinga rin ng maluwag.

" KINGINANG DE LIMA YAN ! PAANO MO NAGING BOYFRIEND SI TRO---- ARAY NAMAN BES ! "  Ang lakas ng boses ng Bobitang 'to. Binato ko ng libro , di ko alam kung saan tumama.

* REEEEEEYYYNG * Tunong po yan ng bell. Mamahalin po yung bell kaya Pabebe siya.

" Pwede ba hinaan mo yang boses mo kung ayaw mong may part 2 na lumipad dyan sa ulo mo. Sa susunod encyclopedia na para mas maganda. And by the way , bell na e. Next week ko nalang ikwento. Oooops ! Next year nalang pala. "  Woooooop! Save by the bell , darlin'

Nakangiti ako. Yung tipong dinaig ko pa bibig ni Anne Curtis. Hindi ko nga alam kung bakit ako ganito e. Feeling ko lang excited ako. Basta parang gusto kong magtatalon.

At habang papunta na ako sa parking lot , malayo palang ay nahagip na siya ng ----- JEEP ?! Ay ng mata ko pala.

At malayo palang ay naaamoy ko na ang -------- Hmmmmmm. TAE NG ASO ?

NakngAso naman , Oo ! Panira ng moment e. Yung tipong dapat malalanghap mo yung pabango niya kaso masamang hangin ang bumaon sa ilong mo.

Mas lalo pa akong napa-ngiti ng malaki ng makita na rin niya ako. At nawala na ang pagkagalit ko sa tae ng aso na yan.

Lumapit siya akin. At kumaway naman ako ng todo sa kanya parang bata.

" Wala man lang yakap na ma-rereceive si Boyfriend ? " Sabi niya habang naka-ngiti. At inispread ang kamay niya.

Di ko alam kung bakit napa-yakap ako ng sobrang higpit sa kanya. Feeling ko gusto ko , nakayakap na lang ako sa kanya.

Niyakap niya rin ako. At inamoy ang buhok ko na parang sabik na sabik din sa akin. Gusto ko ring amuyin ang nakakaadik niyang perfume kaso .....

Amoy -----

" TAE NG ASO ? "

Sabay naming sabing dalawa. At parehas naman kaming napahagalpak sa tawa.

( N/A : Masyado pong umeeksena yung TAE NG ASO !  )

Sumakay na kami sa kotse niya. Ang ganda lang dahil Porsche siya.

Ngayon na nga lang ako nagkaboyfriend , ganito pa ka-bongga. Buti nalang at hindi ko minadali si Lord , nakagawa tuloy siya ng super gandang story.

When the DYOSA became BALIW in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon