Chapter One

2 0 0
                                    

Patapos na ang klase ko ng biglang nag vibrate ang phone ko.

From: Ellah
"Coleeeeeeeeeeeen! Bilisan mong pumunta ng resto kase may meeting daw tayo. "

Meeting? Mukhang alam ko na kung ano ang pag-me-meeting-an namin. Siguro nakapagdesisyon na ang may-ari na ipasara na ang resto'ng pinagtatrabahuan namin ni Ellah. Alam ko ng mangyayari to. Pero umasa ako na sana hindi nila iyon ipasara hanggang makatapos ako ng kolehiyo. 4th year college na ako at isang semester na lang ay gagraduate na ako sa kursong Marketing Management. Next sem ay puro OJT na lang, last requirement sa kurso namin.

Ako nga pala si Maria Ana Coleen Buenaventura. Ulilang lubos. Actually, hindi naman talaga kase hindi ko alam kung buhay pa ba o patay na ang tatay ko. Lumaki ako na si Mama lang ang kasama ko sa buhay. May kamag-anak kami pero nasa probinsya. Kaming dalawa lang ang tumira dito sa Manila since dito nagtrabaho si Mama. Kaya lang, namatay sya 5 years ago. Saktong kakatapos ko lang ng high school noon. Hindi ko matanggap na nawala ang Mama ko pero kailangan kong magpakatatag para sa mga pangarap ko. Pinilit ako ng Auntie ko na umuwi na lang sa probinsya since wala na akong kasama sa bahay pero tinanggihan ko kase nakakuha ako ng scholarship sa isang tanyag na unibersidad. Maganda ang quality ng edukasyon dito kaya expected na mahal ang tuition fee dito. Karamihan sa mag aaral dito ay mayayaman, anak ng mga doktor, engineer, artista or businessmen. Kung may mahihirap man, kaming scholar na yun.

Kinailangan ko ring magtrabaho para sa pang araw araw na gastusin ko at sa mga kakailanganin ko din sa school. May perang naiwan si Mama kaso ayokong gastusin. Kaya ko namang mag working student para makatapos.

Niligpit ko na agad ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas para makasakay ng jeep papunta sa resto. Malapit lang ito sa unibersidad kaso medyo late natapos ang klase ko kaya kailangan ko pang sumakay para di ma-late sa trabaho. 9-4 ang klase ko everyday. This sem puro thesis lang kami. Malapit na rin ang defense namin. 6pm to 12 Midnight naman ang duty ko sa resto. Closing kung sabihin nila. Off ko every weekend kaya okay na rin at nakakapagpahinga ako.

Pagbaba ko ng jeep, naglakad lang ako ng konti papunta sa resto. Naabutan ko si Ellah sa locker. Nakabihis na sya sa uniporme namin. Pareho kaming server dito. Kulay blue na dress ang uniform namin na mataas lang ng konti sa tuhod.

"Coleeeeen! Bat ang tagal mo?" Hyper na sabi ni Ellah. Dito na kami nagkakilala ni Ellah. Mas nauna sya sakin dito ng ilang buwan. Mag aapat na taon na kami dito sa resto. Kaso madami ng nagsulpotan na resto na mas patok ngayon sa karamihan at nahihirapang makisabay tong resto na to pero kahit ganun naman kumikita pa rin ito, hindi nga lang katulad ng iba.

"Medyo late kase yung dismissal namin. Kinailangan ko pa tuloy mag jeep para di ma-late." Paliwanag ko.

"Bilib talaga ako sayo kase nakakaya mong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral." Aniya.

"Wala eh. Kailangang kayanin para sa mga pangarap ko sa buhay."

"Sabagay. Kung kasing tatag mo lang ako, 4-year course din sana kukunin ko. Tourism Management. Kaso di ko kayang mag working student. Di rin naman kaya nila Mama ang 4 years kaya hanggang 2 years HRS na lang." Sambit nya. Tapos na si Ellah sa 2 years na kinuha nya. Ang HRS ay parang HRM din.

"Ok na yun atleast nakapag aral ka. At ngayon natutulungan mo na pamilya mo. Napapag aral mo yung kapatid mo sa kolehiyo." Sabi ko sakanya.

"Yun din yung kagandahan na maaga akong natapos. Nakakatulong na ako sa pamilya ko." May pagmamalaki nyang wika. Nalungkot naman ako dahil ilang buwan na lang, makakagraduate na ako kaso wala naman akong pamilya na kasama para ipagdiwang ito. Gayunpaman, alam ko na proud na proud sila sa akin...lalo na si Mama.

"Hoy bilisan nyo dyan. Andyan na si Ma'am." Biglang sulpot ng supervisor namin.

"Opo andyan na." Sagot ni Ellah sabay irap. "Tss. Nakakasira talaga ng araw yang visor natin."

"Haha. Di ka pa nasanay." Natatawang sabi ko. May pagkamasungit kase si visor. Lahat ng bagay napapansin nya. Kahit maliit na bagay sinisita nya. Kaya halos lahat ay ayaw sa kanya.

"Hay naku. Di ko nga alam bat di pa ako nasasanay sa buwayang yan. Halika na nga at mag uumpisa na ang meeting."

Sumunod agad kami sa visor namin. At hindi nga ako nagkamali ng hinala, ipapasara na ni Ma'am Torres tong resto.

"Ikinakalungkot kong sabihin ito pero kailangan. Hindi na ganun kalaki ang kinikita netong resto at alam kong mahihirapan tayong lahat pag pinagpatuloy pa natin ito." Paliwanag ni Ma'am.

Lahat kami ay nalungkot sa naging desisyon ni Ma'am. Lalo na ako sapagkat dito ako kumukuha ng pera para mabuhay.

"Paano na yan Coleen? Kailangan na nating maghanap ng ibang trabaho dahil hanggang katapusan na lang itong resto." Malungkot na wika ni Ellah.

"Wala naman tayong magagawa eh. Hays. Nataon pa ngayon na hirap na hirap ako sa thesis ko. Hindi ko alam kung makakahanap ba ako ng trabaho na tutugma sa schedule ko." Wika ko.

"Oo nga. Sa ating lahat baka ikaw ang mahirapang makakuha ng bagong trabaho dahil nag aaral ka." Aniya.

"Hindi ko din alam eh. Ok sana kung umabot pa ng isang buwan to sakto para semestral break. Pero hindi eh. Kailangan kong makahanap ng ibang trabaho agad para makapag-enroll pa rin ako next sem."

"Pero diba may naiwang pera naman ang Mama mo?" Tanong ni Ellah.

"Oo pero hindi ko yun gagamitin. Magagawan ko to ng paraan."

"Hays. Ewan ko ba sayo. Bahala ka pero sana lang talaga makahanap agad tayo ng ibang trabaho."

Hanggat maaari ay ayokong galawin ang perang naiwan ni Mama. May plano na ako para dito. At pipilitin kong matupad yun.

Nagsimula na rin kaming magtrabaho. Kokonti na lang talaga ang mga pumupunta sa resto. Binabaan na rin namin ang presyo ng mga pagkain kaso hindi na talaga pumapatok sa mga tao.

Dagdag problema talaga to sa akin. Hindi ko alam kung magkakasya ba ang pera ko hanggang sa susunod na buwan. Pero alam kong hindi ako makakapag-enroll next sem kung hindi ako makakahanap ng trabaho.

Kakatapos ko lang lagyan ng tubig ang isang table. Saktong pagtalikod ko eh may nabangga ako.

"Hala. Sorry po. Di ko po sinasadya." Paliwanag ko sa taong nakabangga ko. Saktong pagtalikod ko eh nabangga ko sya dahilan para matapon sa kanya yung tubig sa pitchel na hawak ko. Pinapagpag ko ang coat nya nung bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Stop doing that." Pagkasabi nya nun ay agad akong napatingin sa kanya. Totoo ba to?

We Dont Care...Anymore.Where stories live. Discover now