Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o gawa gawa lang to ng imahinasyon ko. Ang nabuhusan ko ng tubig ay isang pagkagwapong lalake--no, scratch that. Isa syang demigod. Ang kanyang maiitim at perpektong kilay, ang nakakalunod nyang mata, ang matatangos na ilong at ang pulang labi. Ang sarap pagmasdan.
"Will you let go of me?" Malamig nyang sabi. Para ba akong nabuhusan ng malamig na tubig nung nagsalita sya. Bumalik lahat sa diwa ko ang katangahan ko. At dun ko lang napagtanto na nakahawak pa pala ako sa coat nya. Agad ko itong binitawan.
"S-sorry po. Di ko po talaga sinasadya." Sabi ko habang nakayuko. Iniisip ko na baka bulyawan nya ako o ano pero nagulat ako ng nilampasan nya lang ako at naglakad papunta sa table nya.
Umupo sya sa table sa pinakacorner netong resto. Pangdalawahan lang yung table na yun kaya malamang yung girlfriend nya ang inaantay nya.
"Hoy Coleen. Ano na? Magdamag ka na lang bang ganyan? Ha? Ano bang nangyari sayo at pinairal mo na naman ang katangahan mo? Di mo ba kilala kung sino yung nabuhusan mo ha?" Mahabang litanya ni visor.
"Sorry po di ko naman sinasadya." Wika ko.
"Wala ng magagawa ang sorry mo. Tanga ka na nga bobo ka pa. Di mo kilala yun eh sya lang naman ang pinakamayamang businessman sa bansa. Sya si Marcus Dave Smith. Magbasa basa ka nga din minsan."
Hindi na lang ako umimik. Kaya pala mukha syang pamilyar dahil sya pala ang Top 1 Bachelor of the country, and the youngest. Kala naman ni visor di ko kilala. Hindi ko lang talaga namukhaan kase mas gwapo pala sya sa personal kesa sa picture sa magazine.
Natapos na din ang duty ko ng maayos. Nandito kami ngayon ni Ellah sa locker para magbihis at ng makauwi na.
"Nakita ko yung nangyari kanina. Sinadya mo yun noh? Di lang talaga ako makalapit kanina kase andun si visor." Biglang sabi ni Ellah.
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko.
"Sus. Kunwari ka pa. Sinadya mong buhusan ng tubig yung papa para makatsansing ka noh?!" Sabi nya na may halong malisya. Loka loka talaga to.
"Tumigil ka nga di ko yun sinasadya."
"Suuuuus. Sinasadya mo man o hindi, ang swerte mo girl!" Sabay tili nya. Nabuang na.
"Tumigil ka nga. Para kang baliw. Nakakahiya kaya yun." Sabi ko.
"Nakakahiya pero atleast nahawakan mo ang pinakamayamang lalake sa bansa. Bonus pa at nakausap mo sya."
"So matutuwa na ba ako dyan? Ok sana kung paghawak ko sa kanya eh yumaman din ako."
"Hala sya. Isang demigod ang nahawakan mo hindi ka ba matutuwa? At aminin mo, na-mesmerized ka din sa kagwapuhan nya. Kulang na nga lang tumulo laway mo kanina eh." Sagot ni Ellah.
Hala?! Ganun ba itsura ko kanina? Omo! Inaamin kong natangay ako sa kagwapuhan nya pero hindi naman aabot na maglalaway ako dun noh.
"Oo naattract ako sa mukha nya pero not to the point na maglalaway ako. Dyusme. Kung marinig mo lang boses nun, baka maging frozen good ka na sa sobrang lamig. At wala man lang emosyon. Kaya kahit gwapo sya pero ganun ugali nya, walang epekto sakin." Paliwanag ko.
"Talaga? Pero di ka man lang nya pinagalitan or what eh. So ibig sabihin mabait pa rin sya." Sagot nya. Di talaga to papatalo. Kilala ko tong babaeng to.
"Ay ewan ko. Mabait man sya or what wala na akong pakealam. Di naman natin yun makakasalamuha habang buhay eh." Sabi ko sabay kuha ng bag ko at nagtuloy palabas.
Sumunod din sa akin si Ellah. Pareho lang kami ng way pauwi. Naglalakad lang kami since malapit lang itong resto samin.
"Oh sya dito na ako. Ingat ka Coleen. Wag kang magpapa-rape sa daan ha? Dapat sa kwarto para may privacy naman. Haha." Baliw talaga to.
"Tse! Baliw!" Sabi ko habang natatawa. Dalawang kanto ang layo ng bahay naming dalawa. Unang madadaanan yung sakanila kesa yung sakin.
Kinabukasan....
Biyernes ngayon. Next week magsasara na ang resto. At next week na din ang final defense namin. Sana makayanan ko lahat ng to kase kung hindi ewan ko na lang.
Tapos ko ng gawin yung final part ng thesis ko. Wala akong group mate dahil mas pinili kong mag solo kesa makigrupo. Mas mahirap yun para sakin kase darating ang point na hindi kayo magkakaintindihan. Idagdag mo pa yung mga hindi tumutulong. Lilitaw lang pag bigayan na ng grades kaya mas minabuti kong mag isa na lang kesa mamroblema ng mga kagrupo.
Naisipan kong gumawa ng resume para pag tapos ng defense deretso hanap na ako ng bagong trabaho. Hays. Kung nandito lang sana si Mama, di na ako mahihirapan pa. Di ko na siguro kailangang maghanap ng trabaho para lang mabuhay.