"Masakit na katotohanan mula sayo"
Tama na ang mga salitang aking narinig
Sapat na ang mga kilos na iyong ipinapakita
Tama na sigurong kalimutan ang mga pangakong paulit ulit kong naririnig
Sa bawat iyak ko yan ang nais mong banggitin pangakong ako lang at walang iba
Pangakong mapapasabi na lang akong tama naTama na sa mga pangakong patuloy na mapapako
Hanggat may titulong tayo ang isa ay mag durugoikaw kung sino ka mang nag daan sa aking buhay ay nais kong malaman mong tama na ang mga sakit na aking naramdaman mula sayo
Tama nang nagkasakitan tayo at akoy natuto
Tama na sa mga bagay na patuloy pang pagiisip na hanggang dulo tayo
Oo tanggap ko na simula nung nasabi kong tama na
Tama na ang mga pighati sa mga nakalipas na ilang buwan
Tama na ang mga sakit na naging aral
Tama na oo tama na hanggang dito na lang tayo
Tama maging masaya tayo ikaw ako at ang bago mo
Tama ang salitang salamat para sayo
Salamat dahil kahit nasaktan ako natuto ako sayoMasaya ako kahit akoy umiiyak sa sakit kahit may parte sa puso ko na mahal pa rin kita
Pero tama na ang mga pag asang alam kong huli na dahil tapos na ang kwentong para saten dahil ikaw at siya ay nagsisimula na ng bagong yugto
Oo magiging totoo muna ako kahit na tama na
Ay umaasa pa rin ako sa twing ikay maalala
At biglang eeksena ang masakit na parte ng istorya
Parteng nag away nagkasakitan at di na magkakilalaTama na ang mga alala alang puro pag asa
Dahil sa huli salita mong may tama ang gustong marinig mula sayo;
Tama na ang sakit na dulot ko
Tama na ang hirap na iparanas ko
Tama nang iniwan mo ako
Tama ang naging desisyon mo
Tama ka sa lahat ng nasabi moYan na lang ang mga salitang inaasama ko dahil ako, yan lang ang gustong marinig mula sayo
Dahil tama ka isang tamang salita ay ayos na akoTama na to oo ang haba na alam kong kahit kasing haba pa to ng mahabarata wala paring saysay to
BINABASA MO ANG
Tula para sa'yo
Tiểu Thuyết ChungIt is a work of random thoughts Where my mind are full of Roots Like to write incredible words