Angella’s POV
Hindi ko na alam kung anong ite-text ko sa kanya mamaya dahil iniwan niya akong NGANGA dahil sa ginawa niya. Tulala at nakatingin lang sa pintuan sa clinic kung saan siya lumabas.
*Flashback*
Lumapit siya sa akin at nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap kasi akala ko hihinto siya sa harap ko pero hindi pala. “Bitawan mo nga ako, Ivan!” sigaw ko sa kanya habang tinutulak siya palayp pero hinigpitan niya lalo yung yakap sa akin saka siya bumulong sa tenga ko, “Please, don’t call it off,” bulong niya sa akin at biglang tumibok ang puso ko.
Tumibok?
Ano yun?
Binitawan niya na yung pagkakayakap niya sa akin. Nagbuntong-hininga siya. “Hindi kita pipilitin pero text mo na lang ako mamaya. Tapos kung ica-call off na natin, I’ll break up with you in front of the class. I sometimes argue with you, the cause why I get so mad to you. Days pass, we argued, nothing change nor my hatred neither my anger but deep inside, that’s not how I feel,” tumigil siya sa pagsasalita at umalis ng nakapamulsa.
Ano ba ‘tong nararamdaman ko sa kanya?
Days pass, we argued, nothing change nor my hatred neither my anger but deep inside, that’s not how I feel.
Biglang tumibok yung puso ko ng mabilis. Dahil ba sa mainit? O baka,
Dahil sa sinabi niya?
Ayyyy, Angella! Wag kang assumera! Pag masyado kang nage-expect, masasaktan ka lang sa huli dahil hindi naman pala ikaw ang crush niya o mahal niya.
Ano nga ba ang difference ng mahal sa crush?
Ano ba ang tumibok?
Anak ng tokwa naman oh! Bakit ko ba ‘to iniisip? Eh mahal niya ay si Cindy?
At hindi ako.
Makahiga na nga lang ulit ilang minutes pa lang naman ako nandito eh. Habang iniisip ko kunug anong ite-text ko sa kanya, unti-unti hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Ivan’s POV
Bullsh*t! Bakit ganito ba kami ni Angella?
Bakit lagi na lang masama yung aura niya sa akin?
Ni isang babae walang magca-call off ng pretend o totoong pagiging gf sa akin. Samantalang ang mahal ko pang babae eh, mismo nag-call off ng pretend naming dalawa. Sana nga lang wag niya i-call off yung pagiging pretend namin. Ayokong malayo sa kanya.
Pumunta na ako sa chairman’s office at sinalubong ako kaagad ng pinsan kong namumula na sa galit, si Amy. “Anong ibig sabihin nito?!” sigaw niya sa akin at pinakita yung text message ni Tita. “Meaning, Cindy is my fiancé,” sagot ko sa kanya. Pero may nararamdaman akong masama dahil sa sinabi ko. “Di ba si Angella ang mahal mo?! Niloloko mo ba kaibigan ko ha?!” sigaw niya sa akin na naka-pameywang. “Yeah, I love Angella and I really do but this is one of my plans to make her fall in love with me so-,” hindi pa ako natapos magsalita eh sumabat na siya kaagad. “Ang pagmamahal hindi pinagpla-planuhan, pinagta-tapat yan. You’re a man. Don’t make her confess to you because it will make you a coward. I didn’t believe confessing to someone takes a lot of courage but maybe a little bit so,” tumigil siya sa pagsasalita at tinap niya yung shoulder ko. “Make it possible,” sabi niya at tuluyan ng umalis sa room. She’s right! I’m hell of a coward. Making her confess to me is a wrong move.
What if Carlo’s courting her? Then, I must make my move fast.
Angella’s POV
Shocks! Naiwan ko yung cellphone ko sa chairman’s room! Pano ko yun kukunin? Hmm….alam ko na! Papasukin ko na lang yung room ni chairman na bakulaw. Nung nasa harapan na ako ng chairman’s room, tiningnan ko yung left and right side ko para siguraduhing walang tao at sinuswerte nga naman ako ngayon dahil walang tao. Unti-unti pumasok ako sa room at nung mag-close na ito, nakita ko yung cellphone ko sa ibabaw ng table ni Ivan. Yes! Mate-text ko na rin mamaya si Ivan. “Huh? Angella?” bigla akong napalingon at buti si Carlo lang naman pala yung pumasok. Napabuntong-hininga ako. “Hello! Kinuha ko lang phone ko. Bye!” sabi ko sa kanya at akma ng aalis ng biglang nakarinig ako ng nag-uusap sa labas. Shocks! Papunta dito si Bakulaw! Patay! Nung hindi ko alam ang gagawin ko, hinatak ako bigla ni Carlo patago sa ilalim ng mesa ni Ivan. Sisigaw na sana ako kaya lang bigla niya akong tinakpan sa bibig. Sino ba naman hindi sisigaw sa ganitong porma?! Nasa likod ko siya at yung legs niya eh nasa left and right side ko, at yung kamay niya naman eh nasa bibig ko at yung isa pa eh nasa tiyan ko. “Ssshh!” sabi naman niya sa akin. Tumahimik ako bigla ng magbukas na yung pinto. Nung nararamdaman ko na papunta dito si Ivan eh nine-nerbyos ako. Nag-uusap sila ata ng secretary niyanng lalaki na nakatayo. Nagulat naman ako ng biglang bumagsak yung ballpen niya mula sa table at ang masama pa eh nasa paanan ko pa. Shocks! Sana hindi niya ako makita pero nung naabot na ni Ivan yung ballpen eh napatingin siya sa amin ni Carlo at hindi lang tingin, shock na naging masamang tingin. “Chairman, is there something wrong?” tanong ng secretary niya na dahilan na siya ay tumayo. “No. Let’s discuss this later. You may now leave,” sabi niya sa secretary niya at tuluyang umalis na yung secretary niya. Nung narinig kong nag-close yung pintuan eh binitiwan na ako ni Carlo at hinila naman ako patayo ni Ivan. Nung pagtayo naman namin ni Carlo, “Sige, bye!” ngiti niyang sagot o baka naman ngisi niyang sagot?
‘Lang hiya yung lalaking yun ah! Iwan daw ba ako dito sa naga-apoy na bakulaw na ‘to na nasa harapan ko. Nung tumingin naman ako sa kanya, eto kaagad ang sinalubong niya sa akin. “What are you doing here?!” sigaw niya sa akin na halos ikalipad ko na. “Sorry! Kinuha ko lang phone ko! Naiwan ako nung nagre-record ako ng kanta na kinakanta ko! Napadaan lang si Carlo dito at wag kang mag-alala, ikaw lang naman yung boyfriend ko eh!” sabi ko sa kanya ng nakapikit kasi natatakot na talaga ako sa kanya tsaka sa pagsigaw niya sa akin kanina, nakita ko rin sa mga mata niya yung coldness na bago kami nagkita. Dahil sa wala pa siyang sagot, tiningnan ko siya at himala tumatawa na parang bata. Cute sana pero minsan lang yan tumawa kasi bipolar siya. “Hahahaha! Don’t take it seriously!” tatawang sabi niya sa akin habang pina-pat yung ulo ko. Nag-pout na lang ako. Pano ko naman ‘to hindi seseryosohin? Eh para kang umaapoy kanina pa sa galit eh tapos ngayon tatawa-tawa ka diyan. Pinagtri-tripan ba ako nito ng lalaking ‘to. Sasagot pa lang sana ako kaya lang bigla niyang pinisil ng sabay yung pisngi. Hindi na ako nakasagot sa kanya kasi bigla ba namang ngumiti na parang anghel at sinabing, “Don’t pout. It’s not cute.” Kahit masama yung mga salita niya sa akin, bakit nagda-drums na naman ‘tong puso ko? Nung binitawan niya na ako sa pisngi, yumuko na ako dahil ata sa mala-kamatis kong mukha. Nung tumingin ako sa kanya ng nakangiti eh nawala yun bigla dahil naka-smile siya ng nakakaloko. “Ikaw lang ang boyfriend ko. Huh?” sarcastic niyang sabi sa’kin na may ngiting nakakaloko. Bigla namang namula yung pisngi ko dahil sa sinabi niya na sinabi ko kanina. “Wag mo nga akong pagtripan! Loko ka ah!” sigaw ko sa kanya habang pinapalo siya sa dibdib. Habang nagkukulitan kami, nag-bell na. Ibig sabihin, uwian na. “Oh, sige! Uwi na ako!” ngiti kong paalam sa kanya at umalis na ng tuluyan. Hindi ko alam kung bakit ako masaya ngayon pero tuwing nasasaktan ako, siya ang dahilan, pag masaya naman ako, siya ang dahilan. Hehehehe ^_^!
Nung nakuha ko na yung gamit ko sa classroom, aalis na sana ako lagpas ng gate ng biglang may humarang na sasakyan sa harap ko na dahilan na mapaupo ako sa sahig. Sasagasaan ba ako nitong kotseng ‘to?! Tumayo na ako at pinagpag yung dumi sa palda ko. Biglang bumaba yung driver at in-open yung pinto sa back seat at nakita ko ang naka-crossed legs, may earphones KO at nagbabasa ng libro na Bakulaw. Ano pa nga ba ang ginawa ko edi pumasok at hintak ng mahina yung earphones ko sa tenga niya. “Hey! Give that back to me!” sigaw niya sa akin habang inaabot yung earphone sa kamay ko na pagalaw-galaw. “Sa akin kaya ‘to! Pano napunta ‘to sa’yo?!” sigaw ko sa kanya. “I took it by accident earlier at the clinic,” explain niya sa akin. Anong accident ka diyan? Kaya ka pala nakapamulsa kanina kasi nilagay mo sa pocket mo. Pasalamat siya kasi kanina tumawa siya kundi inupakan ko na ‘to. “Fine! Sa’yo ulit yung isa, sa akin yung isa!” sabi ko sa kanya at nanahimik na.
Nung nakarating na kami sa bahay ko, kumain ako ng dinner, nag-wash at nahiga na sa kama. Natawa ako bigla kasi sinabi sa akin ni Ivan kanina na hintayin ako dito bukas pagpunta sa school. Ah! Oo nga pala naka-recording pa rin yung phone ko. Nung tiningnan ko yung phone ko automatic na siyang nag-stop dahil limited time lang ‘to. Tinext ko na si bakulaw na hindi ko na lang ica-call off yung pagiging pretend namin. Hindi ko sinabi yung dahilan kasi alam ko na.
Crush lang ba ‘to? Kung hindi man, I’ll not give up.
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Novela JuvenilImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...