Prologue

106 13 46
                                    

I dedicated this story to my first-ever love...JF.A man who hooked my childish heart.

Ang akala ko noon, kapag sinabi mong mahal mo yung isang tao at mahal ka rin niya ay magiging okay na ang lahat. Na wala nang tututol o hahadlang sa pagmamahalan ninyo. Pero, nagkamali pala ako. It was a big mistake na umasa at nangarap ako ng ganoon kaaga.

I was only thirteen when I fell in love to this guy named Jerome Francisco. A man who doesn't fear anyone or anything sa mundong ito. Ang taong hindi mo aakalain na maibibigay sayo ang mundo na pinapangarap mo. Sa bawat araw na lumilipas, laging may mga kakaibang ngiti ang laging nakapaskil sa aking labi. Everyday in love ako.

Wala akong ibang iniisip kung di siya lang. Sa pagpasok sa eskwela hanggang sa pagtulog ko, pangalan at imahe niya ang lagi kong nakikita.

Pero, not until one day, nang nilapitan ako ng isa sa mga co-nurses niya habang abala ako sa pagpapalit ng diapers ni nanay, may ibinigay itong kulay rosas na papel at isang maliit na tahita. "Ipinabibigay nga pala ni Jerom", nakangiting sabi nito sabay abot sa hawak nitong sobre at tahita.

Inabot ko ang ibinigay nito sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba habang binubuklat ito. May mga luhang tila na nag-uunahang pumatak sa aking magkabilang pisngi. Hindi ko matanto sa aking sarili kung tumatak ba sa utak ko ang bawat letra na nilalaman ng sulat ni Jerome sa akin.

Dear Shims,

First of all, I would like to thank you for giving me a chance--- a chance na maging parte ng buhay mo at mahalin ang isang tulad ko. Natatandaan mo pa ba yung unang araw kitang nakita sa beranda ng ospital? Umiiyak ka ng mga oras na 'yon di ba? At dahil nagtaka ako, lumapit ako sayo. Inabot ko ang towel ko na ewan ko kung malinis ba o hindi. Haha. I feel so stupid  on that time. Natatandaan mo pa ba 'yung reaksyon mo noong inabot ko sayo ang towel ko? Grabe, haha. I can't help but   to laugh at you. Para akong nahulog sa isang patibong na bumihag sa puso ko. Ang corny no? Pero, Shims, that was the day that I promised to myself na iingatan ko ang Little Crying Princess na 'to
at hindi ko hahayaang tumulo pang muli ang luha niya.

But-- Im really sorry Shims dahil 'di ko natupad ang pangako kong 'yon. I feel so stupid! Isa akong walang kwentang tao na sinaktan ka't  pinaluha. Nadudurong ang puso ko dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita at maririnig ang mga tawa mong tila isang musika. Na, kahit alam kong galit ka na at sinisigawan mo na ako musika pa rin sa pandinig ko ang mga iyon.

Shims, isa lang ang alam ko sa mga panahong 'to, habang sinusulat ko ang mga salitang nakapaloob sa sulat na'to. Na kahit kailan o kahit ano man ang mangyari ay ikaw at ikaw lang ang nag-iisang Little Crying Princess ko. Ang tanging prinsesa na bumihag at nakapagpabago ng pag-ikot sa mundong ginagalawan ko.

My Little Crying Princess, please, promise me na ako lang ang prinsipeng magpupunas ng mga luha mo sa tuwing nalulungkot ka. Na, ako lang ang lalaking magpapangiti sayo sa tuwing maaalala mo ang mga corny kong jokes at facial expressions. Promise me, please. Promise  me even though na wala ako sa harapan mo at tanging mga bituin at langit lamang ang makakasaksi sa pangako mo. ("I promise, My Prince) I whispered on the wind with all of my heart .

At, mapatawad mo rin sana ako kung hindi ko agad nasabi ang balak kong pag-alis papuntang Korea. I hope na maiintindihan mo ako. Ginagawa ko 'to para sa magiging future ng Little Crying Princess ko. I promise na babalik ako at sa aking pagbabalik, sisiguraduhin kong you'll be my  future Mrs. Francisco. Kaya mag-aral ka sanang mabuti at magpakabait ka, okay!?. Im looking forward with that. I love you and I will love you for as long as my heart is beating and breathing. I promise to come back as soon as possible. I love you .

                        Your Prince, J.F💗💗💗

Pahabol My little princess, open the small rectangular box. Please take care of it like the way you treasured me in your heart. Always remember na iyan ang magiging simbolo ng totoong pagmamahal at pangako ko sayo.

Pagkatapos kong basahin ang nilalaman ng sulat ni Jerome sa akin, hindi ko alam kung paano ako nakatayo at nabalanse ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit na tila isang bombang nagpaguho sa buong pagakatao ko. Ang sakit sobra. Marahan kong itiniklop muli ang rosas na papel at pinahid ang mga luha sa aking mga mata.

Isang bagay lang ang pumasok sa utak ko at 'yun ay ang pangakong binitawan niya sa akin, na babalik siya. Babalik siya sa akin at itutuloy ang pagmamahalan namin. At 'yun lang ang panghahawakan ko hanggang sa muli naming pagkikita.

"I promise, My Prince" bulong ko sa 'king sarili habang yakap-yakap ang liham na mula kay Jerome.

My HeArTs Destination(MY first Love) #ThinkTaawardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon