Chapter 9: It's now time. (ILYBEST)

145 3 0
                                    

Chapter 9: It's now time

(a/n: It's now time! Ajujuju. Nakakaawa na talaga si Myra, naiiyak na ako para sakanya. HahaChos. Thanks po sa reads, votes at comments.

Nagupdate na pala po ako ng bagong cover photo. Haha. Tingnan nyo na lang po. Sadyang ganun kaitim si Myra sa imagination ko. XD Atsaka si Yoona  talaga yun, sobra ko lang pinaitim & super edited na  kaya parang hindi na si Yoona.Hehez. Paread nga po pala: Brick Red Lips . First one shot ko po. Read and discover the story ^^ Geh Byiie :*

Read.Vote.Comment <3 )

***

BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH

Ayaw kong makinig.. Ayaw kong makinig..

"Ayos na ba tong letter na ginawa ko? Blah blah blah blah"

"Hoy! Ayos na ba to? Blah blah blah blah "

"HOY BESTFRIEND! Sumagot ka nga. Kanina pa kitang tinatanong eh! Kanina ka pang tulala, ano bang nangyayari sayo? "

Tiningnan ko lang siya at saka tumingin ulit sa malayo.

Ayaw ko ng makinig, ayaw ko ng magsalita, ayaw ko ng makipag-usap. Puro Shinnael.. Shinnael.. Shinnael. Hindi na ba siya nagsasawa? Paulit-ulit na lang! Sawang-sawa na ako sa pangalang yan! Puro Shinnael na lang ang lumalabas sa bibig niya, nakakairita na!

Hindi ba pwedeng ako naman? Sabihin mo nga sakin, bakit ba kasi patay na patay ka sa babaeng yun? 

"Hoooy. Ayos ka lang ba? "

Biglang bumigat ang nararamdaman ko. Ayos ka lang ba? Yung totoo? Ayos nga lang ba ako? Sa sobrang sakit, sa sobrang sakit ng ginagawa mo sakin, ayos nga lang ba ako?

Okay. Ako na ang tanga. Ako na tong tangang baliw na baliw sayo. Letse! Bakit ba kasi ikaw pa?

***

"Saan ka galing? " Tanong ni Nally, seatmate kong walang kasing kwenta't walang kasing weirdo. Kaya walang lumalapit diyan eh, masyadong nakakairita.

Hindi ko na lang siya pinansin, masyado siyang makulit para kausapin ko. At saka  sa sobrang  badtrip ko ngayon, baka maipalamon ko lang sakanya itong librong hawak ko .

Dumiretso na ako sa paglalakad saka umupo sa tabi niya. Umub-ob agad ako para hindi na niya ako kausapin.

Bago pa man ako makatulog, bigla namang sumulpot si Mikey.

"Hoy bestfriend. Naibigay mo na ba? "

"Oo. " Hindi na ako nagatubiling tumingin sa kanya para sumagot.

" Nakita mo ba kung anong naging reaction niya? Masaya ba siya? O napangiti man lang ba siya? " Sunud-sunod niyang tanong. Tsk. Ni hindi ko nga siya inabangang makita yung letter ni Mikey, makita pa kayang ngumiti siya? Hay naku.

"Oo, masaya. "

Nagsinungaling na lang ako, alam ko naman kasing kapag Oo ang sinabi ko, matutuwa siya ng sobra.

At yun na nga, sobra nga siyang natuwa. Namula pa nga ang buong mukha niya, lalo pa nung biglang dumating si Shinnael.

"Girl, ayos ka lang ba? Mukhang hindi eh,  mahal mo siya no? "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you, BESTFRIEND :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon