*A/N: Dahil bored na bored ako ngayon, as in BORED, walang ibang magawa kaya napag isipan kong mag advance update. Ayiiieee. Advance kuno! Hahaha. Pero, yea maaga akong nag update para isang chapter nalang ma update ko, maybe next or next next week.
Kaya eto na! :)
Marian's POV
Isang linggo. Isang linggo na nya akong iniiwasan, di pinapansin, di kinakausap, di inaasar. Nakakapanibago, hindi ako sanay. Sabagay sino ba namang lalaki ang hindi magagalit pag sinipa mo yung pinakasensitive na part nila? Pero hindi parin ako sanay eh! At dahil nasa mood ako ngayon, ako ang unang kakausap sa kanya. Napapansin ko rin kasing loner sya madalas, wala siyang masyadong friends? Ewan! Baka trip nya ring hindi pansinin? Ay basta! Humanda sya mamaya! Kukulitin ko sya ng bonggang bongga!
Eto ako ngayon, kasalukuyang kumakain ng lunch sa canteen at wag ka! May nabingwit akong dalawang kaibigan, bakla at babae, bonus at magagandang lahi ang aking nabingwit. Isda lang? Hahaha. Kidding aside, one week pa nga lang kaming magkakilala ang gaan na ng loob ko sakanila, kumportable ako pag sila kasama ko. Mga mabubuting nilalang na bonus pa ng may magagandang mukha! OP nga ako sakanila eh. Huehue.
And speaking of friend yung friend kong ubod ng gwapo! Sino nga ba yun? Ah si Jeff! 1 week ding hindi sya nagparamdam, hmmmm? Baka busy lang? Okay. So much for that, let's eat na. Gutom nako. Hehe (^_^)V
"Wyndell John Eupeña, pahingi naman ako ng ulam mo ang sarap kasi tignan" sabi ko habang ngumunguya pero di naman marami ang laman ng bibig ko.
"Walang hiya ka talagang babae ka, tawagin ba naman sa buong pangalan? Jenny! Jenny is my name, okay?" Sabi nya sabay irap sakin habang inaabot yung ulam nyang masarap sa paningin. Hahaha
Ito namang katabi kong si Daphny, tinawanan lang kami? Tsk tsk. Malala na ito. Haha. Joke lang syempre. Daphny Clair Quijano is her name and for sure matutulala ka nalang sa ganda nya. Drop dead gorgeous nga ika nila. Hehe ^_^
Oo. Nagkasya na ata ang isang linggo upang makilala namin ang isa't isa at ngayo'y nilalait na rin namin ang bawat isa.
"Oy. Tignan mo si Kian oh! Loner na naman, samahan mo ng may maka-usap baka di magtatagal yan kakausapin na nya sarili nya, buti nang maagapan. Hahaha" sabi nitong baliw na si Jenny kuno. Balak ko na sanang tumayo at lapitan sa table nya pero naunahan ako.
"I guess, your late girl" sabi ni Jenny. Napatingin ako sakanya at binalik ko ang tingin ko kay Kian sa kabilang table.
Familiar sakin ang babaeng lumapit kay Kian, mukhang naging kaklase ko sya sa ibang subs. Ngayo'y nagtatawanan na sila, mamaya ko nalang siya kakausapin pagdating sa room. And I guess he's not a loner anymore. May kausap na sya.
*A/N: ayos ba? Huehue. Next chap POV naman ni Kian. Tignan natin kung anong mga kalokohan pinanggagawa nya nitong mga nagdaang araw na hindi sila nagpapansinan ni Marian.
At please, regaluhan nyo naman po ako ng kahit 5 votes lang. Pag nkakuha ako ng 5 votes within this week, mag u update agad ako. Advance Christmas gift nyo na sakin. Huehue :( *puppy eyes*
