Rain

16 4 1
                                    

Sa tuwing umuulan ay tumitingin nalang ako sa bintana, iniiwasan na maalala ang napakasakit na araw ng kahapon.

Alam ko, ako na emo. Ako na yung masyadong nagmamalalim na may pinaghuhugutan. Masakit na kasi, lalo lang yatang sumasakit kapag natatandaan ko ang mga binato niyang salita saakin.

"Pangit ka Anne, pangit yang ugali mong masyadong mapagmahal, pangit iyang nagpapakatanga ka sakin. Akala ko pa naman matalino ka. Pero anong ginawa mo? Nagsunod sunuran ka sa taong alam mong kahit kailan, ay hindi ka magugustuhan!"

Paulit ulit na bumabalik saaking isipan ang mga katagang sinabi mo, parang mga kutsilyo na bumaon sa likuran ko. Napakasakit na maisip na ikaw, ang taong mahal ko, ang taong pinagalayan ko ng buong buo, ang taong wumasak sa pagkatao ko.

Sana pinatay mo nalang ako.

Mas mapapadali pa sana nag proseso, hindi iyong unti unti mong dinidiinan iyong mga patalim na itinanim mo.

Iniwan mo ako.

Iniwan mo ako, Aaron. Sa pagtulo ng luha ko ay nakidalo ang ulan sa paghihinagpis na kasalanan mo.

Hindi ako ang may kasalanan nun! Kasi ako, nagmahal lang ako!

Walang masama doon, pero ikaw. Ikaw na pinagalayan ko, ni hindi mo ako pinasalamatan sa inalay kong pagmamahal sayo.

Hindi ka nagpasalamat, mas malala pa noon ay ang pagsalitaan moko ng mga salitang alam mong babaon sa utak ko.

Mensaheng may dalang kalbaryo sa buhay ko.

Lumakas lalo ang bugso ng damdamin ko, nanlalabo na ang paningin kong pinahiran ang mga tubig na galing sa aking mata.

Sa harap ng lahat, nagawa mo akong sigawan at sampalin ng katotohanang wala ako sayo.

Sa ulanan, kung saan basang basa na ako, habang pinapayungan ka. Nagawa mo pa akong ipahiya, nagawa mong ipahiya iyong pagkatao ko. Na walang ibang nais kundi mahalin ka.

Hindi kita sinisi noon,hindi ako nanghingi ng kapalit. Hindi ako nainis nang hindi mo ako pinapansin, hindi ako nagalit nang titigan mo ako ng malamig.

Pero sumobra kana, iniyakan kita sa harap ng mga tao na tinawanan lang ang alay ko sayo.

Hindi ako nagulat sa reaksyon nila,dahil ikaw ngang pinagalayan ko ay walang pakialam sa ibinibigay ko, sila pa kaya?

Pinagtawanan, tinukso, inasar, ipinahiya, ilang beses kong naranasan pero wala ka para ipagtanggol ako.

Bakit nga ba kita hinahanap? Hindi naman ako sayo, at hindi ka naman akin.

Kaya ko na siguro to? Nakaya ko ng wala ka at kakayanin ko kasi kahit kailan hindi ka naman naging akin.

Pero ito ang tandaan mo, itong taong ito ay hindi maghahanap ng paghihiganti, hahayaan ko nalang na ang sarili mong kayabangan at kahambugan ang gumanti sa sarili mo.

Mahal parin kita, pero kung yang pagmamahal na yan ay sakit at pighati lang ang maidudulot saakin,wag nalang.

Hihintayin ko nalang tumila ang ulan sa mundo ko,hanggang sa makamove on na ako sayo. Hanggang sa makita ko na ang bahaghari ng buhay ko.

At kapag tumirik na ang araw at nasinagan na ako, saka ko malalaman na nagising na pala ako sa katotohanan na hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sayo.

Balang araw masasabi ko rin sayo ang panig ko, na ang pangit mo, ang pangit pangit ng pagkatao mo para sirain mo ang pagkatao mo. Ang sandigan na itinayo ko para sayo.

Paalam na, siguro kung may mamimiss man ako ay hindi ikaw yun. Wala na akong balak pagluksaan ang taong walang pakialam.

Paalam na ulan, sa susunod muli nating pagkikita, at sana pag nakita uli kita ay masaya na ako. Masayang naglalaro sa mga paanan mo,kasama ang taong mahal ko, at mahal rin ako.

__________________________________

I hope you like it ^_^

Plagiarism is a crime and is against the law.

Nadala nako sa mga manggagaya so please lang.

Napaidalang na ang update ko dito but if you want more. Vote. Comment.

Short HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon