Chapter 3 : Babysitter

11.4K 375 18
                                    

Voices echoed Giana as she lay on the floor. Wala siyang ideya kung gaano na siya katagal na nakahiga roon, dahil hindi naman niya magawang buksan ang mga mata. Minamalas na naman yata siya. Kotang-kota na talaga siya sa kamalasan sa araw na to. Kung hindi siya tatapunan ng beer, papaluin naman siya sa ulo at hanggang ngayon matindi pa rin ang pagkirot ng ulo niya.

The voices grew louder. Ang isang tinig ay high-pitched, ang isa naman ay baritono at kalmado lang.

"Yeah! Dino's here! Dino's here!" sigaw ng boses bata.

"Alam ko Aedan, nakita ko rin siya. Go, maglaro kayo ni Dino sa playroom mo."

"Watch Magascar?"

"No, its Madagascar. Pero wag ka nalang manood ng DVD, gumawa nalang kayo ng picnic ni Dino para satin."

Picnic?

Something about this didn't make sense, pero wala siya sa kakayahan ngayon na mag-analisa sa mga bagay-bagay. She heard the sound of retreating footsteps and started to open her eyes. Dahan-dahan naman niyang idinilat ang mga mata kaya lang nasisilawan siya. Naramdaman din niyang may marahang humaplos sa pisngi niya.

"Naririnig mo ba ako? Wag kang mag-alala magiging okay ka rin." sabi ng isang baritonong boses. "Alam kong masakit. Pero wag ka munang gumalaw. Paparating na ang mga police at ambulansya."

"Hindi." at tuloyan na ngang idinilat ni Giana ang mga mata. "Hindi ko kailangan ang ambulansya. Kaya wag mo ng ipilit dahil matigas ang ulo ko."

Then there was a faint chuckle, a low, sexy sound.

Sigurado siyang okay lang ang kalagayan niya dahil tinawanan lang naman siya ng mokong.

"Salamat sa warning, pero kailangan ka pa rin matingnan ng medics."

Nang luminaw ang paningin niya, pares ng magagandang mata ang matalim na nakatitig sa kanya na parang nakakailang.

Kung kaya't pinikit na lamang niya ulit ang mga mata. "Ikaw ba si Andress?" She tried peeking out of one half-closed lid.

Napatango naman ito. "Magkamukha nga kayo ng kapatid mo." tas inangat nito ang isang ice bag. "Ilagay natin to sa ulo mo ha? At gusto ko rin malaman kung anong nangyari sayo."

She took a deep breath when the ice touched her face. Nagsimula na rin siyang magkwento kay Andress kung pano siya nakapasok gamit ang spare key at ang natuklasan niyang pag ransacked sa kwarto ng ate niya, hanggang sa may biglang pumalo sa kanyang ulo dahilan sa pagkawala ng kanyang malay.

Walang kakurap-kurap naman siyang tinitigan ni Andress. "Hindi masyadong binigyan ng halaga ng mga pulis ang pagkawala ni Ara, but now I think they will."

Nang may kumatok sa pintuan, agad naman na binuksan ito ni Andress. Dumating na nga ang mga pulis at paramedics.

Matapos ang ilang sandali, halos ilang beses na paulit-ulit na tinanong si Giana tungkol sa nangyari sa kanya. The paramedics examined her also and suggested that she go to the hospital to get checked up, pero tumanggi si Giana.

The young paramedic was making one last plea to get her to the hospital when Andress spoke up. "Sasama nalang siya sa'kin sa bahay."

"What?" gulat na tanong niya.

"Yes po, Ma'am," sabi sa kanya ng babaeng paramedic na sumang-ayon rin kay Andress. "Kung magsusuka po siya sir, dalhin niyo kaagad si Ma'am sa pinakamalapit na hospital whether she wants to go or not."

"No problem." sang-ayon rin ni Andress.

"Teka lang." aniya at hinarap ang lalaki. "What do you mean I'm going to your house? Hindi mo na kami kargo ni Aedan, Mister. You've done more than enough."

Tough Hunks Series (2) Andress : The DauntlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon