Ano bang ginagawa nila sa bahay na ito?
Lalong sumasakit ang ulo ni Giana sa kakaisip. Hanggang sa mga oras na yon kasi ay hindi pa niya matanggap na nawawala ang kapatid niya.
Pero teka lang..ba't amoy sunog?
One glance toward the kitchen told the story. May niluto nga itong nasusunog na ipinatong lamang sa hapag-kainan. Tsk, hindi ba marunong magluto ang lalaking iyon? kaloka. But she wanted to know more about the man she and her nephew were suddenly become their guardian. Kailangan muna niyang pakisamahan ang lalaking iyon.
Kung ipinagkatiwala nga ng ate Ara niya si Aedan kay Andress, siguro ganon na rin ang gagawin niya.
Naglibot-libot na lamang siya sa sala nito at sinuri ang lugar. Napansin niya na Spartan ang gamit na furnishing nito sa bahay at na impressed din siya sa malaking bookshelves nito. Kung ganon mahilig pala ito sa libro, sa isip niya.
Then she saw a framed photographs. Isang babae na bitbit ang maliit na bata ang nasa larawan. Naisip naman ni Giana na baka si Andress yan na maliit pa at ang mama nito. Sa katabi naman nitong larawan ay puro nagwagwapohang naka camouflage na may tig-iisang naka sling na riffles. Wow mga hot fafas. At nasa gitna ng mga ito si Andress na sobrang hot din sa suot nitong uniform. Ang isa pang larawan na nakita niya ay isang wedding picture, at base sa nakikita niya walong lalaki sila including the groom at ang bride nito. Sila kaya ang mga close friends ng mokong? Parang sila rin kasi ang mga kasama nito sa ibang larawan na naka camouflage. Hmm..parang pamilyar rin sa kanya ang bride.
Tama! Siya si Dra. Palma, klasmet ng ate niya sa med school. Kaibigan pala ni Andress ang napangasawa ng genius na doctora? In fairness, gwapo rin pala ang napangasawa ni Dra. Palma na parang bida sa Arrow. Pero mas pak ganern itong si Andress Bonifacio, mukha kasi itong si Sean Farris. At dahil nga sa kakatitig niya sa mga gwapong mukha sa larawan kaya di na niya namalayan ang pagsingot sa mabalahibong aso sa kanyang paa. At dahil sa gulat bigla nalang siyang napatalon sa kanyang kinatatayuan na para bang nakakita ng ahas.
Nasapo niya tuloy ang dibdib at napatawa na lamang siya sa sarili. "Hello sweetie, sorry hindi kita namalayan at muntik pa kitang maapakan." aniya sa cute na aso.
Hinaplos-haplos niya ang balahibo ng aso na parang gigil na gigil. Parang ambilis nga lang niya napaamo ito. Pero bigla nalang nangingilid ang mga luha niya sa mga mata. Naalala kasi niya ang inalagaang aso nila noon ng kanyang ate. Tuloy na mi-miss niya si Ara. At kung nasaan na kaya ang ate niya?
Dali-dali naman siyang naghanap ng tisyu sa kanyang bag bago pa siya maabotan ni Andress na umiiyak. Pero imbis na tisyu ang makita niya, yong nakuha niyang sealed envelope sa kwarto ni Aedan ang nakuha niya mula sa loob ng kanyang bag.
Ang nakasulat sa envelope ay pangalan ng lawyer at associates nito. Pero bakit naman kailangan ng abogado ang kapatid niya? Eh matagal ng annul sila ng asawa nito. Ang walang hiyang asawa kasi nito may unang asawa pala. Naloko talaga ang ate niya. Pero kahit may nakasulat na private and confidential sa envelope, na te-temp pa rin si Giana na buksan ang laman nito.
Dear Dra. Siason:
Thank you for coming to see me last week and for sharing me your preliminary research. Your review of the scientific aspect of our case was enlightening.
If you would testify at trial, I would consider it a personal favor. Your expertise with the material would prove invaluable for our case.
Please let me know when the final documentation we discussed is ready. My secretary, Kathy Banas, will pick it up.
As you know, we expect this case to set a precedent, and I can't stress enough the importance of confidentiality. Please do not disclose the facts of your research to anyone. I look forward to working together. Feel free to call me at home if you have any questions or concerns.
Best regards,
Wally Suliman
Binasa ulit ni Giana ang sulat, dahil hindi talaga niya maintindihan ang ipinahiwatig sa sulat.
"Anong ginagawa mo?"
Bigla namang nagunlantang si Giana sa boses ni Andress. "God, you scared me." tas napahugot siya ng malalim na hininga.
"Ano yan?" tanong nito.
Ganern? Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa kanyang pagkagulantang.
"I'm not sure. Sa tingin ko galing ang sulat na to sa abogado ni Ara." aniya tas inabot ang sulat kay Andress. Binasa naman ito kaagad ng lalaki.
Matapos basahin ni Andress ang sulat napatitig ito sa kanya.
"Ano kaya ang ipinahihiwatig ng sulat na iyan?" tanong niya.
"Wala akong ideya. Pero mukhang may gustong tumestigo si Ara. Sa tingin ko kailangan nating tawagan ang abogado na yan, to see if he'll tell us what's going on."
"Naniniwala ka bang may kinalaam ito sa pagkawala ni ate Ara?"
"Sa puntong ito, Oo. Anything and everything could possibly be related to her disappearance." ika ni Andress at dinayal nito ang kanyang cellphone. He held the phone and stared at the letter.
Damn it, nangingialam na naman ang lalaking ito.
"Teka lang, Mister." pigil niya sa lalaki.
He stopped and glanced up at her again. "Bakit mo ba ako pinipigilan?"
"Hindi naman sa pinipigilan kita, pwede bang dahan-dahan muna."
Walang kakurap-kurap naman siyang tinitigan ni Andress, nako-conscious tuloy siya.
"I may sound bitchy and ridiculous at this point, pero nangingialam ka na sa buhay namin, Mister."
Napabuntong-hininga ito. "Tama ka."
Panandaliang hindi umimik si Andress, at don siya nakahinga ng maluwag. Hanggang sa nagsalita ulit ito. "Tama ka, you are being ridiculous. Naintindihan ko, marahil pagod ka at masakit ang ulo mo. You're not in any shape to do this. Mas mabuti pang matulog ka nalang. Tomorrow I'm sure it will be a different story. Basta ngayong gabi tatawagan ko si Wally Sulliman."
Sa halip na sawayin niya ang sinasabi ni Andress, kinagat na lamang niya ang pang ibabang labi upang hindi niya tuloyang masinghalan ang pakialamerong lalaki.
What was wrong with her? Eh tumulong lang naman ito sa kanya, sabi ng kabilang bahagi ng kanyang utak.
Napasandal na lamang siya sa sofa habang nakatitig sa kisame. Refusing to look at Andress when he made the phone call, she studied the ceiling fan instead, listening as he explained who he was and why he was calling.
"I'm sorry to hear that. When did it happen?" anito sa kausap na di tumitingin sa kanya. "I'd like to talk with you in person if possible." He paused. "No, I understand. What time does it start? Where is that? All right. I understand. I'll be there. I promise I won't keep you long."
Nakikinig lang naman si Giana sa pakikipag-usap ni Andress sa cellphone. Hindi na lamang siya umimik pa.
"Thank you. We'll see you in the morning. Good night." anito tas ibinaba na nito ang cellphone.
"Ano na ang sinabi niya?" She stared at him expectantly. "Did Sulliman have any idea what might have happened?"
Pero hindi niya talaga mabasa ang mukha ni Andress.
"Wala. Dahil Patay na si Wally Sulliman."
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/83245699-288-k633968.jpg)
BINABASA MO ANG
Tough Hunks Series (2) Andress : The Dauntless
AcciónIsang matapang na katipunero kung tawagin si Andress Damazo. Ngunit magsilbi kaya ang angking katapangan nito kung mababahag naman ang kanyang buntot pagdating sa babae. At dahil nga sa mapaglarong palad, naging instant guardian siya sa isang seksin...