2ND Story.

89 5 4
                                    

( Anne's POV )

"Napakaepal mo talagang pandak ka!!! Konti nalang...SASAPAKIN NA KITA!!!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa ang loko.

"Hahahahahahahaha...Ang cute mo talaga mainis...Makapagsabi ka ng PANDAK ah... Tumangkad ka lang ng 2 cm sakin ganyan ka na... BAKULAW KA LANG EH~~~ At tsaka mas mayaman ako sayo~~~" Sigaw nya pabalik sakin.

"Talagang mas mayaman ka! Eh ang tanda mo na... marami ka nang napagdaanan na trabaho!" Sigaw ko.

"Aba...sumasagot ka na ah... Bakulaw ka lang eh~~~ Bakulaw si Anne~ Bakulaw si Anne~" Sabi nya.

Nagiinit na talaga ulo ko sa PANDAK na'to ah.

Hinubad ko ang sapatos ko at inihagis sa kanya.

Nakailag sya. Tsk.

Nilapitan ko sya at kinuha ang sapatos ko sa gilid nya.

Isinuot ko nalang ulit yon.

"Nakakainis ka talaga kahit kailan.....Bat ba simula nung umamin ako sayo na 'MAHAL' kita... Naging ganyan ka na? Tsk. Alam ko na... Ginagawa mo ito para HINDI na kita mahalin... Wag ka mag-alala.....malapit ka nang magtagumpay... Napakatanga ko kasi at ikaw pa 'MINAHAL' ko..." Sabi ko. 

Tinalikuran ko na sya at kasabay yon ng pagpatak ng luha ko.

Ang tanga ko noh... Sa dinami dami ng taong pwede kong mahalin...

Sya pa napili ko...

Bat ba kasi di nya ako kayang mahalin?

Maganda naman ako ah...

Sexy din naman ako... Mayaman din naman ako...

Ang totoo nyan... Matagal ko na syang mahal... Halos 5 taon na...

Ang tagal na noh...

Alam ko naman kung bakit ayaw nya sakin eh...

Mahal nya parin kasi ate ko...which is... 5 taon nang patay.

Ang tanga ko talaga noh...

Boy friend ng ate ko...

Minahal ko...

San ka ba naman nakakita nang ganyang kapatid diba...

Hay...Bat ikaw pa kasi Suho???

Sana si Sehun nalang minahal ko...

Isang buwan na ang lumipas... 

Ang bilis talaga ng araw noh...

Parang kanina lang... 173 cm height ko...

Ngayon...175 cm na....

Hay...natangkaran ko na talaga si Suho...

Tsk. Di kasi naniwala kay Ate Kath na uminom lagi ng gatas...

Mas matangkad din kasi sa kanya si Ate Kath ko ng 2 cm eh.

Isang buwan na din pala simula nung huling kita ko kay Suho...

Hay... ano pa bang magagawa ko kung ayaw nya sakin diba...

Alangan naman pilitin ko sarili ko sa kanya diba...

Dapat ko na nga siguro syang kalimutan.

Bigla akong nakatanggap ng text .

Kay Suho  galing.

Nga pala... Si Sehun at Suho magkapatid.

From: Suho.

Oy...Ikaw...kung sino ka man...Hawak ko ngayon si Suho... Kung gusto mo pa syang makitang buhay...Pumunta ka dito sa bahay nila.

EXO One Shots.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon