3RD Story

78 4 2
                                    

(Demie’s POV)

“Demie… Di ka pa ba uuwi? &pm na oh…” Sabi ni Anne sakin. Kaklase ko sya. Iniintay ko pa kasi si Lay eh…

Maykukunin pa akong gamit sa kanya…

“Hindi pa eh… Iniintay ko kasi si Lay… May kukunin pa ako sa kanya… Importante kasi yon… Kailangan ko talaga makuha sa kanya yon ngayon…” Sabi ko. Ngumiti si Anne.

“Sige… Ingat ka ditto… Baka may mumu ditto… Hala ka Demie….. Hahahahahahahahaha~” Sabi nya.

“Sira ka talaga Anne… Lumayas ka na nga dito… Puntahan mo na yang pandak mong ‘SOON TO BE HUSBAND’ mo…” Sabi ko.

“Di sya pandak!!! Matangkad lang talaga ako… Tsk. Sabi ko kasi sayo iba nalang mahalin mo eh… Wag na yang MAKAKALIMUTIN na yan…” Sabi nya.

“Ewan ko ba… Sa dinami dami ng taong pwede kong mahalin…SYA pa napili ko… Hay… Ang saklap lang… Di nya kayang ibalik ang pagmamahal ko sa kanya… “ Sabi ko.

“Ay anak ng DYOSA AKO! 7:10 na!!! Lagot ako kay Suho ne’to… Tsk. Aalis na talaga ako… Seryoso na… Bye Demie…” Sabi nya.

“Hahahahahaha~~~ Bye~~~” Sabi ko.

Aish... Asan na ba kasi yon?

Kanina ko pa yon hinahanap ah…

Magdadalawang oras na ako sa kakahanap at kakaintay sa kanya…

Baka naman nakalimutan na nya din papunta dito sa classroom namin…

Nakakainis talaga yung unicorn na yon…

Kung di ko lang talaga sya mahal

Matagal ko na yon sinukuan…

Aish! Sobra naman kasi ang pagiging makakalimutin nya…

Painumin ko kaya yon ng memory plus… Baka sakaling mawala ang memory gap nya…

Mga 30 minutes na ang nakalipas nang nakita ko syang parating.

Linapitan ko agad sya.

“Anak naman ng tokwa Lay!!! Halos 2 oras akong nagiintay ditto sayo…” Sabi ko. Tinignan nya lang ako atsaka naglakad papasok ng classroom at naupo sa isang upuan.

Anong problema non?

Ako nga ‘tong halos dalawang oras nag-intay sa kanya tapos sya pa galit?!

Linapitan ko sya.

“Oy… Ano bang problema mo? Atsaka… asan na yung kwintas ko na hiniram mo? Kailangan na kailangan ko yun…” Sabi ko. Tinignan nya ako.

“May hiniram ba akong kwintas? Wala akong maalalang kwintas eh… Papalitan ko nalang…” Sabi nya.

“Ano?!? Di mo alam kung nasaan?!? Lahat nalang ba ng bagay na hihiramin mo sakin kakalimutan mo?!? Hinayaan ko na nga lang yung ibang gamit ko sayo eh… Pati ba naman yung kwintas ko na yon??? Di mo ba alam kung gaano yon kahalaga saakin?!?” Sabi ko.

Bigla sya tumayo at hinampas ang upuan.

“Kasalanan ko pa ngayon ha?!? Alam mo bang ang hirap magkaroon ng sakin na ganito? Na yung mga bagay na gusto mo maalala ay hindi mo maalala?!? Bakit?!? Gaano ba kaimportante yang lintik na kwintas na yan? Kasing mahal ba yan ng diamante na nawala ko? Demie!!! Kung mahalaga yon sayo edi sana di mo pinahiram sakin kung labag lang din sa kalooban mo at alam mo na naman na may sakit ako na ganito diba…”  Sabi nya. Biglang tumulo luha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO One Shots.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon