Ang Mahiwagang Mensahe

19 2 0
                                    

(Ron’s POV)

It’s the first night of the week, at heto ako naghahike sa gitna ng daan este gilid ng daan habang nakatungo.

As usual, gabi na naman ako nakauwi. May lahi siguro akong bampira at panggabi ang working hours ko.

Ahay.. I took a deep long sigh. Lungkot na lungkot ako.

Ba't ba kasi ganun, ba't ngayon pa kung kalian kailangang-kailangan ko sya?

I stopped for awhile. Nag-iisip ng malalim. Hinga na nman ng pagkahaba-haba. Nag-iisip ako.. isip-isip.. pero wala parin e.

"Beeeeeeeeep!"

“Ay toothbrush ko! Hoy plano mo ba akong sagasaan?!” Bulyaw ko don sa pedicab na muntik nakong mabangga.

“Bakit plano mo bang magpakamatay?! Bat di mo tinitingnan ang dinadaanan mo!”
Pabulyaw naman na sagot ng mama.

Aba! muntikan na ako mabangga ng pedicab na to, ito pang may ganang manumbat!

“Anong tingin mo sakin walang mata?! Nasa gilid na nga ako ng daan, gigilidin mo pa akong disgrasyahin!”

“Hindi, hindi gusto mo sa gitna?” Sabay ratsada palayo nung pedicab.

Vice Ganda? “Anung sabi mo? Hoy! Bumalik ka dito! Kala mo kung sino di naman kagandahan ang pedicab!”

Buti sana kung Montero or HiLux makabangga sakin, sakto ang pangcompensate e kung pedicab lang, naku gutay ka na ngang gulay, sa kangkong ka pa mahospitalize. Saka dapat pag mamatay ako sa daan, take a pose muna like Lady Gaga para may art. :D

Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Akala siguro ng mga nito baliw na ako.

I got home na in one of my impermanent house. Ganito ako kayaman, maraming house. Lapit na nga ako makagraduate ng NPA eh. Always No-Permanent-Address.

Napansin kong may nakadikit sa gate naming placard saying, “BEDSPACER FOR RENT”. Ah well, di na ako magtataka.

Kakaalis lang kasi nung isang housemate naming bakla, something like gipaalis kasi ng may-ari kasi kung sino-sino ang pinapapunta sa bahay.

After I close the gate, diretso na ako sa bedroom namin nung bestfriend ko at the same time, classmate ko.

Actually sa tito nila itong dormitory and her brother is the OIC.

May apat na kwarto with 2 bedspace in one double deck. Ang isang kwarto, para sa manager where kami ni Anne ang nakaoccupy. Ang pangalawang kwarto ang kapatid lang ng bestfreind ko pero wala pang naligaw na magrent sa upper deck ng double deck nito. While the third room may tao na din. Ang pang-apat lang for the mean time ang wala pang tao.

At ako, nakikiwork lang ako dito as Royal Palamunin. Libre lahat dahil classmate-slash-bestfriend ko kasi ang pamangkin ng may-ari. Haha

Ganito sila kabait sakin, kaya nga mahal na mahal ko sila eh.

"Tagal mo, kumukulog kaya sa labas. Buti di ka tinamaan." Sabi nung bestfriend kong si Anne na ewan anong ginagawa sa CR baka nanghaharvest siguro ng farmville. ; )

"E di wow, I will twerk it like Miley! Haha" sagot ko naman.

Ewan anong meron sa kantang to at napakasikat. Ni mga bata kung makatwerk parang kinukuryente.

I lay on our bed diretso pindot sa tab ko, I'm dreaming of becoming a writer someday pero as if nman may potential ang lola nyo. 

Wala lang, nagising lang ako one time at narealized kong gumawa ng nobela.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Antagonist HousemateWhere stories live. Discover now