(Ron’s POV)"Oh my effing vampires! 6:40 na! May masakyan paba ako?"
Nagmamadaling patakbo-lakad ko sa terminal namin.
Ganito ako lagi, pag nagnenet nakakalimutan ang oras. ganito siguro ang addict sa computer at internet. Sinasabing 30 minutes lang then magiging 1 hour. Add lang ng add hanggang sa na netbabad na. Mas masaklap pag open time pa.
Narehab naman ako (take note: di ako nagdudrugs ah) Rehab as in unti-unting nkakarecover during the time when I started going to college kaso pag nagreresearch ayon bumabalik sa pagiging addict.
"Miss, Tuca ka?" Tanong nung driver ng cab. Tuca tawag sa place namin, also part of Marawi City.
Supposedly pag weekdays, I’m residing sa dorm ng bestfriend ko. Since it is Thursday, I need to go home sa original residence ko para na rin manghingi ng tumataginting na allowance.
Tiningnan ko si Manong then don sa multicab na walang katao-tao. I became suspicious, hindi naman sa pagmamayabang pero may hitsura din ako noh, pero sa gabi nga lang! Haha dahil lahat ng tao gumaganda pag gabi.
"Opo" tapos sumakay na ako. Di na ako nagsalita.
I plugged in my earphones, sabay sa kanta ng Breaking Benjamin. Quarter to 7pm na, wla pa rin akong kasama sa cab na ‘to. Ok lang atleast secured na may nasakyan ako.
I was looking at the city's lights when I saw another passenger in my peripheral vision. I didn't bother to look since I was busy humming. I decreased the volume when I heard someone was singing along with me.
"I will try to find myself in the diary of jane.. so..tell me how it shoud be.."
Well, infairness ganda ng boses ah.. matingnan nga..
I simply stole a look, sakto namang nagshift ang music sa kanta ng Orange & Lemon's Abot-Kamay, nakashuffle kasi.
'Nakaw-tingin..
Sumasabay sa hangin..'..I couldn’t exactly see his facial features, kahit mata nito di ko makita kasi madilim sa loob ng sasakyan. Nakahood pa ito. Pero I know he has straight nose and that lips.
'Sabihin mo sakin.. anong kailangan kong gawin..'
He's got the lips, the lips I’m looking for a man. Thin on the upper where if one smile, mas numinipis pa showing perfect teeth.
'Upang malapitan..mamasdan at mahawakan..'
...taglay mong kagandahan..'Napansin atang nakatingin ako then he turned to me. I could really feel that he raised one eyebrow as if to ask the question, ‘What?’
Toink, caught on the act ako. “Hehe wala, Tuca ka rin? Sa tingin mo wala na sigurong darating noh?” Tanong ko sa kanya. Duh, what a stupid thing to ask! Malamang taga-Tuca yan, sa Tuca cab kaya nakasakay!
At ang nakakahiya pa, di talaga sumagot ang mokong. I swear he just stared straight into me.
Syempre nahiya naman ang lola nyo, and gave him a brief smile at parang walang narinig o nakita, he turned his head on the other side.
Duh, cute ka nga, suplado naman. No, minus the cute, suplado lang! I thought to myself.
More minutes passed, wala paring dumarating.
I'm beginning to worry na. Worry because baka magbago isip ni Manong Driver at di na magtrip pauwi, wala pa nman akong matulugan nito. Worry na baka makapakyaw ako ng motor at mawala pa ang tinatago-tago kong limampung piso. Haha student ako kaya dapat magkuripot.
"Naku, panu bayan kahit panggasolina man lang di mabawi. kung sana may magpakyaw, e di pwede ng lumarga."
Parinig nman nung driver.Di na ako umimik, buti nakaheadset ako kunwari wala akong narinig.
After a sec of ten, may kumalabit sa isang headset ko. Si Manong pala.
"Miss, tag 30 pamasahe nyo ah, para may panggasolina ako."
Bigla akong nakaramdam ng inis, binuwisit na nga ako sa headset ko, itetriple pa pmasahe ko. Aba, abuso nato ah!
"Aba manong, problema na po ninyo yun, di nman po pwede kami hugutan nyo ng panggasolina ng trak nyo." Sabi ko ng naiinis.
"Oo nga miss, pero aabutin tayo dito ng siyam-siyam kung di nyo papakyawin."
Depensa naman ni manong."Eh kaya nga nagterminal ako para makatipid e, tapos papakyawin pa namin, anu kami si Coco?!"
Hindi po si Coco Martin kundi si Coco na nagpayaman ng mga tao sa Marawi sa taong 2012.
"Kuripot mo naman miss!"
"Natural! Estudyante ako eh!" Astig talaga tong si manong ayaw paawat.
Di na ako nagsalita, kunwari busy ako makinig ng music sa C2 phone ko.
After that, narinig ko na lang biglang nagsalita si Suplado.
"Manong, ito po 50. Larga na tau."
"Sakto! May panggasolina na!" Excited namang kinuha ni manong ang limampung piso, diretso pasok sa driver seat.
"hmmp, may pera pala di pa nagbigay kanina!"
"You’re saying something?"
English talaga kung magtanong ha? Show-off!
"Wala, bakit?" Then I glared at him.
The cold air was brushing against my face, sabay hawak ng jacket ko. I glanced at my company, mukhang wala lang sa kanya ang ginaw. Syempre nakahood e.
I noticed matangkad siguro ito, since nakastretch ang dalawang paa habang nakasandal. Maappreciate ko talaga to kung hindi lang suplado.
Aynaku life parang buhay.
~passenger seats playing~
Lapit nako sa amin pero di pa pumapara ang isang to. Maybe taga upper sya.
Papara na sana ako but I forgot di pa pla ako nakakabigay ng pamasahe. Baka sabihin ni manong, nangutong pako.
"Manong, bayad at pakipara na jan sa may crossing." Sabay abot nung 8 pesos ko.
"Sige sa uulitin, Miss Kuripot.” Sinabayan pa ng tawa ni Manong Driver.
Huh? Ano daw Miss Kuripot? And I heard a scoff behind my back. I was slightly embarrassed.
Suddenly I felt irritated. Ba’t naman ako mahihiya! Porke may nagbigay lang ng 50, pinahiya na 8 pesos ko?
Sa sobrang inis ko imbes na ibigay ko ang pamasahe ko sa nakaabot na kamay nung driver, I just put it on my seat at bumaba na.
Bahala na siyang kumuha nun! Haha
I didn't look back kaya di ko rin nakita ang dalawang matang nakatingin sakin.