Chapter 41

2.9K 66 1
                                    


Chapter 41

Kinabukasan.. kinukulit ako ng lahat about dun sa debate.. sinabi ko na lang na wala lang yun.. nadala lang ako.. gawa sa yabang ni Aidan.. pero ayaw akong pakawalan ng dalawa kong kaibigan..

Si Jhas at si Kristel..

Magkakasama kami ngayon sa starbucks.. nagtataka kayo kung bakit kami nandito? well.. nanalo lang naman ng gift certificate si manang kristel dito.. at nagkataon naman na halos pareparehas kami ng sked ngayong araw.. tapos naging half-day pa kasi yung prof namin ng 2 subjects.. parehas wala.. yung iba.. hindi namin kaklase.. kaya kami lang ang nabiyayaan ng grasya..

"Natakot talaga ako sa inyo kahapon" panimula ni Kristel
"sa amin?"
"oo..parang hindi talaga kayo magpapatalo sa bawat isa" si jhas
"eh?"
"oo.. kung hindi pa nag-bell siguradong mas matindi pa ang mga sinabi nyo"
"TAMA si kristel! grabe.. personalan ba ang drama nyo?"
"personalan? hindi ah"
"LOKOHIN MO ANG LELONG MONG PANOT!" sabay nilang sabi
"easy!"sabi ko
"pero hindi nga.. based sa love story nyong dalawa.. bawat statements nyo.. mukhang panama nyo sa bawat isa" sabi ni jhas

Panama?? Slight??

"ewan ko"
"oo.. para ngang gusto mong ipamukha sa kanya na ginamit ka lang nya"
"na tingin ko naman ay hindi"

napatingin ako kay jhas

"paanong-"
"Iexsha.. wala man akong masyadong alam sa love at hindi ko man masyadong kakilala yang si Aidan.. pero simula umpisa, hanggang ngayon.. pinanindigan naman nya na xa ang knight in shining armor mo"

Ngumiti ako.. Tama naman xa

"oo.. aaminin ko.. magkalayo man kami.. masaktan man ako.. iba man ang pinili nya.. xa pa rin ang knight ko.."

parehas na silang ngumiti

"-pero.. I'm not his princess.. I'm just his angel"

Sabay silang kumunot ang mga noo

Nakatingin ako sa labas, "ako si Tinkerbelle (sp?).. xa ang Peterpan ko.. at si Sydney.. ang Wendy nya.. Kahit anong tulong ang gawin ni Tinkerbelle.. sa puso nya.. Si Wendy pa rin"

"hindi ka namin magets"
"simula kahapon.. narealize ko.. bawat sinasabi nya.. parang sampal sa pagmumukha ko.. kahit anong salita pa ang lumabas sa bibig nya.. alam ko na kahit hindi nya sinasadya.. personalan na.. yun lang ang tingin nya sa akin.."
"hindi naman siguro"

pumikit ako "friendship lang talaga ang kaya nyang i-offer sa akin at tatanggapin ko na yun buong-buo kung hanggang friends lang talaga kami.. ako na mismo ang gagawa ng paraan para maging ganun lang ang lahat"

"pero.. hindi mo ba narinig yung isa nyang sinabi?" tanong ni kristel
"alin?"

"pare-parehas kayong mga babae! Lagi kayong close-minded.. lagi nyong iniisip na kayo.. KAYO lang ang nasasaktan.. na kayo lang ang nahihirapan.. tapos.. maninisi kayo.. kapag nawala sa inyo.. ang taong mahal nyo??? Ba't di nyo maamin na.. Hindi nyo kami pinaglaban ng tama? You always think that gusto naming kayong second best lang.. bakit ayaw nyong ipaglaban kami??"
"gusto nya na ipaglaban mo xa..Iexsha..gusto nya sabihin sayo na hindi ka second best.."
"tama si Kristel.. Iexsha..ipaglaban mo xa.."

ipaglaban?Naloloko na ba kayo?

"ang isang anghel.. mas gusto nyang manatiling gabay ng taong binabantayan nya kaysa manatili sa tabi ng taong iyon"
"ayan ka na naman sa mga ganyan mo!"
"seriously! Sa ikatatahimik ng lahat..gusto ko..ganito na lang ang set-up namin..andyan ako kapag nangangailangan xa..pero as friend na lang.."
"kaya mo?"
"kakayanin ko..just to make him smile.."

napabuntong-hininga na lang sila

"Iexsha..hindi ko alam kung matutuwa ako o maasar dyan sa mga desisyon mo.." sabi ni kristel
"oo nga..sa tingin mo ba..gusto nya ang gagawin mo?Tandaan mo..gusto nya na ipaglaban mo xa!"
"ewan ko..isa lang ang masasabi ko..ipaglalaban ko lang xa.. kung sabay xang makikipaglaban.. sawang-sawa na akong mag-isang nakikipaglaban"

niyakap nila akong parehas

"wag na kayong mag-alala..nangangako ako kung kailangan na talagang makipaglaban
at nandyan na xa..ireresume natin ang laban..pero hangga't wala pa yun.. the angel will be his guide.. not his companion"

Oo.. Kahit hindi nya ako nakikita..andito lang ako.. Hindi man ako ang kasama nya.. ang katabi nya.. hindi ko naman xa iiwan.. kahit sa.. Malayuan lang..

Spaces To Fill Book 2: Struggle For Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon