Aksidente

27 2 0
                                    


••Ikang's POV••

Iminulat ko ang mga mata ko, bakit parang ang sama ng pakiramdam ko. Tumayo ako sa pag kakahiga at inayos ang higaan.

Ipinikit ko muli ang mga mata ko "GOOD MORNING PO AMA! salamat po sa panibagong araw na ibinigay niyo sa'kin nawa'y gabayan niyo po ako maraming salamat po " tumayo na ako pagkatapos kong manalangin at masigla na akong tumungo sa CR para maligo.

Ilang minuto at lumabas na ako nang may mapansin akong kakaiba sa labas kaya pumunta ako sa pinto para buksan ito.

"Oh ayan na pala eh pasok na kayo tapos ilabas niyo na lahat ng gamit niyang sinungaling na yan!" Bungad sakin ni aling sally at pilit na pinapapasok ang mga kasama niyang tanod. Dali dali ko naman silang hinarang.

"Teka lang po! Ano pong ibig sabihin nito? Di ba po sa linggo niyo pa po ako papalayasin?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko talaga maintindihan ni wala pa nga akong matitirhan kapag pinaalis ako dito eh.

"Sorry ija pero may bago nang uupa dito at sigurado akong makakabayad na buwan-buwan hindi kagaya mo!" Wala akong nagawa kung hindi panoorin nalang ang mga baranggay tanod na inilalabas lahat ng gamit ko.

---

Nagugutom na ko kaya mabilis akong napahawak sa tiyan ko. Hindi pa ko nag aalmusal, andito ko sa kanto nag aabang ng himala.

Hinila ko yung maletang dala ko. Maliit lang to saka konti lang naman ang mga damit at gamit ko kaya kasya dito.

Napunta ang mga tingin ko sa isang matandang babaeng pulubi, kawawa naman siya siguro magiging ganyan rin ako kapag wala pa kong nahanap na trabaho ngayong araw.

Nagulat ako ng mapunta ang tingin niya sakin, kaya ngumiti ako sakaniya. Kita ko sa mga mata niya na malungkot siya kaya iniwan ko muna ang mga gamit ko sa gilid ng tindahan at pinuntahan ang matanda na nasa kabilang kalsada.

Ngumiti siya sakin ng bahagya at inilahad ang kamay niya sakin na para bang namamalimos. Kaya napakagat ako sa ibabang labi ko wala akong pera ngayon kahit piso wala pano to? Ah alam ko na

"Ah hehe pasensya na po nanay wala ho akong pera eh" sabi ko sabay kamot sa batok, nakakahiya naman pumunta ko dito tapos walang maitulong siguro ine-expect ni nanay na bibigyan ko siya ng pera hays na disappoint ko tuloy siya.

"Okay lang ija. Alam mo maganda kang bata at alam kong habulin ka ng mga lalaki kaya mag ingat ka" birong sabi ni nanay kahit nahihirapan na siya sa sitwasyon niya. Ano daw? Ako maganda wahh

"Naku nay siguro sinasabi niyo lang yan kasi mabait ako haha tanggap ko na po nay na hindi po ako nabiyayaan ng kagandahang panlabas pero busilak naman yung puso ko kahit mahirap lang ako haha" bawi ko ring sabi kay nanay.

Tinignan ko si nanay at hindi siya tumawa nakasimangot lang siya. Ay na offend ko ba siya? Ay sorry naman.

"Ah hehehe sorry ho nay pero baka naiistorbo ko ho kayo sige po! " masayang paalam ko dito baka kasi nakaka istorbo na ko diba? Wala na nga akong maibigay tapos mang iistorbo pa ko ay wag ganun.

Akmang hahakbang na ako ng biglang nag salita si nanay kaya napahinto ako at lumingon sakaniya.

"Ija pwede ko bang tignan ang palad mo?" Nanlaki naman yung mata ko mabilis kong tinignan yung dalawa kong kamay kung madumi ba, pero malinis naman ito kaya dahan dahan kong iniabot ang kanan kong kamay sakaniya.

Nag taka ako kasi akala ko kung ano nang gagawin niya sa palad ko. Parang sinusuri niya ang bawat guhit na nanduon na tila ko may pinahihiwatig ang mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living With The Bad Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon