Commitment is not important. Sa paniniwala ko kasi it's better to have a friend than a boyfriend kasi may possibility na magbe-break kayo pag naging kayo,diba? Eh pag nangyari yun DOUBLE KILL, nawalan ka na nga ng boyfriend,nawalan ka pa ng kaibigan. Ang importante lang naman is alam niyo sa sarili niyo na mahal niyo ang isa't isa. Mas better na hiwalayan niyo na yang mga boyfriend at girlfriend niyo,bago pa nila malaman sa iba, sa ginagawa niyo ngayun sinsaktan niyo na sila. Malaking gulo yan pag nangyari. Yung sa part naman na kung kakaibiganin mo na lang siya kahit nasasaktan ka na,kayo na yan ang makakasagot,pero dapat siguraduhin niyo muna yang nararamdaman niyo ha? Baka magsisi kayo sa huli,at mawala ang friendship niyo. Ipa intindi niyo na rin dun sa mga syota niyo. Sana nakatulong ako :)
~Ate Chai