C.2 The Lady In Black

3 1 0
                                    

Kiru's P.O.V

It's been a week since last na panaginip ko. Minsan lang naman kasi ako nananaginip, tapos sinira pa ni mama. huhuhu ≧﹏≦

Acquaintance Party ng school namin ngayong gabi kaya kahit ayaw kong pumunta, no choice ayaw akong tantanan ng best friend kong si Reishi kesha once a year lang daw 'to nangyayari samin kaya dapat mag participate ako. Tch!

🎵 c'mon baby let's go party. woo oh ho ~

Halos lahat ng estudyante nandon sa dance floor sumasayaw at nag-eenjoy ako lang ata hindi e, mas mabuti pa kasi nanuod na lang ako ng anime sa bahay. Hay nako!

"Oh Kiru, ba't andyan ka lang sa sulok come let's dance!" Pang-aaya sakin ni Reishi.

Si Reishi Michiko kasi bes friend ko simula grade 5. Unlike me, sikat siya, maganda, matalino at mahilig mag party. In short, opposite ko. Ewan ko nga kung bakit naging bes friends kami. Ito siguro yung tinatawag nilang opposite attracts. Ewan~

"Wag na bes! Alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganyan" pang-aayaw ko sa alok niya.

"Eeeeee. Booo! Sa ginagawa mong yan tatanda ka ng mag-isa, sige ka!"

"Seriously? Oh no! Ayoko!"

"Kaya nga magparty ka kahit papano. Here uminom ka ng alak para hindi kana mahiyang sumayaw"

"Uy bes! Alam mong bawal yan, underage pa tayo bawal tayong uminom"

"Whatever bes! Acquaintance Party means No Parents and Freedom. Hindi naman nila malalaman 'to basta hindi ka susumbong. Sige na!"

Minsan talaga kahit matalino 'tong si Reishi may pagka wild din. Hays! Uminom na lang ako ng konti kasi hindi rin naman niya ako titigilan nito.

"Good. Now cmon bes let's dance" hinatak niya nga ako sa dance floor.

The next thing I know, I think the alcohol hits me. I dance hard for the first time, siguro pagsisihan ko 'to bukas pero wala na akong pakialam.

Pauwi na akong mag-isa. Nag-offer pa sana si Reishi na ihatid ako kaso tinaggihan ko kasi makakasagabal lang ako sakanya. Magkaiba yung direction ng bahay niya samin.

Nung naglalakad ako pauwi ng pailing-iling may nakita akong babae.

Creepy. She wears black cape at mukha siyang black lady.

Halaaaaaa!!!!

Papunta siya sa direction ko. Eottoke? Kakainin niya ba ako? Huhu. Sabi na nga ba, sana nagpahatid na lang ako kay Reishi kanina eh.

"Ineng...." Paninimula niya.

"P-po?" nauutal kong sagot.

"Ako ay isang diwata na magtutupad ng iyong kahilingan. Ano ba ang iyong nais?" luh? naka-drugs siguro si ate pero dahil medyo lasing ako sige sasakyan ko trip niya.

"Uhmmm... yung wish ko po?"

"Ay hindi yung wish niya" turo sa kahoy na nasa tabi ko "malamang ikaw, unless may nakikita ka pang iba? Oo ikaw! Wag tanga bes." Kinalabutan ako ng konti sinabi niya.

Wahhhhhhh!!!! •﹏•

"Ehh wish ko po? Uhmm.. Yung makasama at makapiling yung taong mahal ko" Si Ichizen Ryoma, my loves. ❤

"Matutupad ang iyong kahilingan!" weh? paano?

May binigay siya sa akin na kuwintas na kulay Green.

"Itong kuwintas ang magsisilbing paraan para magkita kayo ng minamahal mo"

"Paano po?" Ibang klase yung trip ni ate eh. Imba!

"Pagsapit ng kabilugan ng buwan, bago magsapit ang alas dose sambitin ang isang ritual 'despite what other people say for me you'll always be real' ng 3 beses, sambitin ang pangalan ng iyong tinatanggi at matutupad ang iyong kahilingan"

Wow. Totoo? So makikita ko na si Ichizen Baby ko?

Kinuha ko ang kuwintas mula sa babae.

"Ate bakit full moon pa po? Eh paano kung hindi ko nagawa?"

"Then, mawawala na ang iyong kaisa-isang pag-asa para matupad ang iyong kahilingan. Masasayang yung effort mo"

Baliw na talaga 'tong si Ate. Hay nako! So, kung hindi ko magagawa yung ritual hindi ko makikita ng totoo si Ichizen Ryoma baby ko? Pffft. As if naman totoo pinagsadabi niya.

"By the way, ale-" Biglang humangin ng malakas at pagmulat ko wala na yung babae.

Naglingi-lingi ako pero wala na talaga siya.

"Magician ba siya? Bilis niyang nawala ah." napatingin ako sa buwan. "Hala? Full moon ngayon? So, yung ritual.. hala mag-aalas dose na"

Nakakatanga man at kahit hindi ako naniniwala dahil wala akong trip sasakyan ko nalang yung pakulo ng ale kanina at ginawa ang ritual.

Kailangan lang namang basahin yung mga nakasulat sa papel kanina diba? Well, here goes nothing....

despite what other people say for me you'll always be real Ichizen Ryoma...

despite what other people say for me you'll always be real Ichizen Ryoma...

despite what other people say for me you'll always be real Ichizen Ryoma...

at parang bula ay biglang may nakakasilaw na ilaw ang lumabas galing sa kuwintas.

Mou. Anong nangyayari? bakit parang nahihilo ako.

Ugh. //passed out//

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Otaku's Wish (Prince of Tennis fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon