"SULYAP"
Sa bawat pagdaan ng aking mata sa iyong mukha
Ika'y aking nahuhuli na sakin nakatingin
Ngingiti ng palihim, sapagka't di lang pala ako mag isa.
Ngingiti ng palihim, dahil ako'y sinusulyapan mo din.
Tuwing ikaw ay aking titignan, nahuhuli ko ang iyong mata sa akin din nakasulyap
Sa tuwing ako ay lilingon, sakto ang mata natin sa isa't-isa
Tayo ba'y itinadhana o ako lang tong umaasa.
Ang hirap magbuo ng kwento sa king isipan
Masakit ang umasa sa wala namang kasiguraduhan
Kaya sana kung ikaw nga ay may tunay na pagsinta
Sa akin to ipaalam, hindi yung hanggang sulyap ka na lang.
-E.M.L
BINABASA MO ANG
RANDOM POEMS
PoetryThis is all about my thoughts, I expressing all of my emotions through writing poems either tagalog or english. But not all of my poems are related to me, some are based on what i am seeing. Read and enjoy!! Feel free to critizice,but please if you...