Dunno??

3 0 0
                                    

Linggo ng umaga ngayon.
Matagal ng panahon buhat ng ikaw ay lumisan
Walang araw ang di nagdaan na hindi ka sumagi saking isipan
Tanong saking isipan hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan.

Naaalala ko ang mga panahon na yaon,
Habang nalalaglag ang mga dahon
Habang bumubuhos ang ulan
Habang luha ko'y pumapatak
Habang naaalala ko ang ating mga alaala

Naiisip kita sa araw-araw
Naiisip mo rin ba ko? Gusto kitang mahagkan, gayon din ba ang nais mo? Naiisip mo ba ang mga panahong tayo'y masaya na sana hindi tayo nagpadaig sa mga hamon ng tadhana
Naiisip mo ba na ibalik ang panahon? Ang mga panahong hindi pa nalalaglag ang mga dahon?

Yung panahon na matatag pa ang puno
At ni ang hangin o ni ang bagyo ay hindi ito magawang sirain.
Yung panahon na malago pa ang mga dahon nito.
At hindi yung mga panahong unti unti na itong nagsisilaglagan sa lupa.

Tila pagmamahalan natin ay sadyang parang puno lang talaga.
Ang dahon ang nagsisilbing mga alaala at pagmamahal
Ang katawan ang nagsisilbi sa ating katatagan
At ang mga sanga ang ating mga kamay.
Ngunit ang dahon na unti unting nalalagas, o ang pagmamahal mo na unti unting naglalaho o ng mga alaala natin na unti unti mo ng kinakalimutan.
Ang mga sanga na napuputol na dahil sa karuwagan.
Ang mismong puno o katawan na nawala na ang katatagan.
Dahil ikaw ay sumuko at nagpadala kay amihan at ulan.
Sumama ka sa kanila at tumungo sa iba.

Pero ako'y nanatiling puno sa kabila ng iyong paglisan.
Pupunuin ko ulit ang aking sarili ng mga dahon o ng pagmamahal o ng  mga alaala
Kasama ang aking sarili.
Mas papatagin ko pa ang katawan at ang mga sanga.
Hindi ko hahayaang dalhin ito ng hangin palayo sakin.
Dahil matapos mokong iwan wala nakong kasama kundi ang sarili ko lang.
Pero salamat sa iyong paglisan, ako ay naging mas matatag na isang puno na maglalakbay habang buhay.

RANDOM POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon