Varsity Ka

30 1 0
                                    

(Blazing Phoenix)
Isinulat pagkatapos ng Intercollege
- September 22 , 2016 -

Varsity ka sa school na ito ,
Pero hindi ko sasabihin ang departamento mo.
Hindi ko kayang sabihin sayo ng harapan kaya idadaan na lang sa sulatan.
Sabi ko noon hindi na ako hahanga sa player na kagaya mo ,
Pero nagbago yata yung pananaw ko ng makita kitang maglaro sa apat na sulok ng court na ito.

Ikaw yung tinitilian , ikaw yung sinisigawan , ikaw yung nilalapitan.
Sa dami ngang sumisigaw sayo ng "Go Baby!" "Go Babe!" hindi ko na malaman sa kanila kung sino ba talagang Girlfriend mo.
Kaya ngingiti na lang ako sa isang tabi kasi madaming umaangkin sayo.

Ako yung taga tingin kung paano ka mag laro.
Taga sigaw pag may nakakapuntos sa inyo.
At taga tingin kung kailan ang schedule ng laro nyo.
Kayo yung humble sa supporters niyo.
Sa sobrang humble niyo madaming sumisigaw para sa inyo.

Varsity ka , Fan lang ako.
Manalo man o matalo ang team niyo ,
Para sa akin ikaw pa din ang MVP ko.

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now