Nasulat ko out of nowhere.
Hey Ivan, I miss you :(
Hindi na tayo nag uusap.
Hindi na tayo nagpapansinan.
Nawala na yung pangako mong hindi ka magbabago.
Nawala na yung pangako kong hindi ako magbabago.
Namimiss ko na yung paglalambing mo.
Pang aasar mo. Pangungurot mo.
Ngayon kahit "Hi/Hello", wala na!
Dinadaanan na lang natin ang isa't isa.
Namimiss ko na natawagin mo ako sa palayaw na ginawa mo.
Namimiss na kita.
Namimiss kita tuwing makikita kitang malapit sa akin ngunit hindi kita kayang batiin.
Naaalala ko ang pinagsamahan natin.
Namimiss ko na ang isa sa naging matalik na kaibigan ko.
Pero alam ko yung rason mo ay para sa ikabubuti ng paligid mo.
At alam ko ang naging desisyon mo at naging desisyon ko noon ay nag dulot ng saya kung anong meron tayo ngayon.PS: Ang saya ko nang tawagin kita kanina at kumaway ka pabalik sakin. Sabay takbo ng matulin palayo sa amin!
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryThis is a compilation of my spoken word poetry. Hope you like it. Enjoy reading! Godbless