Rain 32

29 1 0
                                    

Klara's POV

"Klara, pupunta kami ulit sa flower farm mamaya, may contract signing with the owner." Sabi ni ate, does that mean na maiiwan ako dito sa hotel? Actually, kagabi matapos namin mag dinner pina-transfer ako ni dad dito sa hotel kung saan sila nag stay.

"Pwede ba akong sumama?" Tanong ko. Ayaw ko namang mag tour ng Cebu na ako lang mag-isa.

"Ofcourse." Sagot ni dad and I saw my mom and sister's shocked faces.

"But, dad diba?" Tanong ni ate kay dad. I got confused. May tinatago ba sila sakin?

"It'll be fine, Carla. Kahit anong gawin natin, maghaharap talaga sila." Sagot ni mom which made me more curious, sino ba talaga ang owner ng flower farm na iyan?

"So, maghanda na kayo. Nakakahiya kung ma late pa tayo." Sabi ni dad at tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa table kung saan kami kumain ng breakfast.

Sumunod naman si mom kay dad at ang naiwan ay kami ni ate Carla.

"By the way, Klara. Kailangan kang magpaganda bago ka humarap sa owner ng flower farm." Simpleng sabi ni ate Carla.

"Huh? Bakit naman?"

"Ang ganda kasi ng girlfriend non and I don't want my sister to be left behind." Natatawa niyang sabi.

"Eh? Anong pake ko sa girlfriend niya? I just want to wear something I'm comfortable with." Sagot ko kay ate at inubos na ang fresh milk na iniinom ko. This is my habit every morning, fresh milk talaga.

"Hush now sis, let me do the work. I'll make you even prettier." Excited niyang sabi.

"As if I have a choice?"

"Wala. Kaya let's go na sa room ko I have this new white dress na bagay sa'yo." Excited na sabi ni ate at agad itong tumayo tapos kinaladkad ako, hindi naman obvious na excited siya noh?

Suot ko na ang dress na sabi ni ate Carla, isa itong white dress na spaghetti strap at may parang stretchable part sa may abdomen so medyo na fit iyon sa katawan ko.

"Sure ka ba sa dress na ito, ate?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ba? Bagay kaya sa'yo." Sabi niya while she's curling the tips of my hair.

"Bagay nga, revealing nga lang. Baka masabi pa sa owner ng flower farm na napaka informal ng mga Montevidad." Sabi ko habang sinusuot ang flat shoes ko.

"Hindi iyon mag-iisip ng ganyan lalo na't..uhh nevermind. Hali ka, light make up ilalagay ko sa'yo." Pumunta naman ako sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas at kumatok na si dad na sa parking lot lang daw sila maghihintay samin.

Hinanda namin ang gamit namin at sumakay na kami sa sasaktan papuntang C Flower Plantation.

"You look good, Klara." Sabi ni mom.

"Thanks." Hindi ko siya tinignan dahil busy ako kaka picture sa mga view na madadaanan namin.

Mga 1 hour and 30 mins. Nakarating kami sa flower plantation. Bumaba na kami at hinanda nina dad ang papeles tapos pumasok kami sa simple pero elegante na opisina sa loob ng mini mansion sa flower plantation.

There, I saw the owner, I saw him.
Sitting beside him is his brother and at his left side, is Bella Fernandez the girl na tumabi sakin sa eroplano.

For years, I saw him again.

"Luke." Mahina kong bulong.

Love RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon