Rain 29

33 1 0
                                    

Klara's POV

"Joaquin, thank you for everything." Tinignan niya ako sa mata.

"You really are leaving?" Mahina akong tumango.

"I'm sorry." Hingi kong patawad sa kanya.

"Don't be. I hope you'll be happy." Nakangiti niyang sabi. He hugged me tight.

"I will always love you, Klara." Mahina niyang sabi and he kissed my forehead. Timing din na boarding na kaming mga pasahero.

"Until we meet again, Joaquin." 

"In no time. Take care." Iyon ang huli kong narinig sa kanya bago siya nawala sa aking pananaw. Nang makasakay na ako sa eroplano napapikit ako. This is it Philippines! I'm coming back.

"Excuse me miss." Agad kong binuksan ang aking mata para makita kung sino ang nagsalita.

"Yes?" 

"I'm sorry to wake you up, but is that seat vacant?" Naging clear na ang pananaw ko and all I can see is a goddess. I think she's a model.

"Uhh yes it is vacant." She smiled at agad namang umupo.

"Thanks! By the way, I'm Bella Fernandez. You are?" She offered her hand and I gladly shook it. There's something in her that I just can't explain. 

"Klara Montevidad." Her smile faded.

"Montevidad? Daughter of Rita Montevidad?" I nodded at her. Ano nanamang koneksyon nito sa magaling kong ina.

"Maybe that's why you seem so familiar." Kinuha niya ang laptop niya at may tinipa sa keyboard doon di naman ako chismosa kaya hindi ko na tinignan.

"How come you know my mother?" 

"My boyfriend's family know your mother." Tumango nalang ako dahil wala na akong iba pang masabi. Then suddenly, may tumawag sa phone niya. She's getting busy kaya di ko nalang siya kinausap. Pero rinig na rinig ko ang sinsabi niya while she's on the phone.

"Yes, yes mom. I'll be in Cebu for a week. I have to meet Luke's parents. Yes, maybe he'll come with me to meet you. Yes, I'll be fine. Love you." Pumikit nalang ako. Madaming Luke sa mundong ito. And I'm sure hindi si Luke Castro iyon, how can he be in Cebu?

Third Person's POV

Mabilis at masagana ang harvest ng farm na ito dahil na rin siguro sa magandang panahon. Kaya dito tinayo ang napakalaking flower farm na ito dahil na rin sa malamig at di masyadong mainit na klima sa lugar na ito.

Nagsimula ang business na ito dahil na rin sa kailangan niyang mag bagong buhay. Hindi naman nahirapan ang may-ari nito na palaguin dahil marami itong koneksyon.

"Boss, limang truck na ang nadeliver. Ipapatuloy pa ba?" Pagtatanog isang trabahante sa may-ari. Hindi lang ito basta-bastang trabahante kundi right hand ng may-ari. Siya si Miguel Bilan. 

"Huwag na sa susunod na araw naman itong mga natirang bulaklak. Magpahinga na kayo. Bigyan mo na rin ng sweldo yung ibang trabahante." Sabi ng may-ari at agad naman itong sinunod ni Miguel.

Nang makaalis na si Miguel, agad tinignan ng  may-ari ang mga bulaklak, at agad niyang naalala ang mga mapapait na ala-ala.

Sa di kalayuan, nakatingin si Miguel at ang ibang trabahante at nabahala ang  mga ito sa inasta ng kanilang boss.

"Parang hindi masaya si boss. Masama ba ang harvest ngayon?" Tanong ng isang trabahante at umiling lamang si Miguel at siya ang may alam kung bakit ganyan ang inasta ng boss nila.

"Masama lang siguro ang pakiramdam. Sige umuwi na kayo, magpahinga kayo at may maraming trabaho pa tayo bukas." Agad namang nagsiuwian ang mga trabahante at lumapit si Miguel sa boss niya at kaibigan niya na rin.

"Boss, dadating ngayon si Ma'am." 

"Edi dadating siya." Walang ganang sabi nito.

"Pero boss, diba?" May pag-aalinglangan na sabi nito.

"Wala kanang pakialam sa gagawin ko Miguel. Sige makakaalis ka na." Agad namang tumango si Miguel at umalis habang ang boss nito ay naiwang mag-isa at nagluluksa dahil ang araw na ito ay araw sa pagsisismula ng mapait nitong buhay.

Love RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon