(Lunch break)
Nandito kami ngayon ng bestfriend ko sa cafeteria at sabay naglulunch. Oo napagkasunduan na namin na kahit hindi na kami magkaklase, ay sabay parin dapat kami kumain ng lunch at umuwi.
''Naku babe ilibre mo naman ako nun at tsaka nun..at yun din..ayyy babe! Ibili mo rin ako nitong favorite kong fried chicken at salihan mo nalang din ng isang coke.''
Tinuro ni Jen ang iba't ibang pagkain sabay pacute at nag puppy eyes sa bestfriend.
''Naku mabubutas naman ang bulsa ko neto sayo bes. Kung makaorder ka naman dyan parang wala nang bukas, haysst!''
''Hihi, okay lang yan babe. Di bale babawi nalang ako sayo sa susunod. Alam mo naman wala talaga akong pera ngayon. Tila minamalas talaga ako ngayong mga araw na to eh. ''
''Hayyy, wag mo nga lang isipin yon. Basta always remember na nandito lang ako palagi sa tabi mo ok?''
''Awww, thanks babe. Ikaw na talaga ang pinaka the best na kaibigan sa buong mundo!''
Niyakap ni Jen ang bestfriend nang napakahigpit.
''Ehh! Tigil tigilan mo nga ko Jen. Hindi moko madadala sa mga bola mong yan. Hindi yan libre ah, babayaran mo yan.''
Napatiwalag si Jen sa pagyayakap at biglang napasimangot.
''Pfft! Panira ka talaga ng moment kahit kailan ano?!''
''Hahahaha!''
Biglang nagtawanan ang dalawa ng malakas. habang naglakad patungo sa kanilang uupuan ay may nakabunggo sila sa daan at sa isang idlap lang ay natagpuan na lamang ni Jen na nasa sahig na ang pagkaing sana'y magiging hapunan niya ngayon.
''Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?''
Napalingon si Jen sa gagong nagaksaya ng grasyang magiging hapunan na sana sa kumakalam niyang tiyan.
And guess who? Ito naman yung mokong lalaking nangalang Jeth, ang tumambad sa naninilim na niyang paningin.Parang biglang bumukal at uminit ang dugo ni Jen sa pagmumukhang kanyang nakita.
Sa totoo lang kanina pa siya naririndi sa gagong iyon. Eh pinahiya kaya siya nun kaninang umaga sa buong klase nila at buong umaga talaga siyang kinulit sa klase.
Parang pinagsisihan tuloy niya ang pagtanggi sa offer ng kanilang prof na lumipat ng upuan. Eh Talagang kinareer ng binata ang sinabing'game on' daw kasi Di pa nakunteto sa mga pagpapahiyang ginawa sa kanya kanina.
''Ikaw nga yung hindi tumitingin dyan eh. Kitang kita na ikaw yung bumunggo sakin eh?! Nananadya ka ba ha!?''
Hindi na napigilan ng dalaga ang sarili. Napasigaw talaga siya ng napakalakas na dahilan para titigan sila ng nakapalibot na mga estudyante sa paligid.
Ano ba to? ba't pag nakikita ko ang pagmumukha ng gagong to eh palaging may hindi magandang nangnyayari at nagiging center of attraction tuloy ako?
Napuno ng mga bulungan at chismis ang buong canteen.
Bulungan nga ba, eh rinig na rinig ni Jen ang mga konento ng mga echoserang mga frog sa paligid.''Sino siya?'' Sabi ng isang babae
''Inaaway niya ba ang papa Jeth ko!''
''Ang kapal naman ng fezlak ni girl.'' Bulong ng isang bakla naman
''Hmmf war freak ata.''
''Whoa! Ang tapang ng chics na yan bro oh!''
Ilan lamang ito sa nasagi ng kanyang pandinig.
Abat marami palang mga chismosa dito noh?
BINABASA MO ANG
Diary of a Hopeless Romantic
RomanceSi Jenny ay isang''hopeless romantic'', at kung sa Tagalog pa, siya ay''sawi sa pag-ibig''. Marami siyang mga crush ngunit, hindi niya alam kung bakit walang nagkakagusto sa kanya kahit isa. ''Mahirap ba talaga siyang magustuhan, o sadyang pangi...