Chapter twoGinabihan ng uwi si Jenny nang araw na iyon, sapagkat ginugol niya ang maghapon sa pamamasyal at pagbobonding kasama ang bestfriend. Dahil nga daw magkahiwalay na sila ng seksyon at baka minsan nalang silang magkita sa mga susmusunod na araw, sinulit na nila ang buong hapon para magemote sa paghihiwalay nilang dalawa, pagkat di na sila magkaklase simula bukas.
Yun na nga talaga ang pinakamalas na araw sa buhay ni Jenny. Pagdating pa niya ng bahay, ay pinagalitan at sinermonan pa siya ng kanyang mga magulang dahil nagabihan siya ng uwi.
"At san ka naman nanggaling para umuwi ka ng ganito kalate ng walang paalam?" ma-autoridad na banta ng kanyang tatay sa pagdating niya.
"As if naman may paki kayo." Bulong ni Jen sa sarili. Wala nga naman talagang paki ang kanyang ama sa kanya, puro mga bisyo lang ang inaatupag nito araw-araw kaya't ang nanay niya nalang ang naghihirap na kumuyad sa trabaho para may pang-gastos sila sa pangaraw-araw.
"Anak nag-alala talaga kami sayo. San ka ba galing ha?" Dagdag pa ng kanyang ina at niyugyog siya.
Hindi umimik sa Jen. Nasasakal at naiirita na siya sa mga kamalasang nangyari sa kanya sa iskul ngayong araw, at ngayon naman sa pagdating niya sa kanilang bahay ay iba na naming sakit sa ulo ang matatagpuan niya. Patuloy lang siyang naglakad at tumungo sa kanyang kwarto at umaasa na pabayaan nalang nila siya dahil gusto na niyang mapag-isa at "mag-emote pa more" sa kanyang silid.
"Hoy! Bumalik ka rito, kinakausap pa kitang bata ka!" Pagpipigil ng ama
"Pwede po ba, pabyaan niyo muna ako?! Pagod po ako ngayon kaya please lang." Naiiyak na sagot ng dalaga at tumakbo patungo sa kanyang silid bago pa siya mapigilan.
Pagkasira nang pagkasira niya ng pinto ay di na niya pinigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
"Buksan mo tong pinto nganyun din!" Sigaw sa labas ng kanyang kwarto habang hinahampas ang pinto.
Hindi pinansin ni Jen ang pag-lalamba sa kanyang pintuan.
"Pabayaan mo na muna siya Pa. Pagod na kasi daw." narinig niyang sabi ng kanyang nanay
Patuloy lang siya sa pag-iyak sa kanyang higaan habang patuloy din ang ingay sa labas. Hindi nalang niya namalayan na dinalaw na siya ng antok hanggang sa nawalan na siya ng malay.
--
Kinabukasan, maagang pumatungo si Jen sa paaralan. Ayaw niya kasing maabutan ng kanyang magulang, dahil alam niyang kukumprontahin na naman siya ng mga nun tungkol kahapon.
Kaya wala siyang magawa kundi ang umalis ng hindi kumakain ng almusal at walang dalang baon. Naglakad na lamang siya patungong school ng kumakalam ang tiyan. Mas mabuti na daw yon kaysa maabutan na naman niya ang pagbabangayan dun sa bahay nila.
Buong buhay niya, ngayon palang niya sinubukang maagang maglakad mag-isa. Medyo madilim pa ang kalawakan nun dahil madaling araw pa. Gayun paman, hindi siya natakot at naisipan niyang magandang ideya nga naman ang paglalakad patungong school. Hindi na niya kailangang mag-aksaya pa ng pera para mamasahe at makakapag ehersisyo siya araw-araw kahit papano.
"masarap palang maglakad ng maaga noh kesa mag-commute. Ba't ngayon ko lang naisipan to?" nasabi ni Jen sa sairli.
Napakatahimik at napakaganda ng paligid na tila siya lang ang nag-iisang taon nabubuhay sa mundo. Maliban sa tunog ng kanyang paglalakad, tanging mga taghoy lamang ng mga ibon ang kanyang naririnig. Tila nakalimutan na niya ang mga problema niya sa mundo habang dumadapo ang malamig na ihip ng hangin sa kanyang balat.
Ilang minuto pay nakarating na din siya sa kanyang silid aralan. Mabuti naman at nakabukas na ang pinto ng kanilang classroom, kaya dertso siyang pumasok at tumungo sa upuan malapit sa may bintana. Wala pang mga tao kahit isa kaya't naisipan nalamang niyang umidlip ng sandali hanggang magsimula ang klase. Isinaksak niya ang kanyang earphones sa tenga at muling dinalaw ng antok.
BINABASA MO ANG
Diary of a Hopeless Romantic
RomantizmSi Jenny ay isang''hopeless romantic'', at kung sa Tagalog pa, siya ay''sawi sa pag-ibig''. Marami siyang mga crush ngunit, hindi niya alam kung bakit walang nagkakagusto sa kanya kahit isa. ''Mahirap ba talaga siyang magustuhan, o sadyang pangi...