Chapter 2

98 1 0
                                    

Chapter 2

*blink* *blink*

A-no daw?

Puppy Love?

Did i heard it right, right?

What is the meaning of that?

Oh-kay! Relax lang Paige.

Magsasalita na sana ako ng tumikhim sya.

" E-ehem! Sige. Kumain kana, ubusin mo yan! " and in a snap wala na sya sa harapan ko.

Oh-kay!

What was that?

Weird.

Pinagpatuloy ko na lang din ang pagkain ko at gaya ng sinabi nya, inubos ko. As in simot. Sayang e. Hahaha

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa sala para makijoin sa kanila. Hindi naman ako makikilaro ng Tekken wala akong hilig dun. Ayoko lang maging senti magisa kaya kahit wala akong kaalam alam sa mga pinag gagagawa nila e sasama na rin ako para kahit papaano ay may kasama ako.

Naabutan ko pa rin silang naglalaro. May nakita din akong mga chips at rootbeer sa center table. Diko napansin kanina yun ah or kakakuha lang nila. Why do i care.

Umupo ako sa may sofa. Bali nasa likod nila ako. Nakaupo kasi sila sa sahig kaya solong solo ko ang buong sofa. Kaya sumandal ako sa dulo ng sofa yung may sandalan at humiga, yung nakasandal yung likod ko pero yung paanan ko nakahiga. Ganun! (getsXD)

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at balak kong magpicture. Selfie selfie din pag may time lol

Ginamit ko ang isang app para makapagpicture.

Nang pang 4 na shot ko ay may biglang epal na nasa likod ko. Paglingon ko nakita ko yung gwaping mukha ni Tucker at at the same time nakakainis dahil sa nakakabwisit nyang ngiti.

" Lakas mo maka photo bomber. " sabay irap ko sa kanya. Hindi kaya masira eyeball ko nito kakairap sa kanya. Nakakadalawa pa lang akong chapter pero diko na mabilang kung ilang beses ko sya inirapan.

" Photo bomber na gwapo. " at taas baba ng kilay nya. Nagiwas naman ako ng tingin. Takte! Bakit ang po--

" Hangin " narinig ko syang tumawa. Napansin ko rin na wala na pala si Kuya dito bale kaming dalawa nalang ang nasa sala at nasa likod ko pa sya. Nakaupo sa sahig. " Bat ka ba nakaupo dyan? Ang luwag luwang dito oh para kag timang dyan. " umalis din naman sya at pumwesto sa di kalayuan sa akin.

" San si Kuya? " tanong ko habang nasa phone ko yung mata ko.

Tuck: Umalis

Napatingin naman ako sa kanya.

Ako: Huh? San daw nagpunta?

tanong ko.

Tuck: Ate Chloe.

Ako: Ah.

Si Ate Chloe ay pinsan ni Tuck. 20 palang si Ate Chloe kaya mas matanda si Kuya Cedric at Tuck sa kanya ng isang taon. Nasabi ko na bang 21 na sila? Kung diba edi nasabi ko na. And im 19 years old.

At tumahimik na ako.

Ayaw ko na ngang kausapin yan baka di lang ako makapagpigil at mabigwasan ko yan ng wala sa oras.

Inabala ko nalang ang sa sarili sa pagsusurf. Twitter and Ig. I don't have facebook. Ayoko nun masyado kasing magulo. Yung ibang mga tao kasi nabubuhay nalang sa mga likes. Paramihan ng likes. Mga Famewhore! Yung iba pa nga e kung magpakita ng cleavage e kala mo wala ng bukas. For me, anong mapapala mo sa pagpapakita ng cleavage sa picture para dumami likes ng picture mo? Tapos ano? Magiging famous ka. Oh well hindi ikaw ang naging famous kundi ang cleavage mo. Geez! People now adays.

Tucker&PaigeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon