Chapter 5
Torpe
Kinabukasan...
Maaga akong nagising dahil may peste-epal-mayabang na nangulit sa pagtulog ko.
" Ano na naman bang kailangan mo at nandito ka sa kwarto ko? Lumabas ka nga. Inaantok pa ako e. " taboy ko kay Tuck.
" Ikaw ang sungit mo talaga. Ikaw na nga binibisita e. "
" Diko sinabing bisitahin mo ko. Layas! " taboy ko sa kanya at dapa sa kama.
" Ang hard mo sakin. " no response
" Uy! " kalabit sakin. no response
" Uy! Uy! " kalabit ulit. Still no response.
" Uy uy uy! " shit! nagreact yung katawan ko ng sundut sundutin nya yung bewang ko. Weakness ko yun!
Sobrang lakas ng kiliti ko dun e. Naman! At mukhang nahalata nya pa. Naman e!
" Aha! So dyan pala ha?! " agad ko syang tinignan. At ang loko may nakakalokong ngiti.
" Anong binabalak mo? " sabi ko at dahan dahang umupo habang kinakapa ang mukha ko kung may morning glory ba. (muta)
Nakatingin pa rin sya sa akin ng nakakaloko at unti unting lumalapit.
" Isa. Wag kang lalapit! "
Pero patuloy padin sya sa paglapit hanggang umupo na sya sa kama ko.
Kinakabahan ako.
Baka....
" Dalawa.. Sinasabi ko sayo.. "
" Ano yun? " gumagapang na sya palapit sa akin. Nakakailang!
" A-ano? "
" Anong gagawin mo sa akin pag lumapit ako? Ano!? " napaisip naman ako dun. Ano nga bang gagawin ko sa kanya?!
" A-ano... su-susumbong kita kay Kuya. "
" Susss eh takot sakin yun e. " yabang talaga neto.
" Edi.. sasapakin kita. Sige try mo lang lumapit. " tas taas ng kamao ko.
" Ows? Weh kaya mo? " at unti unti na syang lumapit.
" Hey hey! Isa.. Pag lumapit ka pa ano.. "
" Ano? " nakatingin lang sya sa akin na naghihintay sa idudugtong ko.
" A-ano.. di kita p-papansinin. Kaya wag kang lalapit. " pagkasabi ko nun huminto naman sya sa paglapit.
Marihin nya akong tinignan sa mata. Nakakailang kaya umiwas ako.
" You will never do that. " and in a cue kiniliti nya ako sa bewang ko.
" WAAAAAAAA-HAHAHAHAHAHA-STOPPPPITTTTTT! TUCK MYGOD WAIT-HAHAHAHAHAHAHAHA-STOP ANO BA-HAHAHAHAHAHAHAHAHA-KUYAAAAAAAAAA! hahahahahaha. "
" Anong sinabi mo kanina ha? Ulitin mo nga. " habang patuloy pa rin sa pagkiliti sa akin.
" Hahahaha-wa-wala! Wala-hahahahaha tama na! hahahaha-stop. hahahaha "
" Say please first then i'll stop. " hindi pa rin nya tintigil. Halos lumuluha na ako dahil sa kiliti nya. " C'mon Paige say the magic word. "
" Oh-kaaay-hahahaha. P-please-haha stop please hahahahaha " pagkasabi ko nun tumigil din naman sya.
Ngayon ko lang napansin na nakabaliktad na pala ang pwesto ko. Epal kasi tong si Tuck e.

BINABASA MO ANG
Tucker&Paige
RomanceM.A.Y.A.B.A.N.G Yan ang ISA sa mg personality nya ang kinaayawan ko. Hindi ko alam kung sadyang pinanganak na syang mayabang o sadyang meron naman talaga syang ipagmamayabang. He got a looks and a body! Pero his personalities attract me. What person...