•Chapter 1•

8 1 0
                                    

"Hi Stella!!" Masayang pagkakasigaw ni Misha. Siya ang bestfriend ko. Oo, best friend ko dahil siya lang naman ang nagiisa kong kaybigan. Ako daw kasi ang pinakanerd at pinakaweird dun sa school.

Hay..minsan nga, halos nawawalan na ako confidence para sumali sa mga school activities eh. Pero, ba't ba diba? Wala silang pake! I'm just doing my grade losers! Hindi pa nila kasi nakikita ang totoong 'Stella,' kaya they don't have the right to judge. By the way, ang full name ko nga pala is Stella Marie Castro from St. Anthony's School.

"Hello Misha." Sabi ko habang suot ang malumbay na ngiti. "Oh? Bakit nanaman ba sad ang bestfriend ko? Hay..si Ken nananaman ba?" Tumango na lang ako. "Malapit ko na talaga iuntog sa pader yonnn!!! Ahh!! Sumusobra ka na!" Ang ingay talaga netong Misha na toh oh kahit kaylan nga naman talaga. Narinig tuloy ni Ken. Teka, si Ken? Narinig?

"Anong sabi mo panget ha!? Ulitin mo nga Misha! Baka gusto mong ipatanggal kita sa school? Remember? Mommy ko ang may ari ng school na toh." Sungit talaga ng mokong na toh kahit kaylan. Hayst! Ewan ko ba bakit ko pa nagustuhan yan.

Tinapik ko na lang si Misha na para bang naluluha na. Alam naman na niya siguro ang ibigsabihin ko. "So..so..sorry Ken. Di na mauulit.." Sabi niya habang nakatungo. Halata talaga sa mukha ni Misha ang galit dahil sa ipinakita niyang ugali. "Good." Sabay alis ni Ken kasama syempre ang "Pa-cool" niyang lakad.

Pinaupo ko si Misha sa bench at agad naman siyang umupo. "Yan kase, ingay mo eh! Hahahaha!! Nakakatawa ka talaga kanina, SOBRA!" Sabi ko habang tawang tawa ako sakanya. "Hay nako Stella, ikaw na nga tong pinagtatanggol eh. Bakit nanaman ba?" "Kasi naman! Kahit nakalugay buhok mo kanina habang nakayuko, alam kong namumula na yang tenga at ilong mo sa sobrang galit! Hahaha!! Pero thank you na rin." Pagkatapos kong sabihin yun, naramdaman kong wala na si Misha. Ang moody talaga nun! Kanina lang eh.. Hahaha!! Ba't ba? Nakakatawa eh! Bahala siya mamaya, diko papapasukin ng bahay yun! Hahaha!

Agad namang nagring yung bell kaya tumakbo na ako papuntang classroom. Nakakainis. Pawisan na agad ako umpisa pa lang ng klase. Pero, okey na rin kasi at least nakita ko ng malapitan si Ken kanina.

Pagpasok ko...

Teka? Wait..bakit ba lahat sila tumatawa?

"Hoy weirdo! Bastos ka ata eh! Tignan mo oh? Kitang kita na yung ANO mo!" Sabi ni Gino. Napatungo ako sabay takbo naman ako papuntang cr. Sh*t naman talaga! Sa lahat ba naman, siya pa ang makakakita? Fvck! Mamaya sabihin niyang pa yun kay Ken eh.

Ohmygosh Stella, bawas nanaman ng ng tsiyansa toh. By the way, katropa kasi ni Ken sila Miguel, Felix, Clent, and Gino. Ayst! Nakakainis! Huhu..where na you Misha? T_____T

Bigla akong napatingin sa orasan ko. Oh sh*t! 20 minutes late!? Ganun ba talaga kabilis yung oras or its just only me? Hay, detention slip abot mo Stella. =_____=

Agad akong tumakbo pabalik ng classroom. Sumilip muna ako sa pinto. Shemss, nakita ako ni Sir! How na this Stella? Help me po? Anyone?

The Guy I Have Waited Has ArrivedWhere stories live. Discover now